21💀

1.4K 48 31
                                    

Ito na yung bawi ko, kahit na nacocornihan ako sa story ko, triny ko yung best ko awieee

At... Sorry in advance sa mga typo at wrong spelling at grammar✌

Enjoyieee🙌

Jennie's POV

Nang mag bell na ay nag sitayuan na kami at nag paalam sa isa't isa saka kami pumunta ng kanya kanya namin mga classroom...

Nag lalakad kami nila Taehyung at Lisa papunta sa classroom.

"Ay! Naka limutan ko yung Social Book ko sa locker." Sabi ko sakanila.

"Ako nalang ang kukuha." Sabi ni Taehyung.

"Hindi na Taehyung.. ako nalang mauna na kayo ni Lisa sa classroom..." Sabi ko.

"Pero baka may mangyaring masama sayo..." Sabi naman ni Lisa..

"Si Bea ba? Wag kayong mag alala, maaga pa sa gabi lang nakikita ang mga multo." Pag jojoke ko sakanila para hindi na sila mag alala sakin pero hindi sila natawa.

"Aish, sige na baka malate pa kayo." Sabi ko at tinulak tulak na sila.

"Bilisan mo ah.." Pag bibilin sakin ni Taehyung at tumango naman na ako...

Nang maka alis na sila ay nag lakad na ko papunta sa locker ko.

Habang kinukuha ko yung book ay may biglang nahulog galing sa locker. Kinuha ko agad 'yon sa lapag biglang nag taasan ang balahibo ko ng makita ko ang picture naming dalawa ni Rose...

Tumingin ako sa paligid pero unti unti nang nawawala yung mga estudyante kasi siguro ay mag sisimula na yung klase..

Nilagay ko nalang sa loob yung picture naming dalawa kahit na hindi ko naman alam kung sino ang nag lagay noon doon.

Nilock ko na yung locker ko saka na ko nag lakad.. Nag simula na kong kabahan dahil ako nalang talaga yung estudyante sa hallway.

Natigilan ako ng makarinig ako ng tunog..

Tunog ng...

Piano...

Saka ko lang nalaman na nasa tapat pala ako ng pinto ng auditorium. Imbes na kabahan ako ay hindi..

Ang ganda ng pag kaka play nya doon sa piano...

Ang ganda ng tunog.

Dahil sa curiousity ko na kung sino ang tumutugtog noon ay pumasok ako sa loob ng auditorium...

Habang nag lalakad pa ko papasok ay lalong lumalalas yung tunog...

Ewan ko pero ang gaan sa pakiramdam...

May likuan pa yung auditorium at pag kaliko ko ay nakita ko na yung piano..

Akala ko isang multo na naman pero hindi.... Isa siyang estudyante...

Lumapit pa ko doon sa piano.

"Ang galing mo naman." Sabi ko dahilan para matigilan siya sa pag papiano at napa tingin sakin.

Mukha siyang nagulat sa biglang pag sulpot ko...

"Sorry, nagulat ba kita?" Tanong ko..

"Hindi naman..." Sabi niya.

"Saan ka nga pala natutong mag piano?" Tanong ko.

"Sa sarili ko lang..." Sabi niya. Ang galing niya....

At hindi mo matatanggi pero maganda talaga siya.. Naka lugay yung buhok niya at simple lang siya..

Hindi katulad ng iba kong ka classmate na halos mag papak na nang make up ay iba siya... Kahit bahid ng make up sa mukha niya ay wala...

WHISTLE (BTS X BLACKPINK FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon