Chapter 35: Territorial

318 22 6
                                    

(Rain's POV)

Pagkagising na pagkagising ko pa lang ay yung cellphone ko na kaagad ang hinanap ko.

Ang aga aga pa lang pero may tumatawag na. Naunahan pa nito yung alarm clock ko.

"Yep?"

"Anong oras ka pupunta dito?"  tanong ni Aeris sa kabilang linya.

Darn. Oo nga pala, may usapan kami na magpupunta ako sa condo unit nya dahil wala namang pasok ngayon.

First time to at nakalimutan ko pang iadjust ng mas maaga ang alarm clock ko. Maaga kasi ang usapan namin.

"Oh sorry.. I forgot. Wait gagayak na ko." I answered habang hinahanap ang tsinelas ko. Parang ayaw pa kasing dumilat ng mata ko.

"What?? Gagayak ka pa lang?? I thought you'll come early. Sana sinabi mo para hindi ako gumising ng maaga!" medyo inilayo ko ang phone sa tenga ko dahil sa lakas ng boses nya. Wait, why is she nagging me? Ganun na ba kahirap gumising ng maaga.

"Yeah.. Wait lang. Just give me an hour." sabi ko at agad nang ibinaba ang tawag. Baka kasi sermunan pa nya ko.

Naghilamos muna ako bago bumaba. Siguradong nag-aalmusal na ngayon sila daddy at Tita. Kailan ba nila ako hinintay?

Nakapunta na ako sa dining area pero wala namang tao roon. I'm wrong, mukhang tinanghali sila ng gising ngayon.

"Manang?" tawag ko sa isa sa mga kasambahay namin.

"Manang?" tawag ko pa at naabutan ko syang nagpupunas ng picture frame sa sala.

"Miss Cla-- Claraine.. Gising ka na pala hija. Ano mag-aalmusal ka ba? Sandali lang ipaghahanda kita." aniya at nagmadaling ayusin ang hawak niyang picture frame.

"A-ah.. Hindi na Manang. May lakad pa kasi ako eh. Sila daddy nga pala, tinanghali po ata ng gising." sabi ko sa kaniya.

"Yun ba.. Eh naku hija, hindi ba nabanggit ng daddy mo sa'yo? Nag-out of town siya eh." sabi niya na ikinagulat ko naman.

Wala naman kasing nabanggit si daddy sakin eh. Magkasama lang naman kami kahapon nung sinundo nya ko sa school pero bakit  hindi nya man lang sinabi?

"Kasama sila Tita Ivy?" tumango siya sa tanong ko.

Wow, talagang ini-enjoy na ni dad ang bago nyang pamilya ah. Just wow!

"Saan daw sila pumunta?"

"Ah eh.. Sa Baguio sila pumunta hija. Akala ko naman ay sinabi ng daddy mo sa'yo. Akala ko nga kasama ka eh." sabi ni Manang sabay kamot ng ulo.

Ha, ano naman kung di nila ako sinama. Ang nakakasama lang talaga ng loob eh yung di nila pagsabi sakin na aalis sila. Para kasing out of place na'ko sa pamilyang to. Parang balewala nalang ako.

"Oh sya. Sige hija, magdidilig na muna ako ng halaman ah." paalam nya sabay alis.

Ano naman kung di nila ako sinama. May lakad din naman ako ngayon.

Tumunog ang cellphone ko at nakita ang text ni Aeris. Agh! Oo nga pala.

Nagmadali na akong umakyat papunta sa kwarto ko para maligo at magbihis.

***

Pag hinto ng kotse ay tumambad sakin ang malaking building kung nasan ang condo unit ni Aeris. Sa tagal namin na magkaibigan, ngayon pa lang talaga ako makakabisita sa kanya.

For You To Come BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon