Chapter 37: Free

270 24 9
                                    

(Angel's POV)

"Ah! S-sorry. Pasensya na talaga." paumanhin ko dun sa babaeng nabangga ko. Nagmamadali na kasi akong pumunta sa campus gymnasium dahil malapit nang magsimula yung announcement.

"Tumingin ka naman sa dinadaanan mo! Magdahan-dahan ka nga!" akala ko okay na pero nagalit pa muna sya sakin bago umalis. Ang sungit naman.

"Pasensya na ulit." pahabol ko kahit nakatalikod na sya. Hindi ako nakaalis agad dahil hinintay ko munang makaalis sya. Baka mamaya mabangga ko na naman sya tapos sungitan nya ulit ako.

Karma ko din siguro to.

Abala ako sa pagpindot sa cellphone ko para itext si unnie kung nasaan sya nang napansin ko yung ilang pagbubulungan. Hmp, ano ba yan, siksikan na nga dito may tsismisan pa rin. Maliit lang kasi yung space sa part na'to ng campus. Bale pag nasa area na ng junior highschool building maluwag na yung space. Kaya hindi maiiwasang magkaroon ng ganitong mga sitwasyon kapag biglaan kaming pinatawag para sa announcement at programs.

Hindi na lang ako nag-abalang pakinggan ang pinagkakaingayan nila. Basta ako, itetext ko si unnie. Sasama na lang din muna ako sa kanya ngayon.

Panay ang tingin ko sa cellphone ko para tingnan kung may reply na sya pero wala pa rin. Nagulat na lang ako nang muntik kong mabitawan ang cellphone ko dahil may humawak sa pulso ko saka ako hinila ng walang pakundangan.

Aba't bastos to ah! Alam kong hindi pa ako lubos na kinakarma dahil sa nagawa ko kay Claraine pero ayoko namang may lalaki na bigla bigla nalang manghihila sakin sa gitna ng maraming tao.

Teka? Bakit ba kusa silang tumatabi? At panay din ang bulungan nila?? Hari ba tong lalaking to?

Hindi ko makita ang mukha niya dahil nasa likod nya ko habang hila hila at hindi makasabay sa paglalakad nya.

"B-bitawan mo ko! Ano ba!" pagpupumiglas ko pero ang higpit ng pagkakahawak nya. Kainis naman oh. Hindi ba nya alam na masakit na yung pagkakahawak nya? "Bingi ka ba?! Wag mo kong hilahin!"

Ginagawa nya ata akong maleta eh. Tsaka bakit ba ayaw nyang magsalita?!

Nang makarating kami sa tapat ng junior highschool building ay maluwag na ang daraanan kaya inaasahan kong bibitawan nya na ko.

Pero kung saan nasa kalagitnaan na kami ay dun nya lang ako biglang binitawan at biglang humarap sakin.
...
...
...
...
...

Daig ko pa ang binuhusan ng nagyeyelong tubig sa gulat nang humarap sya sakin. Mukha akong baliw na natigilan at napatulala sa kanya.

"I-ikaw..." parang engot kong sabi habang tinuturo pa sya. "Ikaw si--"

"Jace." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng banggitin nya ang pangalan nya sabay abot ng kamay sakin para makipag-shakehands.

Hindi ako naka-react kaagad. Nagpabalik balik pa ang tingin ko sa mukha nya at sa kamay nyang iniaabot sakin.

Totoo ba to... Yung lalaking pinagkakaguluhan at madalas pag-usapan ng mga babae dito sa Dela Riva ay hinila ako mula sa maraming tao kanina para makadaan ako kaagad?? Nananaginip lang ba ko?? Sya ba talaga to o nag-iilusyon lang ako??

Sya ba talaga si JXS???

Nagising ako sa katotohanan nang mapansin kong ibaba na nya ang kamay nya. Waahh! Nangawit na ata sya sa sobrang tagal kong tanggapin yun.

Agad kong kinuha ang kamay nya bago pa ito tuluyang maibaba saka nakipag-shakehands.

"A-angel! Angel ng HUMSS-12---" bago ko pa man mabanggit ang section ko ay napatigil ako. Ugh! Bakit yung grade and section ko ang sasabihin ko?! Mukha na tuloy akong baliw na natataranta nito. "I- I mean.. Angeleiry Ahn pangalan ko, hehehe..." nahihiya kong sabi sa kanya saka napatingin sa kamay naming kanina pa pala magka-shakehands.

For You To Come BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon