Jennie's POV
"Oo."
Bigla tuloy akong kinabahan.
"Sige na Jennie, puntahan mo na siya." Sabi pa saakin ni Lisa.
"Pero pano yung mga klase?" Nag aalangan na tanong ko sakanya.
"Ako nang bahala doon." Sabi ni Lisa.
Tumayo na ako at kinuha yung bag ko tapos ay napatingin kila Jungkook at Namjoon.
"Guys, aalis lang ako." Paalam ko sakanila. Nakita ko na kahit nag aalala sila at gusto nilang mag tanong ay tumango nalang sila.
Umalis na ako doon. Wag niyo nang tanungin kung paano ako naka takas sa school basta ang alam ko lang ay tumatakbo na ako at pupuntahan ko si Taehyung.
Nang medyo makalayo na ako sa school ay nag hanap na ko ng taxi na masasakyan para maka punta na sa condo niya.
Hindi ako mapakali lalo na ng biglang mag traffic..
Aish! Ayun na oh! Nakikita ko na yung condo! Bakit nag traffic pa?!
Sa sobrang pag kawala ko ng pasensya ay binuksan ko yung pinto ng taxi at tumakbo na papunta sa condo.
Habang tumatakbo ako ay may narinig pa kong mga sasakyan na nag bubusina at kung ano ano pa.
Pag katapat ko sa building ng condo ay tumigil muna ako sa pag takbo ay napa hawak sa tuhod ko at nag habol ng hininga.
Tapos noon ay tumakbo na uli ako at dumiretsyo sa elevator.
Pag bukas noon ay maraming taong naka sakay kaya medyo nainis din ako kasi hindi na talaga ako maka pasok kasi halos siksikan sila.
No choice ako kasi hindi naman ganon kadami yung elevator dito kaya nag hagdan nalang ako.
Takbo ako ng takbo at nag pahinga muna ako pero nasa 3rd floor lang papala ako!
Aish!
Inisip ko nalang na kailangan ako ni Taehyung kaya tumakbo nalang uli ako.
Pag katapos ng ilang takbo pa ay naka rating nadin ako sa floor kung asan yung room ni Taehyung.
Nag lakad nalang ako at hinanap yung mismong kwarto niya.
Naka hinga ako ng maluwag ng maka tapat ko na yon.
Nag doorbell ako pero wala. Usually tuwing pumupunta ako dito ay isang pindot ko palang ay bubuksan na niya.
Triny kong kumatok nalang.
"Taehyung." Tawag ko dito mula sa labas.
Kinuha ko na yung phone ko at tinawagan na siya.
"Sagutin mo naman." Bulong ko dahil nakakarami na yung ring at hindi pa niya sinasagot.
Napa buntong hininga uli ako at binalik yung phone ko sa bulsa at triny na buksan yung pinto niya.
Medyo nagulat ako at the same time ay naguluhan dahil nabuksan ko 'yon.
"T-taehyung?" Tawag ko ng maka pasok ako at sinara yung pinto.
Parang ang tahimik naman.. Asan siya?
Habang nag lalakad ako papasok ay nagulat ako ng may makita ako na mga bote sa table.
Yung iba nakakalat sa sahig at yung iba basag.
Naka rinig ako ng ingay na parang umuubo.
"Taehyung?" Tawag ko uli.
Medyo nag lakad pa ako papunta sa may bandang kwarto niya kasi napansin ko na nakabukas yung pinto niya.
Nakita ko siyang nakahiga sa may kama habang tinatakpan ng isa niyang kamay yung mukha niya habang yung isa naman niyang kamay ay may hawak ng bote.
Umiinom siya?
"Taehyung?!" Medyo pasigaw na tawag ko sakanya.
Lumapit ako sakanya at kinuha yung bote sa kamay niya kaya napatingin na siya sakin.
"Taehyung ano ba 'to?!" Sigaw ko sakanya.
Napa upo na siya sa pag kakahiga niya at tinignan ako.
Nakita ko na biglang sumama yung tingin niya sakin kaya medyo kinabahan ako.
"Anong ginagawa mo dito?!" Sigaw niya.
"Pinuntahan kita dito kasi nag aalala ako sayo! Hindi ka pumapasok tapos nakita ko na nandito ka umiinom?!" Sigaw ko sakanya.
Umalis siya sa kama at tumayo at lumabas ng kwarto.
"Taehyung!" Sigaw ko.
"Taehyung kina kausap kita!" Sigaw ko uli ng hindi niya ako pansinin.
Umupo siya sa may sofa at kumuha ng panibagong bote at ininom 'yon.
Nainis ako lalo sakanya. Bakit ba siya nag kakaganito?!
Matagal na nga kaming hindi nag kikita tapos ganito pa siya?!
Lumapit ako sakanya at kinuha yung bote na iniinom niya.
"Puta! Jennie naman!" Galit na sigaw niya ng maagaw ko yung bote.
"Taehyung tama na, hindi na ko natutuwa." Seryosong sabi ko sakanya.
Nakita kong nairita siya sakin dahil napa sabunot siya sa buhok niya.
Bahagya akong napa layo at nagulat ng bigla nyang tabigin lahat ng bote sa table kaya lahat iyon nabasag ng matumba.
"Taehyung! Tama na sabi eh!" Sigaw ko.
"HINDI KA NA NATUTUWA?! PAGOD KANA?! EDI UMALIS KANA! UMALIS KANA SA BUHAY KO!" Sigaw niya sakin.
Habang sinisigawan niya ako naka ramdam ako ng mga luha na malapit ng tumakas sa mata ko.
Nilagpasan niya ako pero hindi pa ako pagod.
Hindi pa ko pagod na kalabanin siya kaya hinawakan ko yung braso niya at tinapat sakin.
Hangga't kaya ko kakalabanin ko siya para lang magising siya sa katotohanan at lumaban din.
Hindi ganito yung Taehyung na nakilala at minahal ko..
"Taehyung please.." Mahina kong sabi.
"Hindi ba pagod kana? Umalis ka na. Nandyan lang naman yung pinto oh." Sabi niya sabay turo sa may pinto.
"Taehyung ano bang nangyayare sayo?" Tanong ko.
Mahina siyang natawa.
"Ikaw dapat ang tinatanong ko niyang Jennie. Ano bang nangyayare sayo? Ng dahil sayo kaya ako nag kakaganito. Ng dahil sayo kaya tayo nag kakaganito." Naramdaman ko na yung mga luha ko.
"Taehyu--"
"Umalis ka na lang."
"Taehyung hindi mo ko naiintindihan." Naririnig ko na yung pag ka wala sa tono ng boses ko.
"Umalis ka na."
BINABASA MO ANG
WHISTLE (BTS X BLACKPINK FF)
TerrorJennie Kim. Is not the type of girl that can easily get your attention. But when she does. You're gonna have to whistle for help. Highest rank achieved: #12 in Horror 6.2.17