E-e-e-enjoy🙌
Taehyung's POV
Niyakap ko agad si Jennie pero parang may kakaiba.
Kumalas ako sa pag kakayakap ko sakanya at tinignan siya pero naka takip yung mga kamay niya sa mukha niya at umiiyak.
"Jennie... Wag ka nang umiyak nandito na ko..." Sabi ko pero lalo siyang humagulhol..
"Jennie, anong nangyare?" Tanong ko.
"Wala kang alam!" Bigla niyang sigaw sakin kaya nagulat ako.
"Anong ibig mong sabihin? Jennie, anong nangyare?" Tanong ko uli pero hindi siya sumagot.
"Babe--" Natigilan ako ng bigla niya akong itulak ng malakas. Ano bang nangyayare sakanya?
"Wala kang alam Taehyung! Wala!" Sigaw niya saka ako sinampal.
Sa sobrang pag ka gulat nanatili lang akong naka tingin sa isang tabi.
"Don't call me babe. Jerk, You'll die anyway." Napatingin ako sakanya sa sinabi niya.
Ano bang nangyayare sakanya?! Pag katapos niyang sabihin yon ay tinulak tulak niya uli hanggang sa naramdaman ko na yung pader sa likod ko.
"Jennie! Ano bang problema mo?!" Sigaw ko sakanya kasi nag kakaganito siya.
Bigla niya akong sinakal kaya napa hawak ako sa kamay niya na nasa leeg ko. Ang sama ng tingin niya sakin.
Hindi..
Hindi siya si Jennie...
Hindi ganito si Jennie.. Hindi ganito yung Jennie na minahal ko..
Hindi ko siya kayang labanan kasi sobrang lakas ng pag kakahawak niya sa leeg ko.
Hindi na ko makahinga... Bigla akong napa tingin sa babaeng nasa likod niya... Hindi ko na masyadong makita yon kasi nanlalabo na yung paningin ko.
"Wala kang alam.." Huling sabi ni Jennie bago ako tuluyang..
.
.
.
.
.
.
.Nagising.
Napa upo agad ako at hingal na hingal. Pinag papawisan ako habang naka hawak ako sa leeg ko.
Shit, bangungot.
Napa pikit ako ng mariin.. Panaginip lang yon.. Alam kong hindi kayang gawin sakin ni Jennie yon.. Hindi..
Natigilan ako ng may marinig akong kumakalabog...
Parang... Parang nang gagaling siya sa ilalim ng kama ko. Napa lunok ako bago ko tanggalin yung kumot ko at bumaliktad ng kaunti para tumingin sa ilalim ng kama...
Inikot ko yung paningin ko pero wala naman... Walang kahit ano...
Pag ka angat ko uli ng ulo ko at may kumalabog uli...
Pero hindi na galing sa ilalim ng kama ko yon...
Parang...
Parang galing sa likod ko...
Huminga ako ng malalim.. Ayokong lumingon kaya bumaliktad nalang uli ako at tumingin sa ilalim ng kama...
Nanlaki yung mata ko ng totoo nga... May tao nga..
Nakita ko yung paa niya pero may mga dugo yung binti niya...
Umayos uli ako at nag simula ng kumalabog yung dibdib ko...
Ayokong lumingon... Natatakot ako... Shit kabaklaan mo Taehyung!
Dahan dahan akong lumingon pero wala... Walang tao.. Pero may paa akong nakita... What the hell.

BINABASA MO ANG
WHISTLE (BTS X BLACKPINK FF)
HorrorJennie Kim. Is not the type of girl that can easily get your attention. But when she does. You're gonna have to whistle for help. Highest rank achieved: #12 in Horror 6.2.17