Bea's POV
Akmang susugudin ko na sana siya ng may humila na naman ng buhok ko.
"Shit!" Mura ko ng pakiramdam ko mas malakas pa yung sabunot niya kay Jisoo.
"A-ano ba!" Mangiyak ngiyak kong sigaw dahil kinaladkad niya ako habang nakahawak sa buhok ko. Sinubukan kong hawakan yung buhok niya pero agad niyang binitawan yung akin.
Napahawak ako sa ulo ko sa sobrang sakit noon at parang nakakaramdam na ko ng hilo.
Tinignan ko silang tatlo ng masama pero sinunggaban lang nila ako ng mga ngisi.
"Akala ko pa naman kaibigan ko kayo." Madiin na sabi ko sakanila habang pinipigilan yung mga luha kong nangingilid.
"You won't be, and you will never be our friend." Sabi ni Rose at tinaasan ako ng kilay.
"Pwede ba--" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng maka tanggap ako ng sampal.
"That, is for being at flirty slut." Sabi niya. Akala ko tapos na yon pero nakaramdam na naman ako ng isang malakas na sampal sa kabila ko pang pisngi.
"And that, is for making Jin fall for you." Sabi ni Lisa na tinawanan lang nila Rose at Jisoo.
Hindi ko na pinansin yung mga luha na tumulo sa mata ko, hindi ko na pinansin kung sakali mang isipin nila na mahina ako. Ayoko na. Lalaban na ko.
Mag lalakad na sana si Lisa sa pwesto niya kanina ng hilain ko yung buhok niya.
"Ikaw! Mapagpanggap na mabait!" Sigaw ko sabay diinan yung pag kakahawak sa buhok niya.
"Lisa!" Sigaw ni Rose tapos ay hinila din yung buhok ko pero hinigpitan ko pa lalo yung kapit ko kay Lisa.
"Bitawan mo siya you flirt!" Sigaw ni Jisoo tapos ay patuloy akong nilalayo kay Lisa kasama na din si Rose.
Nag sisigawan kami dahil ayoko padin siyang bitawan kahit na ako din mismo yung nasasaktan.
"Bitawan mo ko--" Naramdaman ko na nawala yung pag kakahawak sakin nila Jisoo tapos ay naramdaman ko din na may humila sakin.
"Lisa, anong nangyare?" Tanong ng isang lalake kay Lisa na yakap yakap nito.
Ganoon din kay Rose pero kay Jisoo ay nakikipag titigan lang siya sa lalakeng kaharap niya.
Lumapit siya sakin at nagulat ako ng makita ko ang gulat na expresyon ni Jin.
"Sorry, okay ka lang?" Tanong niya sakin. Hindi ako naka sagot dahil may nag salita.
"Siya! Siya yung nag simula ng lahat! Sinabunutan niya si Lisa!" Sigaw ni Rose sabay yakap doon sa lalake at umiyak.
Napairap ako bigla, dapat pala siya nalang sinabunutan ko.
Napatingin ako kay Lisa na naka yakap din sa isang lalake at umiiyak nadin.
Napatingin ako kay Jungkook pero masama lang ang tingin niya sakin. Napa yuko tuloy ako at nakaramdam ng hiya.
"Jisoo! Alam kong ikaw ang may kagagagawan nito! Alam kong hindi kaya ni Bea na makipag ayaw ng ganoon kaya alam kong ikaw ang nag simula." Mariin na sigaw ni Jin sakanya.
Nakita kong napabuga si Jisoo ng hangin na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ng kapatid niya.
"Sino ba yung kapatid mo saaming dalawa?! Hindi ba ako?! Tapos ngayon mas paniniwalaan mo yang hampas lupang yan--"
"Manahimik ka!" Sigaw sakanya ni Jin.
Nakita kong nangingilid na din yung luha ni Jisoo pero pinunasan niya ito bago pa may tumulo.
"Jisoo, hindi mo--" Natigilan din si Jin ng matuon ang pansin namin sa tumawag sa pangalan ko.
