Jennie Kim. Is not the type of girl that can easily get your attention. But when she does. You're gonna have to whistle for help.
Highest rank achieved: #12 in Horror 6.2.17
Dumiretsyo ako sa locker ko at kumuha ng mga book na kailangan para sa mga subjects mamaya.
Pag kasara ko ng locker ko ay nagulat ako napahawak sa dibdib ko ng makita ko sa tabi yung pinsan ko. Si Jisoo
"Goodmorning Jennie!" Masaya nyang bati saakin.
Hindi ko sya pinansin dahil wala ako sa mood ngayon. Sanay naman sya na minsan hindi ko sya pinapansin eh.
Sabay kaming pumasok ni Jisoo sa classroom. Eto lang ata yung classroom na sobrang gulo at sobrang ingay kumpara sa ibang sections.
Pag kapasok na pagkapasok ko palang ay may biglang tumama na paper airplane sa akin.
"Oh nandito na pala si Jennie!" Sabi ni Jimin at inakbayan ako. Agad kong inalis yung kamay nya sa pag kakaakbay saakin tapos ay dumiretsyo sa upuan ko.
"Anong problema nya?" Rinig ko na tanong ni Hoseok mula sa likuran ko pero hindi ko nakita kung ano yung reaksyon ni Jimin.
Umupo si Jisoo sa tabi ko at kakausapin na sana nya ako ng biglang dumating yung teacher namin.
Nag discuss yung teacher namin ng kung ano-ano pero wala akong balak na makinig.
"We'll be having a field trip next week." Napatingin ako sa teacher sa sinabi nya.
Lagi naman nag kakaroon ng field trip dito sa school pero sobrang boring ng pinupuntahan. Tss.
"Class dismissed." Sabi nung teacher kaya tumayo ako at kinuha yung bag ko. Aalis na sana ako ng biglang magsalita yung teacher namin.
"Ms. Jennie Kim please remain." Sabi nya kaya hindi ako nakalabas agad at hinintay ko pa yung mga ka klase ko na umalis bago ako lumapit sa adviser namin.
"As a Vice President of this classroom, I'm expecting you to join the upcoming field trip next week." Sabi nung adviser.
"Pero pano po si Jin? Sya naman po yung president eh." Bored ko na sabi.
"Well nasabihan ko na din naman na sya. Kayong dalawa ang mag aasist sa mga ka-classmates nyo." Sabi nung teacher.
Pilit akong ngumiti at tumango tapos ay tumalikod at nag lakad ako palabas ng classroom.
Naabutan ko na hinihintay ako nila Jisoo at Lisa sa labas ng classroom.
"Anong sabi ng adviser natin?" Tanong ni Lisa.
"Ineexpect daw nya na pupunta ako sa field trip para i baby-sit kayo." Irita kong sagot.
Bakit kasi kailangan ko pang bantayan yung mga classmates ko eh kaya naman na nila yung isa't isa. Nakakabwisit!
"Gutom lang yan." Sabi ni Jisoo at inunahan kami ni Lisa sa pag lalakad.
Habang kumakain kami ay may tumakip sa mga mata ko at narinig ko na nag tawanan si Lisa at Jisoo.
"Taehyung kumakain ako." Simple kong sabi at narinig ko syang mahina na tumawa.
"Jennie ko mainit na naman ulo mo?" Tanong nya. Umiling lang ako sa pinagpatuloy yung pag kain.
Tss... May nakakalimutan ata sya...
"Hindi ko nakalimutan..." Bulong nya sakin tapos ay eto naman 'tong dalawang 'to na kilig na kilig.
"Happy Valentines.." Sabi nya at hinalikan yung pisngi ko dahilan para mamula ako at mapangiti.
"Ngumiti narin sya!" Sabi ni Lisa at nag apir sila ni Jisoo.
"Tingin ka sa likod mo." Sabi ni Taehyung kaya tumingin ako sa likod. Walang ka tao-tao kahit lunch ngayon at nakita ko yung mga ka tropa nya na may hawak ng ballon.
Lumapit sya sa kanila at nag apir.
"Oppss! Kailangan ko 'tong ma post sa instagram!" Sabi ni Lisa at nilabas yung phone nya ganon din si Jisoo.
"1,2,3 smile!" Sabay na sabi ni Lisa at Jisoo tapos ay kinuhanan ng pic sila Taehyung na may hawak ng ballon.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Yiee buti kapa may boyfie! Selos tuloy ako" Sabi ni Jisoo at pabiro akong pinalo at nag tawanan sila ni Lisa.
Binigay sakin ni Taehyung yung mga ballons at hinalikan ako sa noo.
"Thank you." Sabi ko.
"Anything for my Jennie." Sabi nya at ilalapit na sana yung mukha nya kaso biglang sumingit si Jimin.
"Guys. Wag dito please lang." Sabi nya kaya natawa kami ni Taehyung.
"Selos ka lang porket wala kang girlfriend." Sabi ni Taehyung.
"Harot kasi inuuna bago effort." Sabi ko naman at pinipigilan namin tumawa kasi mukang gulat na gulat sya sa sinabi namin.
"Aish! Mag sama nga kayong dalawa!" Sabi nya.
"Atleast virgin pa 'to." Dagdag pa nya at tinuro yung bandang puson nya kung nasaan yung abs nya.
Mahina akong natawa at tinignan si Taehyung pero naka simangot sya.
"Bakit?" Tanong ko.
"Mas gusto mo ata yung abs ni Jimin kesa sakin. Dyan ka na nga." Sabi nya na parang bata na nag tatampo. Hinila ko sya pabalik.
"Sinong may sabi no'n? Syempre mas mahal kita may abs man o wala." Sabi ko at hinalikan sya sa labi pero lumayo din ako agad kasi nasa public kami.
*** Nasa classroom uli kami at walang teacher kaya maingay kami ngayon.
"Bes look oh." Sabi ni Lisa at pinakita sakin yung screen ng phone nya.
May nakita ako na article na babaeng nag pakamatay dahil lang iniwan sya ng boyfriend nya at tumalon daw sya sa buliding ng school.
"Anong school yan?" Tanong ko.
"Dito. Kahapon lang to be specific." Sabi ni Lisa.
Lumapit samin si Jisoo at mukang alam din nya yung tungkol sa article. At mukhang kinakabahan sya.
"Bakit ganyan itsura mo?" Tanong ko.
Lumapit sya samin kaya napalapit narin kami.
"Sabi nila na ka-classmate daw natin yung babae na kabit ng boyfriend ng babaeng nag pakamatay." Bulong ni Jisoo.
"Sino kaya sya?" Tanong ni Lisa at napatingin sa paligid ng classroom.