(Rain's POV)
Pakiramdam ko ay ang init init ng mukha ko nang makita ang ngisi sa labi ni Jace.
He's looking at me with that smile formed in his lips.
Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Kung dati ay hindi ako naniniwala na basta basta na lang bibilis ang tibok ng puso ng isang tao kapag nakikita ang gusto niya, ngayon mukhang napatunayan ko na. Ganito ba talaga yun?
Is it really normal?
"Rain!" muling tawag ni Aeris sakin.
Agh! Nakakainis, bakit ba kasi nagiging lutang ako?!
"Aalis na kami. I'll just give you your car key later. And..." sabi ni Aeris at nilingon ako "I think Rain is not feeling well." aniya at siniko ako.
Aray! Masakit yun ah.
"Okay." Jace said in his usual cold tone at tumalikod na samin.
Naglakad na din si Aeris at hinablot ang braso ko. Hinila niya ako sa mabilis niyang paglakad at pilit naman akong sumabay.
Magpinsan nga talaga sila ni Axcel, ang hilig nilang mang-hila eh.
"Wait la---"
"Why are you acting like that in front of him?" inis na sabi nito habang hawak pa rin ang braso ko. "Konti na lang at parang tutulo na ang laway mo!" huminto siya sa paglakad kaya napahinto din ako.
Uhh, I think she's just exaggerated.. It's a big NO WAY para tumulo ang laway ko.
Nailang ako nang mapanuri niya akong tiningnan.
"Don't tell me you like him?"
Napalunok ako sa tanong niya.
Wait, sasabihin ko kaya?
Nahihiya akong umamin lalo na't kapatid niya ito.
Come on, Rain! Think!
"H-huh? W-what??" kunwari pa akong napatawa "That's not funny.."
"Ohh?"
Nakaramdam tuloy ako ng kaba habang kaharap siya ngayon.
"Paano mo ba naisip yan?" patuloy pa rin ako sa pagtanggi.
Inalis niya ang tingin sakin kaya nakahinga ako ng maluwag.
"I just wanna make sure. You're my bestfriend and I don't want you to be hurt." aniya "But if you're just lying right now and the truth is you really like him, I'm warning you. You must stop that stupid feelings for him before it's too late. Never ever fall, Rain.. Or else you'll be like a raindrop made up of glass. You may fall so bad into the ground, shattered, scattered, broken..." she warned me.
Diba parang over naman yun? Hindi naman siguro halimaw si Jace.
"I'm telling the truth. There's no way for me to like him." I lied.
Gusto kong itanong sa kaniya kung bakit hindi ko dapat gustuhin si Jace pero baka mapatunayan lang niyang tama ang hinala niya.
I change the way of asking instead.
"Why are you warning me like that? He's still your brother.." humarap siya sakin nang itanong ko iyon.
"You're my bestfriend.." sambit niya "And... He's still in the process of completing himself. He's like a broken stuff that is still unfixed. So please, don't mess up." sabi niya at tuluyan nang pumasok sa restroom.
BINABASA MO ANG
For You To Come Back
Teen FictionPaano kung naghintay ka para sa kanya sa loob ng mahabang panahon? Sa sobrang pagmamahal mo ay sinunod mo ang kagustuhan niyang hintayin siya sa kanyang pagbabalik? Ngunit paano kung hindi siya dumating? Kung dumating man, yun ay yung panahong suko...