"Trice! Anong nangyare?! Okay ka lang ba?! Bakit ganyan itsura mo?! May nangayaw ba sayo?! Sagutin moko. May masakit ba sayo--"
"Jeb. Okay lang ako." Mahinahon kong sagot. Pano ko siya makakausap ng maayos yung pupunuin niya ako ng mga tanong.
Nakita kong kumalma siya pero napatingin siya sa mga taong nasa harap namin na nakatingin din saamin pabalik.
"Jin, anong nangyayare dito?" Tanong niya.
Hindi siya sinagot ni Jin imbes ay hinila niya si Jisoo palabas ng auditorium kasama ng iba hanggang sa kaming dalawa nalang ni Jeb ang natira.
Tumingin siya sakin pero kakaiba yung mga tingin niya. Yung tingin na seryoso at parang kailangan ng explenasyon mula saakin.
"Ano kasi..."
***
Jisoo's POV
Hila hila lang ako ni kuya hanggang sa maka labas kami ng auditorium. Nararamdaman ko na dumidiin ang hawak niya sa kamay ko kaya marahas ko iyong binawi sakanya.
Natigilan siya sa pag lalakad at nabaling ang tingin niya saakin.
"Hyung, una na kami." Paalam ni Jimin, hindi na sumagot si kuya kaya umalis na silang apat kaya kami nalang ang natira.
"What's wrong with you Jisoo? Ano bang problema mo?" Tanong niya na may halong pag kairita.
"Masakit ba kuya?" Tanong ko sakanya at umiwas ng tingin. Ayokong pakipag titigan dahil alam ko namang matatalo lang ako at maiiyak.
"What do you me--"
"Masakit ba na nakikita mo siyang masaya sa iba? Yung ikaw yung nandyan pero pag dumating siya ay talo ka na agad? Ngayon. Ngayon nararamdaman mo na ang nararamdaman ko."
"Yung pakiramdaman na ako yung nandyan. Yung kapatid mo para suportahan ka pero sumosobra kana kuya. Nag babago kana ng dahil sakan--"
"Labas na dito si Bea, Jisoo. Wala siyang kasalanan." Mahinahon niyang sambit pero alam kong diretsyo parin ang tingin niya sakin.
"Hindi! Siya ang nasa sentro nito! Ng dahil sakanya kaya ka nag kakaganyan! Bakit ba hindi mo nalang siya layuan?!" Direktahan kong sabi sakanya dahil alam kong pag pinatagal ko pa 'to eh wala rin namang mangyayare.
Hindi siya nag salita kaya natahimik kami, lalo akong nainis. Bakit ba hindi niya akong kalabanin?!
"Hindi.. Hindi ko kaya Jisoo.. Mahal ko siya." Mahina niyang sabi pero sapat na para marinig ko iyon.
Napabuga ako ng hangin.. At napapikit ng mariin. Parang nahahawa pa ata ako sakanya. Ewan ko kung tama ba 'tong iniisip ko pero sa tingin ko hindi naman laging tama pag ako yung nag iisip.
Tutulungan ko siya.
"Mahal mo si Bea pero mahal niya si kuya Jeb. Mahal nila ang isa't isa.. Iisa lang ang paraan ko para mapaghiwalay sila.." Sabi ko at mapait na ngumiti.
"Jisoo.." Tawag niya sakin at may halo halong expresyon sa mukha niya na para bang hindi niya inaasahan yung mga naiisip ko. Tss, ako rin naman eh.
"Hindi--"
"Hindi ko 'to gagawin kung hindi lang kita kapatid. Ngayon na tinutulungan na kita makisama ka nalang. Kung ayaw mo, bahala ka ng mabaliw sa sakit na matagal mo nang nararamdaman." Pag dudugtong ko sa sinasabi niya. Tapos ay nilagpasan ko na siya na naka tulala padin.
Alam kong masasaktan si Jennie dito pero... Ewan ko na.
BINABASA MO ANG
WHISTLE (BTS X BLACKPINK FF)
TerrorJennie Kim. Is not the type of girl that can easily get your attention. But when she does. You're gonna have to whistle for help. Highest rank achieved: #12 in Horror 6.2.17