Jennie's POV
Hindi ako makagalaw pero alam kong gumagalaw ako... Para akong nakahiga pero naka side view.. Amoy aircon.. Ng sasakyan?
Ewan ko kung ilang oras na akong walang malay o naka tulog o ano.. Pero ang alam ko lang ay wala akong makita... Puro itim parang naka takip yung mata ko..
Ang huli ko lang natatandaan ay yung mukha ni Lisa na nag sasabi sakin ng sorry bago ako takpan ni Jungkook ng panyo sa bibig.
Alam kong si Jungkook yon. Bakit naman hindi?
Gising na gising yung diwa ko pero hindi ako gumagalaw para hindi sila mag taka..
Pero ang nakakapagtaka ay yung panaginip ko... Mahaba haba yung panaginip ko pero parang umidlip lang ako ng tulog.. Para bang na kwento na niya saakin lahat sa pamamagitan lang ng pag pasok sa panaginip ko.. Pero alam ko.. Alam ko na hindi pa yon tapos.. Alam ko na.. Kailangan ko pang matulog para matapos yon..
~~~
Nagulat ako sa biglang pag sulpot ng isang lalake sa tabi ko.
"Layuan mo si Hyung." Malamig niyang tugon ng hindi manlang naka tingin sakin.
"Bakit?" Tanong ko sakanya.. Isa siya sa mga kaibigan ni Jin.. Yoongi ba yun? Kaibigan niya nga pero bakit parang sinisiraan niya siya..?
Nung una si Jisoo ang nag sabi sakin niyan.. Tapos si Rose.. Tapos si Taehyung.. Tapos ngayon siya?
Seryoso.. Nag tutulungan ba sila?
"Basta, layuan mo siya." Giit pa niya bago nag patuloy sa pag lalakad at nilagpasan na lamang ako.
Naguguluhan ako. Lagi nalang nila sinasabi saakin yan. Ano bang meron kay Jin? Hindi ba nila tanggap yung pag kakaibigan namin o sadyang ganyang lang talaga sila? Nahawa naba sila ni Jisoo?
"Bakit nga?!" Inis kong tanong sakanya. Nakita kong natigilan siya sa pag lalakad.
"Hindi mo alam ang pwede niyang gawin.. Kung ako sayo layuan mo na siya." Sagot niya ng hindi lumilingon saakin.
Hindi. Hindi ko siya lalayuan hangga't hindi nila sinasabi sakin yung dahilan.. Hindi naman ako yung mag sisisi.. Sila rin.. Dahil sinisiraan nila yung sarili nilang kaibigan..
Panigurado.. Mamaya maya isa na naman sa kanila ang mag sasabi sakin niyan..
Habang pinag mamasdan ko siyang mag lakad papalayo saakin ay may taong humawak sa balikat ko.
"Okay ka lang? Anong sinabi niya sayo?" Tanong ni Jin.
Umiling nalang agad ako. Kung sakali mang sabihin ko sakanya baka masaktan pa siya..
"Wala.. Dinaaanan niya lang ako." Sabi ko nalang at mukhang naniwala naman siya.
"Oo nga pala, alam mo ba kung asan si Jeb? May sakit na naman ba yung kapatid niya?" Tanong ko kahit naman alam kong wala na dahil nakita ko siya noong isang araw sa bahay nila Taehyung...
Hindi siya sumagot kaya nag tanong uli ako..
"Siya ba yung may sakit? Hindi kasi siya sumasagot eh.. Naisip ko lang na baka siya yung may sakit.. Pupuntahan ko siya.." Sabi ko.
"H-hindi.. Wala siyang sakit.. Siguro busy lang siya at saka baka nasira yung phone kaya hindi ka sinasagot.." Paliwanag siya sakin.
Napakunot yung noo ko pero tumago nalang ako. Baka nga.
"Sabay tayong mamayang lunch ah?" Sabi niya.
Kahit sinasabihan ako ng mga kaibigan niyang layuan siya ay tumango parin ako.. Ano namang masamang sumabay sakanya?
***
"Oo nga pala, asan na nga pala yung kaibigan mo?" Tanong niya saakin habang nag lalakad kami sa hallway at sabay na papunta sa canteen.
"Si Fiona? Ah.. Nag away kasi kami eh.." Sagot ko.
