Jennie's POV
Isang boring na araw na naman sa school. Wala namang nangayayare na kakaiba sa mundo kaya wala na kong pake.
Isinoot ko at headphones ko at nag lakad papunta sa locker ko.
Pag kabukas ko noon ay may nakita akong picture namin nila Liza, Jisoo at Rose na mag kakasama.
Speaking of Rose... Bakit kaya hindi sya pumasok kahapon. Idinikit ko yung picture naming apat sa likod ng locker door kahit na hindi ko alam kung sino ang nag lagay noon sa locker ko.
Pumunta ako sa classroom at naabutan ko na nandoon na ang teacher.
"Ms. Jennie Kim. You're late." Sabi nya at inabutan ako ng detention slip. Wala akong ibang nagawa kundi kunin 'yon.
Pag kakuha ko noon ay bumukas uli ang pinto ng classroom at nakita ko si Rose.
"Ms. Rose Park. Late ka din!" Galit na sabi nung teacher at inabutan si Rose ng detention slip. Padabog 'yong kinuha ni Rose at umupo at inirapan yung teacher.
That's my girl.
"As you all know bago maganap ang field trip ay may assignment akong ipapagawa sa inyo." Sabi nung teacher at rinig na rinig ko ang pagka inis ng mga classmates ko.
"Wala talagang swag ang nag imbento ng assignment." Rinig kong sabi ni Yoongi mula sa likuran ko. Yeah right.
"I will be giving you a group assignment and the submission will be tomorrow." Masayang sabi nung teacher.
Ha! At talagang natuwa pa sya na pinapahirapan nya kami!
Sinabi nung teacher na ka member ko sila Yoongi,Namjoon,Jimin,Jisoo at Rose habang mag kakamember naman si Jin,Hoseok,Taehyung,Jungkook at Lisa.
Hay... Kawawa naman si Lisa...
Pag katapos ng klase ay dumiretsto agad ako sa detention room habang nag lalakad ako ay may narinig akong sumusunod sakin.
Tumingin ako sa likod pero walang ka tao-tao. Humarap ako at nakita ko si Rose kaya nagulat ako.
"Sabay na tayo?" Sabi nya kaya sabay kaming naglakad papuntang detention room.
Akala ko si Rose yung naririnig ko na sumusunod saakin pero kahit na kasabay ko si Rose ay may naririnig parin ako.
Inis akong tumingin sa likod para tignan kung may sumusunod ba talaga saamin pero wala talagang tao.
"Jennie... Bakit?" Tanong ni Rose.
"May sumusunod ata satin." Sabi ko.
Tumingin din sya sa likod at napakunot yung noo.
"Wala naman..." Sabi nya.
"Nevermind. Bakit ka nga pala absent kahapon?" Tanong ko.
"Pumunta ako sa presinto." Sagot nya dahilan para mapakunot yung noo ko.
"Ano nanamang ginagawa mo doon?" Tanong ko.
"Sinisi ako sa pag ka matay ng isang babae dito sa school." Sabi nya.
"Ikaw ba yung dahilan kung bakit iniwan nung lalake yung girlfriend nya kaya sya nag pakamatay?!" Gulat na tanong ko.
"Hoy! Hindi ko kasalanan na may nangyare samin nung lalakeng 'yon kaya nya iniwan yung girlfriend nya at kung bakit sya nag pakamatay noh!" Sabi ni Rose tapos ay nag hair flip pa.
"Hay nako Roseanne..." Sabi ko habang umiiling.
Pagkapasok namin sa detention room ay may isang babae na estudyante at isang teacher.
Binigay namin yung detention slip namin at sinabing 30 minutes lang daw 'yon.
"May nangyare ba talaga sa inyo?" Pabulong kong tanong kay Rose ng maka upo kami.
"Lasing kasi ako that time kaya hindi ko alam..." Sabi ni Rose at nag lagay ng lipstick.
"Bakit naman kasi--"
"Walang mag-uusap!" Saway nung teacher kaya hindi ko natuloy yung sasabihin ko.
Sa sobrang bored ko ay tinanong ko sa teacher na nag babantay saamin kung ilang minutes nalang yung detention namin.
"5 minutes nalang... Kayo lang namang dalawa ang estudyante dito eh..." Sabi nung teacher kaya napakunot yung noo ko at napatingin sa bandang likod ni Rose kung saan naka upo yung babaeng estudyante kanina pero wala na sya doon.
Wala naman akong nakitang pumasok o lumabas ng detention room...
"Rose... Nakita mo ba yung babaeng nakaupo sa likod mo?" Tanong ko.
"Ha? Anong babae? Walang ibang tao dito kundi tayo at yung teacher." Sabi ni Rose habang patuloy paring nag lalagay ng make-up.
"Rose seryoso ako." Sabi ko kaya natigil sya sa ginagawa nya.
"Jennie. Wala naman talagang babae sa likod ko. Kanina pa kita napapansin noong nasa hallway tayo tapos ngayon dito sa detention room. Baka nag ha-hallucinate ka lang." Sabi ni Rose.
Baka nga...
"Tapos na detention nyo." Sabi nung teacher kaya tumayo na kami ni Rose at lumabas na.
Tss. Tapos na yung lunch. Hindi manlang kami nakakain.
***
Pag katapos ng school ay hinatid ako ni Taehyung sa bahay. Sa sobrang daming nangyare sa school ay naka tulog muna ako.Nagising ako at 6 na ng gabi at biglang nag vibrate yung phone ko at nakita ko na si Jisoo 'yon.
Sinagot ko 'yon pero hindi pa ako nag sasalita ay nag salita na si Jisoo.
"Jennie, punta ka sa bahay. Gagawin natin yung assignment." Sabi nya. Sasagot pa sana ako bigla nya akong binabaan.
Nag paalam ako kay mama na pupunta ako sa bahay ni Jisoo at gagawa ng assignment.
Pag kalabas ko ng bahay ay nag vibrate uli yung phone ko at nakita ko na si Taehyung 'yon kaya agad ko 'yong sinagot.
"Hello babe?" Sagot ko.
"Babe, pupunta ka ba sa bahay nila Jisoo?" Tanong nya.
"Oo bakit?" Tanong ko.
"Pupunta din ako eh, susunduin na kita sa inyo." Sabi nya at biglang may bumusina na sasakyan sa tapat ng bahay namin.
Sumakay ako sa tabi ni Taehyung sa loob ng sasakyan at nagulat ako ng makita ko sa likod sila Liza, Jungkook at Hoseok.
"Tinawagan din kami ni Jin, sabi nya gagawa din kami ng assignment sa bahay nila." Sabi ni Taehyung at nag simulang mag drive.
BINABASA MO ANG
WHISTLE (BTS X BLACKPINK FF)
TerrorJennie Kim. Is not the type of girl that can easily get your attention. But when she does. You're gonna have to whistle for help. Highest rank achieved: #12 in Horror 6.2.17