Jennie's POV
"Pero Jin.."
"Hindi. Mahal mo din ako. Sabihin mong mahal mo din ako."
"Hindi.. Hindi kita mahal.."
Sa puntong iyon naramdaman ko na tumigil ang pag ikot ng mundo ni Jin.. Ganoon ba kasakit iyon?
"Maniniwala ka na ba sakin?" Sarcastikong tanong ni Jisoo sakanya na naka tulala pa din.
Nakita ko ang mukha ni Bea na para bang kinakabahan siya na ewan.. Ako din parang kinakabahan ako sa mga nangyayari.
Sinubukan kong pumikit uli at umalis na dito pero may nag narinig ako ingay.
Nakita ko si Taehyung na nilapitan si Bea.
Bumulong siya sakanya pero kahit malayo ako sa kinatatayuan nila ay narinig ko parin iyon.
"Umalis ka na."
Nakitang kong naguluhan si Bea pero agad siyang tinulak ni Taehyung pero may malakas na ingay na lalong nag bigay pansin sa kanila.
"Bea.. Wag mo kong iwan.." Sabi ni Jin habang sinusubukan niyang lapitan si Bea pero tinulak siya ni Taehyung.
"Hyung tama na! Nababaliw kana!" Sigaw niya bago niya tinulak uli si Bea na umakyat na para maka alis na siya dito.
"Hindi! Saan ka pupunta!" Sigaw ni Jin habang pinipilit na pumiglas dahil pinipigilan na siya ng iba.
Nakitang kong umakyat na din si Taehyung at sinundan si Bea kaya sumunod nadin ako.
Pag kaakyat ko ay inilibot ko ay paningin ko sa buong paligid..
Ito.. Itong lugar na ito. Ito yung cabin na pinuntahan namin noong sembreak.. Hindi ko naman alam na kaya naman pala walang second floor ay dahil may basement sa ibaba.
Nabaling ang atensyon ko sa pintuan nakabukas. Madilim sa ilabas kaya ibig sabihin ay gabi na.. Hindi.. Umuulan..
Kahit na umuulan pa ay sinubukan kong lumabas pero pag kalabas ko ay biglang nag dilim ang lahat.
Shit, wag.
~~~
Nararamdaman ko na basa ako. Ulan ba 'to? Unti unti kong minulat ang mata ko at bumungad sakin ang limang tao na pinag mamasdan ako.
Si Jungkook na may hawak ng timba na siguro ay may laman ng tubig na ibinuhos sakin kaya ako nabasa.
Bakit ganyan ang mga tingin nila?
Tumama ang tingin ko kay Taehyung pero mabilis siyang umiwas at umalis sa pwesto niya sa harap ko.
Inilibot ko ang paligid ko at hindi nga ako nag kakamali..
Isususnod nila ako..
Una ang kuya ko.. Tapos si Bea, tapos ngayon ako?
Pero.. Patay na nga ba talaga si Bea?
Ang huli ko lang matatandaan ay lumabas silang dalawa ni Taehyung at pumunta sa madilim at umuulang labas...
Pero hanggang doon lang ang naalala ko sa panaginip ko..
Tahimik silang lahat ng biglang may ihagis si Jin sa harap ko pero nahulog lang ito sa harap ko..
Spirit board..
Kay Rose 'to pero paano nila nakuha? Matagal na kaming hindi nakakapag laro at nakakapag paalam at sa tingin ko doon nag simula ang lahat.
"Paano--"
"Hindi mo na matatapos yan dahil kami na ang tatapos sayo." Pag puputol pa ni Jin.
"Teka nga! Ikaw ba ang pumatay kay Bea?" Tanong ko.
Hindi ko maigalaw ang kamay ko dahil naka tali ito sa likod ko sa pagitan ng upuan na inuupuan ko.
"Hindi ko siya pinatay... Siya ang pumatay sa sarili niya.." Walang emosyon na sagot nito.
"Hindi, hindi pwede yon!"
"Hindi ka niya mahal kaya mo siya pinatay ganon?! Anong klase ka--"
"Wala kang alam kaya manahimik ka!" Singhal niya dahilan para matikom ang bibig ko pero may biglang pumasok sa isipan ko.
Iyon ang salitang laging sinasabi sakin ni Bea..