Nanahimik lang siya at para bang sinasabi niya sakin na handa siyang makinig kaya napa buntong hininga nalang ako bago ako nag kwento sakanya.
Habang nag kukwento ako ay bumibili na kami ng mga pag kain hanggang sa maka upo kami sa upuan ay nag kukwento parin ako.
"Nag quit na nga ako sa pagiging pianist ng choir at sinubukan uli mag sorry sakanya pero parang sawang sawa niya siya sakin.. Minsan nga iniisip ko na boring ako eh.." Sagot ko. Oo, nag quit ako sa choir para maka sama siya at oo nag makaawa din ako sa teacher para isama siya. Buti nalang at siya ang naging kapalit ko.. Alam kong masaya siya ngayon pero hindi parin talaga niya ako pinapatawad.. Ganoon kadali ata siyang sumuko..
"Ano? Sino ba namang mag sasawa sayo?" Sagot niya.
"Ano?"
"Wala, ang sabi ko ikaw na nga 'tong nag quit ikaw pa 'tong ayaw patawarin.. Hindi man lang ba niya na appreciate yung effort mo?" Sambit niya.
Nag kibit balikat balang ako kasi kahit ako ay hindi ko alam ang isasagot ko.
"Ok lang ba sayo na ako uli mag hatid sayo pauwi mamaya?" Tanong niya.
"Oo naman, bakit naman hindi?" Tanong ko.
"Uhm.. Wala.. Sige una na ko ah." Paalam niya. Nginitian ko lang siya bago siya umalis. May gagawin pa ata siya.. Hindi pa naman kasi nag bebell eh. Ang aga naman niyang umalis...
Inayos ko narin ang gamit ko at tumayo na para pumunta nadin sa clssroom ko at nag pasya na dun muna mag stay.
Nag lalakad ako sa hallway papunta sa classroom. Papasok na ko ng may humarang saakin.
"Huling bilin na 'to. Layuan mo na si Hyung." Sabi ni.. Jungkook.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Hindi. At ayoko. Bakit ba?" Inis na tanong ko.
Nginisian niya ko. Kakaibang ngisi yon. Hindi ko maipaliwanag. Hindi niya ako sinagot at umalis na lang sa may pinto.
Ang weird nila.
***
Pag katapos ng ilang oras at ng ilang subject ay uwian na din.
Nag lakad ako papunta sa school gate. Luminga linga ako kung sakali mang may humarang uli sakin at sabihan akong layuan si Jin pero buti nalang ay wala naman.
Maaga kaming pina dismiss ng teacher namin kesa sa kanila so sa tingin ko iyon ang dahilan kung bakit wala pang masyadong estudyante.
Nag lakad nalang uli ako papunta ng labas ng may biglang humila saakin. Sa mismong uniform at bag ko.
Nag pumiglas ako dahil nainis ako sa bigla niyang pag hatak. Ano bang problema ng babaeng 'to?!
Medyo hinila niya ako palayo sa gate at sa may walang tao.
"Hindi ka ba talaga maniniwala saamin?" Inis na sambit ni Lisa.
Napairap ako at inis na inalis yung kamay niya na naka hatak saakin.
"At bakit naman ako maniniwala saainyo?" Inis na sambit ko din.
"Alam mo.. Porket wala lang yang boyfriend mo. Lumalandi kana.. Pinsan pa talaga ng boyfriend mo. Ang tigas mo rin ano?" Parangal niya.
Nainis ako lalo sakanya.
"Una, hindi ko nilalandi si Jin. Pangalawa, kaibigan ko siya at pangatlo matigas talaga ako. Mas matigas pa diyan sa ulo mo!" Bigla kong sigaw sakanya.
"Kung hindi mo siya lalayuan pwes kami mismo ang gagawa ng paraan." Huling sambit niya bago niya ko itulak ng malakas kaya nauntog ako sa pader.
Sa sobrang lakas ng umpog ko sa pader ay nahilo ako bigla at nawalan ng malay.. Pero kahit ganoon nakita ko parin ang ngiti niya.
BINABASA MO ANG
WHISTLE (BTS X BLACKPINK FF)
HorrorJennie Kim. Is not the type of girl that can easily get your attention. But when she does. You're gonna have to whistle for help. Highest rank achieved: #12 in Horror 6.2.17