(Rain's POV)
Abala ang marami sa pag-uusap tungkol sa DRASTS contest. Most of Rivanians were all gathered here in campus gymnasium dahil kaunting oras na lang ay magsisimula na. Bakas sa mukha ng lahat ang excitement.
Excited na'ko dahil alam kong prepared performance ang ipapakita ng mga nakapasok sa contest na'to, including Niell, Axcel and Jace.
Minutes na akong nakaupo dito at naipag-reserve ko na din ng seat si Aeris pero hanggang ngayon wala pa rin sya. Hays, nasaan naman kaya yun??
Ang alam ko sabay kaming natapos sa lahat ng activities kanina dahil ititira ang time ng last three subjects para makapanuod kami ng contest na'to. Saan kaya sya nagpunta?
Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at agad idinial ang number nya.
"Uhh.. Malapit nang magsimula.. Saan ka ba kasi nagpunta?" sambit ko at hindi maiwasang di mapakali dahil hindi pa rin nya sinasagot.
I dialled her number again but still, she didn't answer.
"Ulan, nasaan si sugarplum?" agad kong naibaba ang cellphone ko dahil nasa tabi ko na pala si Niell. Err, here he goes again, mentioning the term sugarplum for Aeris.
"Uh! I don't know.. Tinatawagan ko nga sya pero hindi nya naman sinasagot." I said and I saw him frowned.
"I thought she'll watch my performance. Maybe she don't want to... waste her time for my nonsense shits."
Woah, am I talking to a Ziniell Dela Riva with lack of confidence right now? It's a rare moment, huh.
"You're acting negative. Now tell me, where's the real Niell that I know?" I said trying to cheer him up. "Atsaka bakit hindi ka pa nakabihis? Malapit nang magsimula diba?"
"Number nine pa ako. Sunod ako kila Ax at Jace since same day lang kami nag-audition." walang gana nyang sagot.
"O-okay? So mas mauuna pa pala sila sa'yo." sabi ko at tumango naman sya. Itinukod nya ang dalawang siko sa hita at pumangalumbaba.
"I think you should go at the back stage. Magbibihis ka pa eh." paalala ko pero hindi man lang nya ako nilingon, umiling lang sya na parang bata.
"This is Aeris' seat, right?" tanong nya na tinutukoy ang kasaluluyan nyang inuupuan ngayon.
"Oo, kaya magbihis ka na don dahil wala syang mauupuan kapag dumating sya." paalala ko dahil occupied na ang mga seats na katabi nya.
"Nope. Saka lang ako aalis dito kapag dumating na sya." aniya at napasandal na lang ako sa kinauupuan ko. Hays, nababaliw na talaga sya. "No sugarplum, no performance." he pouted.
"Grabe..."
"Bakit?" sambit nya habang pinapanuod ang ilang estudyanteng inihahanda ang microphones sa stage.
"Huh? Anong bakit?"
"Kayong mga babae.. Hindi kayo marunong magpahalaga sa lalaking totoong nagmamahal sa inyo.."
WHAT???
Wait, sya ba talaga to? Ang seryo-seryoso ng pagkakasabi nya. Feeling ko tuloy nasapian na sya ng kung ano. He's getting weirder, unti-unti na syang lumalayo sa dating pagkakakilala ko sa kanya. Bihira ko na syang makitang nakikipag-usap sa mga schoolmates naming babae. Kung dati, sya mismo ang kusang lumalapit ngayon pansin ko na mga babae na lang ang kusang lumalapit sa kanya. Surprisingly, ini-snob nya lang.
He keeps on calling my bestfriend 'sugarplum' mula nung kumanta sya ng pambata sa harap ng mga kaklase namin.
The freak?? Seryoso talaga.
BINABASA MO ANG
For You To Come Back
Teen FictionPaano kung naghintay ka para sa kanya sa loob ng mahabang panahon? Sa sobrang pagmamahal mo ay sinunod mo ang kagustuhan niyang hintayin siya sa kanyang pagbabalik? Ngunit paano kung hindi siya dumating? Kung dumating man, yun ay yung panahong suko...