50👻

1K 43 8
                                    

Jennie's POV

Walang emosyon akong pumasok sa classroom namin.

Kahit na kanina ko pa pinipilit ang pag iyak ay mas lalo kong pinipilit yung sarili ko na pumasok.

Ayoko naman na graduation tapos mag bebreak kami diba?

Siguro..

Siguro bigyan ko nalang muna siya ng space.. Para makapag isip siya..

Although gustong gusto ko na siyang yakapin..

Umupo ako sa upuan ko kaya nakuha ko yung atensyon ni Lisa na nakikipag usap sa classmate ko.

"Jennie?!" Gulat na tanong niya saakin.

"Ano nang nangyare kay Taehyung? Pinuntahan mo ba siya?" Tanong niya sakin.

Mabagal akong umiling at tumingin sakanya at pinipilit yung sarili ko na hindi umiyak.

"Uhm.. Hindi ko siya nakita eh.. Wala siya sa condo niya.." Pag sisinungaling ko sakanya.

Ayoko sanang mag sinungaling sa kahit na sino o kahit na kay Lisa.

Pero away at problema namin 'to ni Taehyung. Ayaw kong ma involve siya dahil baka madamay pa siya at yun ang ayaw kong mangyare dahil baka mas lalong lumala yung sitwasyon.

"Jennie.. Okay ka lang? Namumutla ka.." Sabi niya pa sakin at hinawakan yung balikat ko.

Umiwas ako ng tingin sakanya kasi naramdan ko na yung mga luha na tumulo mula sa mata ko..

Hindi ko na kayang pigilan.. Masyado lang akong masasaktan kung pipigilan ko pa.

"Jennie.. Bakit?" Tanong niya at lumapit pa lalo sakin at hinimas yung likod ko at pinatahan..

"Kasi.. Kasi.. Namimiss ko na siya.." Humahagulhol kong sabi.

Hindi ko na alam kong ano pang pwede kong sabihin pero yung ang lumabas sa bibig ko.

Totoo naman eh.. Namimiss ko na siya.. Pero sad to say nag gaganito kami ngayon..

"I know.." Mahina niyang sabi at niyakap ako ng patagilid.

Kung sana nandito lang si Rose at Jisoo para patahanin ako... Para hawakan yung buhok ko habang umiiyak, para sabihan ako ng 'magiging okay lang ang lahat'..

Napa buntong hininga uli ako at inalis yung mga luha ko.

"Okay na ko." Sabi ko at pasimple siyang nginitian kaya kumawala na siya sa pag kakayakap sakin.

Nginitian niya ako at nginitian ko din siya.

"Ok class, line up." Bungad agad samin nung teacher pag kapasok niya.

"Bakit daw?" Tanong ko kay Lisa.

"Graduation picture." Simple niyang sabi at kinuha na yung bag niya kaya ganon din ako.

Bumaba kami sa may ground floor ng school dahil dun daw kami pipicturan.

Naka pila lang yung iba habang yung iba inaayusan, kasama nadin ako doon habang yung iba pinipicturan na.

Ng matapos akong ayusan ay sinabi na saakin na ako na daw yung next kaya tumayo na ako.

Habang pinipicturan ako ay ewan ko ba pero sa tingin ko nag mumukha akong ewan dahil nakakarami na yung mga peke kong ngiti.

Triny kong mag smile na kita yung ngipit para kahit papaano ay mabago naman yung style.

Habang pinipicturan ako ay parang may nasagi yung mga mata ko ng makita ko siya.

Anong ginagawa niya dito?

Tinignan niya lang ako, ng medyo mga ilang segundo nadin ang tagal ng pag tititigan namin ay umiwas na siya ng tingin at nag lakad palayo?

"Tapos na." Nabalik ako sa realidad ng mag salita yung kumukuha ng picture namin kaya umalis na ako doon at kinuha yung bag ko at pinuntahan yung mga classmate kong tapos na mag picture.

"Sure ako na cute ka doon Jennie." Sabi ng isa kong classmate sa tabi ko.

Nginitian ko lang siya at nag sabi ng Thank you.

Habang nag hihintay lang kami ay nakita ko na si Lisa na yung next at pinipicturan na siya.

Masaya ako na kasama ko siya ngayon..

Sana nandito na din si Jisoo... At si Rose..

Habang tinitignan ko si Lisa ay nakarinig ako ng phone na tumutunog.

Lumingon lingon ako sa mga classmates ko na katabi ko lang at nakita ko na tinitignan din nila yung phone nila.

"Jennie, phone mo ata yun." Sabi uli ng isa kong classmate.

Kinapa ko yung bag ko at naramdaman kong nag vavibrate yun kaya tumayo ako at lumayo doon.

Para nadin siguro makakuha ng signal at hindi maka istorbo sa iba..

"Ano?" Bored kong sabi sakanya. Kanina lang nakita ko siya habang nag pinipicturan ako tapos ngayon tatawag siya.

"Jennie, sasabihin ko na talaga sayo... This time totoo na, promise.." Narinig ko sa boses niya na seryoso siya.

"Tapos ano? Hahalikan mo na naman ako." Sarcastiko kong sagot.

Narinig kong nag buntong hinga siya sa kabilang linya.

"I'm sorry.." Mahina niyang sabi pero sapat na para marinig ko.

"Okay lang. Kelan mo ba sasabihin? Ngayon? Pupunta naba ako dyan?" Sunod sunod na tanong ko.

Napabuntong hininga uli siya. Napapadami na ata yung pag buntong hininga niya ngayon ah. Hindi naman siya ganon dati.

"Sasabihin ko sayo..."

"Pero may kundisyon yung kapatid ko." Sabi niya.

Biglang napa taas yung kilay ko.

"Ano yon?" Tanong ko anong kundisyon naman ngayon ang gagawin ni Bea?

"Isa pa."

"Isang tao pa ang mamamatay bago niya ako hayaan na sabihin ko sayo."

WHISTLE (BTS X BLACKPINK FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon