Hi!!!
Dedicated uli kay @AuthorNim03
Yieee lablab. Salamat sa follow😘Enjoy🙌
Jennie's POV
Npatingin uli ako kay Lisa ng ibaba niya yung pencil niya. Lumapit ako para mas long makita 'yon.
Nakita ko si Jimin na naka sandal sa bookshelf pero may kakaiba...
May parang itim na naka tayo sa likod niya. Napa tingin ako sa gawi niya at kausap niya sila Jungkook. Lumagpas ang tingin ko sa likod niya at wala naman ako nakikita doon...
Habang pinag mamasdan ko yun ay biglang parang may nakikita akong kamay na may dugo na ewan...
Napalunok ako ng makita kong humawak ito sa balikat ni Jimin pero parang wala lang kay Jimin 'yon.... Hindi niya ba nararamdaman 'yon?
"Shit!" Napa mura ako ng malakas ng makita ko ng tuluyan yung mukha niya sa likod ni Jimin.
Ramdam ko na naka tingin silang lahat sakin sa biglang pag sigaw ko pero hindi maalis yung tingin ko sa babaemg nasa likod ni Jimin. Parang siya yung babae...
"Jennie!" Natauhan ako sa sigaw ni Taehyung tapos ay hinawakan niya yung kamay ko.
Napa tingin ako sakanya. Tapos ay tumingin uli sa likod ni Jimin. Shit nawala! Argh!
Bigla akong hiningal. Ewan ko pero nakakahingal ba talagang makipag titigan sakanya?
"Jennie? Ano yon?" Tanong ni Taehyung. Hindi ko siya sinagot.
Nakita kong kinuha niya yung notebook ni Lisa at tumingin din sa gawi ni Jimin.
Nag silapitan samin yung iba kahit si Jimin. Napa kunot yung noo niya ng makita niya yung drawing ni Lisa.
"Lisa, sure ka ba dito?" Tanong ni Jin pero hindi siya sumagot dahil naka tulala lang siya.
"Sure ako, alam kong totoo yung mga nakikita ni Lisa." Ako nalang yung sumagot.
"Sure ka?" Tanong sakin ni Jin sasagot sana ako ng mag salita si Lisa
"Sure akong may mamamatay." Sabi niya. Tumingin kami sakanya. Pero...
Naka ngiti siya.
"Lisa, okay ka lang?" Tanong ko at hinawakan yung kamay niya.
Tumingin siya sakin at nginitian ako. Napa kunot yung noo ko ng maging ngisi yung ngiti niya.
Hinawakan niya pabalik yung kamay ko at diniinan yung hawak doon.
"L-lisa ano ba." Sabi ko habang pilit na inaalis yung hawak niya sa kamay ko.
Pilit siya inilalayo nila Jungkook. Unti unti na naging violet yung kamay ko.
"Lisa!" Sigaw sakanya ni Jisoo at nakitulong na alisin yung kamay niya sa kamay ko pero lalo niyang hinigpitan iyon.
Naka tingin lang siya sakin habang naka ngiti.
Ano bang problema niya?!
Bigla siyang bumitaw doon. Kinuha agad ni Taehyung yung kamay ko at tinignan 'yon. Bakat na bakat yung mga kuko at daliri ni Lisa doon.
"Lisa ano bang problema mo?!" Inis na tanong sakanya ni Taehyung.
Nagulat kami ng bigla siyang tumawa.
Hindi...
Hindi siya si Lisa.
Tumayo ako sa kinauupuan ko.
"Lumayo kayo sakanya." Utos ko kila Jungkook at Hoseok.
"Bakit anong nangyayare?" Tanong ni Rose at napa tayo nadin siya.
"Hindi siya si Lisa." Sagot ko.
"Ano?!" Napasigaw na si Jisoo at napa tayo nadin.
Biglang tinakpan ni Lisa yung mag kabilang tenga niya gamit yung mga kamay niya.
Napa layo pa kami sakanya ng bigla siyang malakas na sumigaw habang tinatakpan yung tenga niya tapos ay nawala siya ng malay.
"Lisa!" Akmang lalapitan siya ni Jungkook.
