(Rain's POV)
Nagising ako nang maayos na ang pakiramdam. Dito ako sa guestroom natulog at mukhang ito na din ang magiging panibagong kuwarto ko.
Hindi ko naman kasi kailangang maglipat pa ng kwarto kundi lang dahil sa Jayvien na yun. I wonder kung ano pang aagawin niya sakin bukod sa kwarto ko.
Tatayo na sana ako sa kama ko nang maalala ko yung kagabi. Buti na lang talaga at walang ibang tao sa kwartong to dahil nakangiti akong mag-isa ngayon.
Flashback
"Free to tell me, you have a problem?" ani Axcel at nakangiting tumingin sakin.
Agad kong pinunasan ang luha ko pero useless lang din pala dahil mas lalo lang akong naiyak nang marealize na may kaibigan nga pala ako.
I forced a smile habang pilit inaalis at pinipigilan ang luha ko. Nakakainis. Ayoko na ngang ipakita kay Axcel na umiiyak ako pero parang inaasar ako ng mga luhang to.
"Have you tried to smile when your lips is dry?" tumango ako sa tanong niya. "It hurts, right? So if I were you, I will not fake a smile and pretend that I'm still alright especially when tears already show what my real emotion is." aniya at inabot ang panyo sakin.
Agad kong tinanggap yun para mapunasang mabuti ang luha ko.
"The point is, you must show what you really feels. Kung iiyak ka, iiyak mo na para isang sakitan na lang. Hindi yung ngingiti at magpepretend ka pa na masaya para maipakita sa iba na ayos ka." he continued. Hindi ko pa man din nasasabi sa kaniya ang dahilan kung bakit ako umiyak ay ang dami na niya agad nai-advice sakin. Ngayon ko lang din mas nakikita ang ganitong side ni Axcel. Hindi ko akalain na ang badboy sa tingin ng iba na tulad niya ay pwedeng maasahan sa mga sitwasyon na ganito.
"Ano bang nangyari?" tanong niya nang mapansing kumalma na ako.
"Naranasan mo na bang maging malungkot para sa isang bagay kahit na dapat ay maging masaya ka?" I hope he can get my question. Hindi ko kasi alam kung paano sisimulan ang pagkukwento sa kaniya ng sarili kong problema.
"Oo,. Actually, I'm currently experiencing that." napatingin ako sa kaniya at naabutan ko siyang nakatingin sa malayo at diretso ang tingin. May pinagdadaanan din pala siya, pero hindi ko lang alam kung saan kami nag-kaiba.
"Pareho pala tayo.. Yung sakin kasi ay about kay daddy. I should be happy for him dahil finally naka-move on na siya sa pagkawala ni mommy after all this years. Pero instead na maging masaya ako ay hindi, kasi nadismaya lang ako nang malaman kung sino ang gusto niyang makasama ulit." kuwento ko sa kaniya habang nakatingin lang sa ibaba.
"Hm? Bakit naman? Sino ba yung pinili ng daddy mo?" tanong niya sakin.
"My aunt." tipid kong sagot.
"Ahh. Pero diba dapat maging masaya ka dahil kilala mo naman kung sino ang makakasama ulit ng daddy mo, dahil tita mo naman siya." sabi niya sakin at binalingan ko siya ng tingin.
"Kung alam mo lang ang totoong ugali niya hindi mo masasabing dapat maging masaya ko.."
"Oh, it seems like she's bad to you." napatango ako sa sinabi niya.
"Masama siya makitungo sakin. It's like she always wanted to see me annoyed and suffering. She knows how to wear her mask, she's plastic. She's just being nice to me when we're in front of dad. I don't like her. Never." paglalabas ko ng sama ng loob.
"Woah. You really hate her." sambit ni Axcel. "But.. Why don't give her a chance first? Who knows, baka pag naging part na siya ng family niyo ay magbago na siya sa'yo."
BINABASA MO ANG
For You To Come Back
Novela JuvenilPaano kung naghintay ka para sa kanya sa loob ng mahabang panahon? Sa sobrang pagmamahal mo ay sinunod mo ang kagustuhan niyang hintayin siya sa kanyang pagbabalik? Ngunit paano kung hindi siya dumating? Kung dumating man, yun ay yung panahong suko...