Oo wala akong alam.. Pero dati 'yon
"Bakit si Kuya Jeb? May kaalam alam ba siya na ikaw din pala ang papatay sa taong mahal niya--"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng akmang susugudin na ako ni Jin pero pinigilan siya ni Jungkook.
Hindi ko sila pinansin at tumingin sa gawi ni Taehyung na nakasandal sa pader.
"Taehyung." Mahina pero mariin na tawag ko sakanya.
Alam ko noong huli kaming mag kita ay nag away kami pero bakit parang nakita ko siya noong namatay si Namjoon? Hindi niya ako pinansin imbis ay yumuko lang siya.
Tumingin naman ako sa gawi nila Lisa at Jisoo na walang emosyong naka tingin saakin.
Kaibigan ko sila. Pero hindi ko naman alam na may ganoong pala silang ginagawa. Kaya pala nilang manakit ng tao.
"Hindi ba tatapusin niyo rin naman na ako? Bakit hindi niyo pa gawin?" Tanong ko kay Jin. Nakita ko sa gilid ng mata ko na napatingin sakin si Taehyung pero hindi ko na siya pinansin.
Nakita kong may hinugot si Jin sa ilalim ng damit niya na baril. Hindi na ako matatakot o mag tataka dahil nakita ko naman na ito sa panaginip ko.
Bago pa man siya mag paputok ay nag salita na ako.
"Hindi lang dahil hindi ka niya mahal ay magagalit ka na sa taong mahal niya. Hindi mo ba naisip na may nag mamahal din sayo?" Tanong ko sakanya at tumingin sa gawi ni Jisoo.
Oo, nalaman ko sa panaginip ko na kahit gaano kaayaw ni Jisoo kay Bea ay minamahal parin niya ito para lang sa kuya niya. Mapag mahal na kapatid si Jin kay Jisoo pero ng dumating si Bea ay nag iba na ito.. Yun ang tingin ni Jisoo kaya niya inayawan si Bea.
Pero mali siya..
Sa mga maling desisyon niya.. Sa mga maling hakbang niya iyon ang nag lalayo sa kanilang mag kapatid.
"Mamamatay ka na nga lang marami ka pang sinasabi." Sumbat ni Jin at titira na sana kaso ay may hindi ako inaasahang humarang..
"JUNGKOOK!" Sa isang iglap nakita ko si Jungkook na nawalan ng malay sa mismong harapan ko.
May ilan pang dugo na tumalsik saakin dahil sa malapit siya saakin pero masyado akong nagulat.
Nangibabaw ang sigaw ni Lisa at agad niyang pinuntahan si Jungkook na may tama ng baril.
"Wag! Gumising ka!" Sigaw niya dito habang niyuyugyog na ani mo'y natutulog lang siya.
"Lisa. Lumayo ka sakanya." Utos ni Jin pero hindi siya pinansin nito.
"Kasalanan mo 'to! Pinatay mo siya!" Sigaw ni Lisa.
"Hindi ko siya pinatay! Humarang lang siya!" Depensa ni Jin.
"Dapat pala hindi nalang ako sumunod sayo simula palang kung alam ko ring namang papatayin mo siya." Sabi ni Lisa na may halong pag ka wasak ng boses.
"Lisa, lumayo ka na sakanya." Utos uli ni Jin.
"Lisa, isa." Banta uli niya pero patuloy lang ang pag iyak ni Lisa habang patuloy na niyuyugyog si Jungkook.
"Ju-jungkook... Patawarin moko.. kasi nadamay ka pa dito.. Mahal na mahal ki--"
"LISA!!" Sigaw ni Jisoo na naka kuha ng atensyon ni Taehyung dahilan nadin para lalo akong kabahan.
Patay na siya.
Itinutok uli ni Jin saakin yung baril at sa pag kakataon na iyon nanginig ako..
"Iisang bala para sayo.." Sabi ni Jin... Pumikit nalang ako at umasang may aagaw ng baril sakanya..
Si Jisoo at Taehyung nalang ang pag asa ko pero mukhang malabo na iyon..
BINABASA MO ANG
WHISTLE (BTS X BLACKPINK FF)
HorrorJennie Kim. Is not the type of girl that can easily get your attention. But when she does. You're gonna have to whistle for help. Highest rank achieved: #12 in Horror 6.2.17