"Jungkook wag." Madiin na sabi ni Jin.
"Pero si--"
"Basta wag kayong lumapit sakanya!" Sigaw ni Jin.
Lahat kami naka tingin kay Lisa na naka bagsak yung ulo sa lamesa at walang malay.
Lumapit ako sakanya.
"Jennie!" Sigaw ni Taehyung.
Sinenyasan ko siyang wag mag salita at saka ako lumapit kay Lisa.
Dahan dahan kong inangat yung ulo ni Lisa pero bahagya akong napa layo ng makita kong dilat na dilat yung mga mata niya.
Hindi nako nakalayo pa dahil tumayo siya at hinila ako saka ako sinakal.
Hindi ako maka hinga dahil sa sakal niya naka tingin ako sakanya na naka ngiti sakin nakita ko sa mga mata niya na hindi si Lisa iyon nakita ko na siya yung babae... Siya si Bea.
Jennie, feeling ko sumanib siya sakin..
Pumasok sa isip ko yung boses ni Lisa ng sabihin niya yon.
Naramdaman ko na nilayo nila sakin si Lisa at naramdaman ko nalang na niyakap na ko ni Taehyung.
Nag hahabol ako ng hininga.
"Sinabi ko naman sayong wag kang lumapit." Sabi niya habang naka yakap.
Kahit hindi ko nakikita si Lisa dahil naka yakap sakin si Taehyung ay naririnig ko yung pag wawala ni Lisa.
"Ate Jennie! Ate Jennie balik kana sakin! Ate sige na!" Yun ang sinisigaw niya. Kumawala ako sa yakap ni Taehyung at tinignan siya. Nakita kong pilit niya akong inaabot. Pero nakahawak si Jimin at Jungkook sakanya.
Nabaling ang atensyon ko kila Jin na nag sisigawan.
"Jisoo ano ba kasing ginawa niyo?!" Sigaw niya kay Jisoo.
"Wala kaming ginagawa!" Sigaw ni Rose.
"Eh kung wala kayong ginawa bakit nag kakaganyan yung kaibigan natin?!" Sigaw niya at turo kay Lisa na nag wawala.
"Jin, tama na yan." Pag aawat ni Namjoon.
"Isa ka pa eh!" Sigaw ni Jin at sinuntok si Namjoon. Tumakbo agad doon si Taehyung sabay awat kay Jin.
Inawat naman ni Yoongi at Hoseok si Namjoon ng akmang gagantihan si Jin.
Lumapit ako sakanila ng makita kong pinapatahan ni Rose si Jisoo na umiiyak..
"Shh, tahan na wala kang kasalanan." Pag papatahan ni Rose.
Napa tingin ako sa gawi nila Taehyung at nag sisigawan na sila.
"Ikaw naman may pakana kung bakit tayo nandito dito?!" Sigaw ni Jin.
"Hyung tama na!" Inis na sigaw ni Taehyung sakanya.
Napapapikit ako kasi sobrang gulo na ng lahat. Napa tingin naman ako sa gawi ni Lisa at sa tingin ko natauhan na siya kasi kinakausap na siya nila Jungkook.
Pumunta ako kila Jin para awtin sila.
"Ano ba!" Malakas kong sigaw.
"Walang mapapala yang pag aaway nyo!"
"Kita nyo na ngang may nangyayari nang masama sa isa saatin tapos nag aaway pa kayo?!"
"Imbes na tumulong kayo lalo niyong pinapalala yung sitwasyon!" Sigaw ko pa.
Lumapit ako kay Lisa at lumuhod para mag kapantay kami.
"Lisa okay ka--"
Hindi ko natuloy yung sasabihin ko ng bigla niya kong yakapin.
"I'm sorry Jennie... Sorry... Sorry..." Sabi niya..
Hinahaplos ko lang yung likod niya.
"Alam kong hindi ikaw 'yon at alam kong hindi mo gagawin 'yon kaya wala kang kasalanan." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
WHISTLE (BTS X BLACKPINK FF)
HorrorJennie Kim. Is not the type of girl that can easily get your attention. But when she does. You're gonna have to whistle for help. Highest rank achieved: #12 in Horror 6.2.17