Jennie's POV
Lumabas yung nurse, adviser at driver sa bus para maka hanap ng tulong habang kaming mga estudyante ay naiwan.
Nag simula nang mag reklamo yung mga classmates ko sa bandang likod ng bus...
"Gusto ko nang umuwi!"
"Badtrip naman nasiraan pa tayo sa gitna ng daan!"
"Wala bang data dyan?!"
"Gutom na 'ko!"
Napabuntong hininga nalang ako sa sobrang kaba ko ngayon dahil kami-kami na nga lang nag iingay pa sila.
May narinig ako na nag lalakad at nakita ko yung classmate ko na nilagpasan yung seat ko at dumiretsyo sa pinto ng bus.
Napatayo ako at sinabihan sya.
"Bawal lumabas! Saan ka pupunta?" Tanong ko.
Tinignan nya ko at inirapan.
"Mag hahanap lang ako ng data." Sabi nya.
"Pero bawal ngang lumabas, bumalik kana sa upuan mo." Sabi naman ni Jin kaya wala syang nagawa at padabog na bumalik sa upuan nya.
Patagal ng patagal lalong umiingay yung bus namin, patagal ng patagal lalong dumidilim...
Tinignan ko si Lisa na tahimik lang na naka upo sa tabi ko para syang kinakabahan...
"Liza... Anong problema?" Tanong ko.
Tumingin sya sakin at kitang kita ko sa mata nya na kinakabahan sya.
"Ewan ko Jennie... Pero pakiramdam ko may masamang mangyayare." Sabi nya at yumuko.
Napakunot yung noo ko at hinawakan sya sa balikat.
"Hindi Lisa... Walang mangyayareng masama... Makakauwi din tayo." Sabi ko at pilit na ngumiti pero isinandal lang nya yung ulo nya sa may bintana at hindi ako pinansin.
"Ayoko na lalabas na ko!" Sigaw ng isa kong ka classmate sa likod.
Papalabas na sana sya kaso pinigilan ko sya.
"Ano ba! Bawal ngang lumabas!" Nababanas kong sabi kasi kanina pa ako napipikon sa kanila.
"Hindi naman ako lalayo eh!" Sigaw nya pabalik sakin kaya napatayo si Jin.
"Bro, bumalik ka nalang sa upuan mo." Sabi ni Jin at hinawakan yung balikat ng classmate ko pero tinabig nya lang yung kamay ni Jin.
"Hayaan nyo nalang ako!" Sigaw nya uli.
Nakita kong nainis sakanya si Jin pero pinipigilan lang nya yung inis nya.
"Halikana Margo!" Sabi nya at sumunod sakanya yung girlfriend nya na ka classmate din namin.
Sinundan ko na sana sila sa labas kaso pinigilan ako ni Jin.
"Hayaan mo sila..." Sabi nya at umupo kaya napatingin ako sa iba kong classmate sa likod ng bus.
Tinignan ko si Taehyung at nakita ko din sa mata nya na kinakabahan sya.
Tumayo uli yung isa kong ka classmate at balak din lumabas kaso pinigilan ko sya.
"Pati ba naman ikaw Marco?!" Sigaw ko sakanya.
"Wala namang pwedeng gawin dito eh! Hindi na tayo babalikan ng teacher natin! Kaya tumabi ka nalang!" Sigaw nya sakin.
May biglang sumuntok sakanya kaya napa sigaw yung iba kong classmates na babae.
" Wala kang karapatang sigawan yung girlfriend ko gago!" Galit na sigaw sakanya ni Taehyung.
Susuntukin na sana nya pabalik si Taehyung kaso biglang sumingit si Namjoon.
"Pati ba naman dito sa bus ganyan kayo?! Grow up!" Sigaw nya kaya natahimik kaming lahat.
Biglang nabasag yung dead air ng may narinig kaming sumisigaw.
Nakita namin si Margo na sumisigaw nang papasok sya sa bus kaya agad ko syang nilapitan.
"Anong nangyare?!" Napasigaw ako sa kaba dahil may mga dugo sa damit nya.
"Asan si Jay?" Tanong ko uli habang nanginginig yung mga kamay nya.
"M-may l-lalake... Pinatay nya si Jay!" Sigaw nya at nag simula na syang umiyak kaya nanhina yung tuhod ko.
Nilagpasan ko sya at lumabas ng bus narinig ko din na nag ka gulo sila sa loob.
"Jay!" Sigaw ko sa mga puno kaso sobrang dilim kaya wala ako masyadong makita.
"Jay!" Sigaw ko uli. Pero walang sumasagot kaya tumakbo ako.
Sigaw lang ako ng sigaw habang tinatabi yung nga dahon at sangga na nadadaanan ko.
"Babe!" May narinig akong sumigaw kaya napatingin ako sa gilid pero puro puno lang ang nakikita ko.
"Jennie!" May sumigaw uli at nag simula na akong kabahan dahil parang ang lapit lang saakin nung sumigaw.
"Jennie..." Nanlaki yung mata ko ng may mag salita mula sa likuran ko.
Wag kang lilingon...
Wag kang lilingon...
Wag kang lilingon...
Niyakap nya ko mula sa likuran kaya lalo akong kinabahan.
"Babe..."
"Taehyung?" Lumingon ako at tinakpan yung bibig ko para mapigilan kong sumigaw.
Si... Si Jay.
Nakita ko syang naka higa sa lupa habang may naka tusok na patulis na kahoy sa may bandang noo nya.
Lumayo ako ng tingin kasi feeling ko anytime iluluwa ko na yung mga kinain ko kaya tumakbo na ako paalis doon.
Nahanap ko yung bus at walang buhay akong pumasok sa loob habang nag kaka gulo parin sila.
Natahimik ang ilang ng makita nila ako.
Agad na tumakbo papalapit sakin si Taehyung at hinawakan yung balikat ko.
"Jennie...okay ka lang ba? Asan si Jay?" Tanong nya.
Yumuko ako at nag simula nang tumulo ang luha ko.
"Patay na sya..." Sabi ko.
Nakita kong nataranta yung iba kong classmates.
"Mamamatay tayong lahat!" Sigaw pa nung isa.
Nakita ko na pumasok si Yoongi, Jimin at Hoseok sa bus at lumapit kay Jin.
"Bro, hindi namin mahanap si Jay." Sabi ni Jimin.
Medyo nag taka ako kung paano sila naka labas sa bus pero naalala ko na baka lumabas din sila ng lumabas ako.
Tumingin sakin si Jin.
"Kailangan na nating makaalis dito." Sabi nya.
Hindi ko alam kung bakit pero sumangayon ako at pumunta sa kinauupuan ko at nag simula ko nang ihanda yung gamit ko.
"Lisa, aalis tayo dito." Sabi ko sakanya.
"Jennie wag, lalong lalala..." Sabi nya.
Napakunot ako sa sinabi nya.
"Lisa hindi kita pwedeng iwan dito halika na." Sabi ko.
"Sasama ako, pero pag sinabi kong tumakbo ka tatakbo ka." Sabi nya.
BINABASA MO ANG
WHISTLE (BTS X BLACKPINK FF)
KorkuJennie Kim. Is not the type of girl that can easily get your attention. But when she does. You're gonna have to whistle for help. Highest rank achieved: #12 in Horror 6.2.17