(Rain's POV)
Ten minutes na lang at magsisimula na ang klase pero on the way pa lang ako papuntang Dela Riva. Guess what? Kasama ko ngayon dito sa kotse ang butihin kong Tita. Tss.
Mag-eexcuse pa ako para sa pagpunta ng guidance office pero mukhang wala na akong oras para dun dahil ang tagal gumayak ni Tita kanina. Akala niya naman kung party ang pupuntahan niya para mag-ayos ng matagal.
"Bakit pa kasi ikaw ang kailangang pumunta eh.." mahina kong sabi at mukhang narinig niya.
"There's no choice, my dear Clara.."
Kahit kailan talaga nakakainis ang boses niya. Naiirita akong pakinggan siya.
"I wonder why.." aniya "Bakit kaya nagpatawag ng parent para sa'yo? You didn't bother to tell me, is it something bad my dear?" dagdag niya pa kaya muking bumalik ang kabang nararamdaman ko kanina.
Sana naman hindi ako makick-out. Last year ko na'to as a high school student at isa pa ayokong mahiwalay kay Aeris, kila Niell at Axcel, especially kay Jace..
Napailing ako sa pinag-iiisip ko.
"Stop asking. Tutal papunta na din naman tayo don, wag mo na kong tanungin at alamin mo na lang mamaya." inis kong sabi sa kaniya saka muling tumingin sa labas ng bintana.
Kung bakit pa kasi siya ang pupunta at hindi si daddy eh! As usual, hindi na naman ako pinagbigyan ni daddy. Wala na naman siyang time para sakin, pero pagdating sa business at kay Tita meron siyang oras. Kaya heto, si Tita Ivy na ang nakealam na pumunta sa school. Darn it!
"Hindi na ako makakapag-excuse sa first subject namin dahil ang tagal tagal mong gumayak kanina." reklamo ko sa kaniya.
"Oh, yun ba ang pinoproblema mo my dear?" nakakainis niyang sabi sabay tawa. "Did you forget that our family has a connection to Dela Rivas? They're a family friend my dear. I notified them already about your class excuses. Don't worry.." paliwanag niya sabay tawa ng bahagya. Napairap na lang ako.
Nang makarating kami sa school ay bumaba na ako kaagad at naglakad papuntang guidance office. Bahala siyang maligaw diyan. Tutal madami naman siyang alam, hanapin niya ang guidance office mag-isa.
Nang nasa harap na ako ng pinto ng guidance office ay napabuntong hininga ako. Nag-aalangan akong pihitin ang doorknob para buksan ang pinto.
Dito sa office na'to pagdedesisyunan kung masu-suspend o maki-kickout ako. I rather pick the first option. Atleast kung masu-suspend ako ay linggo o buwan lang ang itatagal. Sa oras naman na ma-kick out ako ay hindi na ako pwedeng mag-aral dito sa Dela Riva. Hindi ko na makikita ang mga kaibigan ko, pati siya..
Kasalanan mo 'to Angel. Akala ko deserve mo ang pagiging mabait ko sa'yo pero hindi pala. Mas malala ka pa sa kapatid mo. Mas malala ka pa kay Liezl.
Napapikit ako sa inis habang pinipihit ang doorknob. Hindi ko pa man tuluyang nabubuksan ang pintuan ay may tumawag sa pangalan ko. Iminulat ko ang mata ko at nakita na naman ang mukha niya.
Mukhang hindi bumagay sa totoong ugali niya.
"Claraine..." sambit niya. Kita ko ang lungkot sa mata at boses niya habang nakatingin sakin.
Ang galing niya magpanggap..
Hindi tamang sugurin ko pa siya. Na sigawan at awayin pa siya lalo na't tuluyan ko nang nabuksan ang pinto.
BINABASA MO ANG
For You To Come Back
Teen FictionPaano kung naghintay ka para sa kanya sa loob ng mahabang panahon? Sa sobrang pagmamahal mo ay sinunod mo ang kagustuhan niyang hintayin siya sa kanyang pagbabalik? Ngunit paano kung hindi siya dumating? Kung dumating man, yun ay yung panahong suko...