Bea's POV
Habang nag kaklase kami ay parang walang pinagbago yung kanina. Malakas padin ang ulan. Pinag mamasdan ko lang yung labas na sobrang dilim dahil sa mga ulap na puno ng ulan.
May biglang umupo sa tabi ko kaya napa tingin ako sakanya.
"Jin?" Tanong ko at tumingin sa teacher na nag sasalita padin sa harap.
"Hindi ka sumabay sakin kanina.." Sabi niya habang nag susulat sa may notebook at hindi naka tingin saakin.
"Sumabay kasi ako kay kuya eh." Sagot ko.
"Alam mo ba kung bakit gusto ko ng umuulan?" Pag iiba niya sa topic namin.
Napatingin ako sakanya at hinintay siya na sumagot.
"Kasi libre carwash!" Sabi niya sabay tumawa at mahinang hinampas yung desk.
Dahil sa tawa niya ay natawa nadin ako kaya nag tawanan kami.
Tumigil na siya sa pag tawa pero ako natatawa padin ako dahil sa itsura niya kanina.
"Ang ganda mo, lalo na pag tumatawa ka." Rinig kong sabi niya kaya hininaan ko yung tawa ko at tumingin sakanya.
"Ha?" Tanong ko pero umiling lang siya habang naka ngiti.
"Lunch break, class dismissed." Pag kasabi noon ng teacher ay tumayo ako at nilagay ang notebook ko sa bag ko bago ko saka ito isinukbit.
Sabay kami ni Jin na lumabas ng classroom at nag lakad sa hallway.
"Ito may isa pa ako." Sabi niya kaya tumingin ako sakanya.
"Hindi ba planets ang topic natin kanina sa klase?" Tanong niya at um-oo nalang ako.
"O sige ito.. Anong klaseng tune ng kanta ang pinapatugtog ng mga planeta?" Tanong niya na para bang nag pipigil siya ng tawa niya.
"Ano?" Tanong ko habang naka ngisi.
"Edi Nep-TUNES" Sabi niya sabay halakhak at uli ay natawa na naman ako sa tawa niya. Nag papalo palo pa siya sa hangin habang tumatawa kaya lalo akong natatawa.
Kahit naman sabihin ng iba corny ang mga jokes ni Jin, pinapasaya parin niya ako kahit ganoon.
Ng maka get over na kami sa joke niya ay tumingin uli siya sakin at tumigil kaya natigilan din ako.
"Hm! Sabay na tayo pumunta--"
"Trice!" Bigla kaming napatingin na dalawa sa taong tumawag saakin.
Lumapit siya sakin at niyakap ako saka ko siya niyakap pabalik, tapos ay kinuha niya ang bag ko at siya ang nag bitbit noon.
Natuon ang pansin niya kay Jin na nasa harap ko lang.
"Oh brad! Kamusta na?" Tanong niya.
Hindi sumagot si Jin imbes ay parang nag bago ang expresyon ng mukha niya.
"Jin?" Tawag ko sakanya para matauhan siya.
"A-ah! Okay lang." Sabi ni Jin bago sila nag apir.
"Kamusta na pala si Jennie?" Tanong niya.
"Ah si Jennie? Magaling na siya." Sabi ni Jeb at ngumiti sakanya.
"Uhm.. Jin hindi muna ako sasabay sa iyo.. Kung okay lang--"
"Ok lang! Sige mauna na ko.." Sabi niya.
"Ingat brad!" Pahabol sakanya ni Jeb saka na niya kami nilagpasan.
"Tara." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko at dumiretsyo sa may canteen para makapag lunch.
Pag katapos namin kumuha ng pagkain ay nag hanap na kami ng upuan.
"Doon oh." Sabi ko at nginusuan ang isang bakante na table. Umupo na kami doon at kumain.
Habang kumakain kami ay may sumulpot at si Fiona iyon.
"Beshy, pag katapos ng klase mo after lunch punta ka uli sa auditorium tapos practice tayo. Okie?" Sabi niya at tumango naman ako.
"Kuya Jeb!" Natuon ang pansin naming tatlo sa kabilang table at nakita namin na nandoon ang pwesto nila Jin at nila Jisoo.
"Kuya, ok na ba si Jennie?" Tanong ni Jisoo sakanya.
"Oo, okay na siya. Pwede mo siya bisitahin mamaya pag katapos ng klase." Sabi ni Jeb at tumango nalang si Jisoo bago siya nakipag usap uli sa mga kaibigan niya. Saka sila nag tawanan, at napansin ko na maingay nadin sila pero si Jin kumakain lang. Problema nun?
Napansin ko na hindi naman sila ganyan dati nung sumasabay ako sa kanila.. Siguro ayaw nila sakin.. Saka si Jisoo.. Mabait siya kay Jeb pero bakit sakin hindi?
Hindi ko naman sinasabi na gusto ko siyang maging mabait saakin.. Gusto ko lang makipag kaibigan...
***
Pag katapos namin mag lunch ay hinatid na uli ako ni Jeb sa klase ko. Hindi ko ka klase ngayon si Jin.. Kaya boring pero mamaya ay pupunta naman na ako sa auditorium para mag practice.
Sulat lang ako ng sulat ng notes at nakikinig lang ako sa teacher.. Pero isa lang ang hindi nag babago.. Umuulan padin. Bakit ba hindi nalang isuspend yung klase?
Makalipas ang ilang oras ay pag katapos ng dalawang klase, tumayo na ako at kinuha na yung bag ko.
Alam kong may isa pang klase pero gusto ko na talagang pumunta ng auditorium..
Dumaan muna ako sa locker ko para ilagay doon ang bag ko para wala na akong bitbit.. Habang pinupuntahan ko yung locker ko ay may nakita akong babae na nandoon din.. Akala ko si Fiona iyon pero hindi..
"Jisoo." Masaya kong sabi tapos ay pinuntahan siya.
Hindi niya ako pinansin at pinag patuloy lang ang ginagawa niya.
"Bakit parang malungkot si Jin kanina?" Tanong ko.
Tumingin siya sakin at nginisian ako dahilan para maguluhan ako sa inaasta niya.
Sinara niya yung locker niya at sinandal yung likod niya sa pinto noon.
"Gusto mong malaman?" Tanong niya habang naka ngisi padin.
"Uhm.. Hindi na.. Okay lang kahit hindi mo na sabi--"
"Kasi hindi ka niya kasama, kasi kasama mo si Kuya Jeb.. Layuan mo lang siya.. Ipagpatuloy mo lang 'yan.." Sabi niya bago ako nilagpasan.
Nagulat ako sa sinabi niya. Kasi hindi ko siya kasama? Kasi kasama ko si Jeb? Bakit? Ano bang meron?
"Teka Jisoo--" Pag katalikod ko ay wala na siya kaya lalo akong nag taka.
Nagulat ako ng may biglang malakas na kulog akong narinig.. Sobramg dilim na ng dulong hallway kung asan nandoon banda ang locker ko.
Huminga nalang ako ng malalim at inalis sa isipan ko ang sinabi ni Jisoo bago ako nag lakad nalang patungo sa auditorium.
BINABASA MO ANG
WHISTLE (BTS X BLACKPINK FF)
TerrorJennie Kim. Is not the type of girl that can easily get your attention. But when she does. You're gonna have to whistle for help. Highest rank achieved: #12 in Horror 6.2.17