Chapter 42: Stay Close

282 15 5
                                    

(Angel's POV)

Nagmamadali na ako sa paglakad dahil kailangan ko pang ihatid 'tong sandamakmak na papel sa table ni Ma'am Abella, adviser sa section namin.

Grabe din talaga minsan ang mga teachers eh. Ang laki laki ng tuition na ibinabayad namin dito tapos madalas pa kaming utusan pagdating sa mga ganitong bagay. Hindi naman sa mabigat sa kalooban kong sumunod sa mga ipinag-uutos pero bakit pa kasi kailangan nilang ipahatid ang ganto karaming papel sa estudyante nila tapos prenteng magcecellphone lang sa classroom table at maglalaro ng Everwing. Tch!

Nasilip ko kasi kanina kung anong kinabi-busyhan ni Ma'am Abella. At yun yung nakita ko, Everwing.

Nagulat ako nang biglang may lalaking sadyang humarang sa nilalakaran ko. At dahil nga sa mabilis ang paglakad ko ay nauntog ako sa dibdib nito. Ang tigas ah!

That scent.. Parang naamoy ko na ang pabango ng lalaking 'to somewhere. Bunga ng kyuryosidad at ganun na din ng inis ko dahil sa bigla nyang pagharang sakin ay nag-angat ako ng tingin para makita kung sino sya.

Oh My God! Sya na naman??

"You're in a hurry, huh." pansin nya habang ako nanlalaki ang matang nakatingin sa kanya. Bakit ba lagi na lang syang sumusulpot bigla??
"Hindi ka rin nanuod nung araw ng audition ko. Hindi kita nakita doon non."

Nung una bigla na lang nya akong hinila para makaalis agad sa gitna ng maraming tao. Tapos ngayon naman bigla bigla na lang syang haharang sa dinadaanan ko.

"Oo eh, hehe.. Sige, una na'ko ah." agad akong nagpresintang umalis. Pero hindi ko pa man din sya nalalagpasan hinawakan na nya ko sa braso para hindi makaalis. Aba't ano na naman??

Hays, hindi nya ba alam na mula nung una kaming nagkausap at nagkakilala marami na 'kong nakikitang nagbubulungan sa tuwing nakikita ako ng ibang fangirl nya? Nakakahiya dahil parang lagi nilang inoobserbahan ang kilos ko sa tuwing makikita nila ko.

Sumpa na nga yata talaga na kapag nakisalamuha ka sa mga popular students dito sa Dela Riva dahil automatic na pagbubulungan at pag-uusapan ka na ng iba. Hindi kaya nila alam na nakakailang yun?? Ughh.. Kung bakit pa kasi masyado nilang ginagawang bigdeal ang kahit simpleng pakikipag-usap ng isang commoner sa mga katulad ni Jace eh.

Halos artista na talaga nila ituring yung mga kilalang estudyante rito, lalo na kapag lalaki. Yung iba feeling pa nila kung talagang pag-aari nila yung tao para ipagdamot at magalit may makipag-usap lang rito. Tsk tsk!

"Aalis ka na agad? Tulungan na lang kita dyan." alok nya at hindi na'ko nakatanggi dahil hindi pa man din ako nakakapayag ay kinuha na nya ang sangkatutak na papel na hawak ko.

"B-bakit mo pa kinuha sakin yan? Kaya ko nang mag-isa yan, JX-- I mean Jace." kung pwede ko lang syang sungitan nang walang magagalit sakin nung nakaraan ko pa sana ginawa.

Ughh! Kaasar naman eh. Bakit ba ang kulit kulit nya?? Ang akala ko pa naman certified cold at snobbero talaga 'to pero mukhang mali naman ang sinasabi nila eh.

"Wag ka nang tumanggi. Dala dala ko na 'to kaya mas maganda kung magsisimula ka nang maglakad papunta sa kung san man natin dadalhin 'to. I'll just follow you." sabi nya. Hindi sya nakangiti, pero hindi din naman ganun kablangko ang ekspresyon nya ngayon. Ughh basta! Ang labo nya. Mahirap sya basahin.

"Hindi!" agad akong natigilan nang mapagtaasan sya ng boses. "I-I mean.. Ano.. Hindi. Hindi pwede kasi alam mo na.. Y-yung mga fangirls mo baka akalaing inaalipin kita." gusto ko na lang kainin ng lupa. Nauutal-utal pa ko kainis!

"Fangirls who?" woah? Talagang nagtataka pa sya kung sino ang mga yun? Wow na lang talaga! "Kung yung mga babae ang tinutukoy mo, wala kang dapat ipag-alala. Wala silang karapatang magalit sa'yo. I'm not an actor so I don't have that so called fangirls. But if they assume that they really are... Don't worry 'cause I don't consider them as one." agad kong isinara ang bibig ko nang mapansing bahagya pala itong nakanganga habang titig na titig ako sa pagsasalita nya. Ughh!! Angel nakakahiya ka!

For You To Come BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon