Bea's POV
"Wala ba talagang tigil yang ulan na yan?" Sabi sakin ni Fiona habang naka break kami dito sa auditorium.
"Ewan.." Yun nalang ang nasagot ko dahil matagal nadin akong hindi nakakatulog ng maayos dahil puro kulog tuwing gabi tapos matagal na din ako hindi nakaka kita ng araw..
"Ay, may bago nga palang kanta." Sabi niya saakin bago binigay ang isang papel at naka sulat doon ang tune kung pano ko iyon ipapiano.
Madalas nadin ako sumabay kay kuya, madalas nadin ako hindi sumabay kela Jin dahil kasama ko sila Fiona pero pansin ko ay nilalayuan niya ako kasi tuwing mag kaclassmate kaming dalawa hindi na siya lumilipat ng upuan sa tabi ko.
Lagi na siya tahimik sa gilid at nag susulat ng notes.. Naalala ko na naman yung sinabi ni Jisoo nung isang araw..
'Kasi hindi ka niya kasama.. Kasi kasama mo si kuya Jeb..'
***
Jisoo's POV
"Jisoo." Tumingin ako kay Lisa ng bigla niya akong tawagin. Hindi ako nag salita at hinintay lang ang sasabihin niya.
Ngumuso siya sa may bandang harapan ko at nakita ko doon si kuya na sobrang sama ng aura at nag lalakad patungo saamin.
Malakas niyang nilapag yung bag niya sa table kaya medyo nagulat ako sa ginawa niya. Nakakatakot siyang tignan at parang ayoko na siyang tignan sa sobrang sama ng mood niya ngayon.
"Hyung, may problema ba--" Hindi natuloy ni Jungkook yung sasabihin niya ng tignan siya nito ng masama kaya natikom ang bibig niya.
Bigla nabaling ang masamang tingin niya sakin kaya bigla akong pinag pawisan at kinabahan. Hindi ko pa nakikitang ganyan kasama ang tingin sakin ni kuya, imbes na lang kung may magawa akong masama.
"Ikaw! Kasalanan mo kung bakit hindi niya ako kasama ngayon! Kasalanan niyong lahat! Wala kayong kwenta!" Sigaw niya at napatayo tapos ay hinampas yung table.
Napapansin nadin kami ng ibang estudyante kaya nakaramdam ako ng hiya pero lalo akong nasaktan sa mga sinabi niya.
Napatayo nadin ako ay naramdaman ko yung luha na tumulo sa mga mata ko.
"Ginawa ko lang naman yon dahil ayokong masaktan ka! Ginawa ko lang naman yon dahil ayokong umasa ka sa babaeng alam mo na naman na hindi ka mamahalin pabalik! Ginawa ko lang naman yon dahil may pakealam ako sa nararamdaman mo kuya! Kasi kuya kita! Ayokong nakikitang nasasaktan ang kapatid ko kaya ko yun nagawa!" Sigaw ko sakanya.
Wala na kong pake kung pinag titinginan na kami ng mga tao. Wala na akong pake kung hindi ko man mapunasan ang mga luha na patuloy na bumabaksak sa mga mata ko basta malabas ko lang ang gusto kong iparating para malaman niya at matauhan siya.
"Jisoo tama na--" Natigilan si Rose ng bigla kong alisin yung kamay niya na nasa balikat ko.
Walang oras para kumalma ngayon.
Natuon ang pansin sakin ni kuya bago lalong sumama ang tingin niya na para bang pinalala ko lang ang lahat.
"Hindi mo ko naiintindihan Jisoo! Wag na wag kang mangengealam lalo na kung hindi mo naman alam ang rason ko! Pag sisisihan mo din 'to!" Sigaw niya bago niya marahas na kinuha yung bag niya at padabog na umalis sa harap namin.
"Hyung!" Sigaw ni Hoseok pero hindi siya pinansin nito.
"Jisoo, kumalma ka na muna plea--" Hindi nadin natuloy ni Lisa ang sasabihin niya ng kinuha ko nadin ang bag ko at umalis doon.
Sa pag kakataon na iyon ay nagawa ko nang punasan ang mga luha ko.
***
Bea's POV
"Bibilihan lang kita ng lunch natin." Pag papaalam sakin ni Fiona bago sumama sa mga ka choir niya at pumunta ng canteen.
Ng makaalis na sila ay kinuha ko yung phone ko para sana tawagan si Jeb at alamin kung nag lulunch na ba siya pero naisipan ko na wag na lang.
Siguro mamaya ay nandito narin siya.
Umupo nalang uli ako sa tapat ng piano at prinactice yung bagong tune ng kanta.
Natigilan ako ng magkamali ako kaya napailing ako at pinatugtog nalang uli iyon mula sa simula.
Malapit ko na sanang matapos yung kanya ang kaso lang ay nag kamali uli ako kaya napa sapo ako sa noo ko.
Hahawakan ko na sana uli ang piano ng matuon ang pansin ko sa pinto ng auditorium ng bigla itong bumukas kaya lumikha ito ng ingay.
Napatayo ako ng makita ko si Jisoo. Anong ginagawa niya dito?
Sinunsundan ko lang siya ng tingin habang papunta siya saakin dito sa stage pero nagulat ako ng bigla niyang hilain ang buhok ko kaya kamuntik na akong mabuwal sa sahig.
Itinapat niya ang mukha ko sa mukha niya habang hawak hawak niya yung buhok ko.
"Kasalanan mo 'to! Kasalanan mo 'to dahil nag kakaganito si kuya dahil nilalayuan mo siya!" Nakakabingi niyang sigaw tapos ay tinulak ako sa sahig dahilan para masubsob ako doon.
Hindi ako maka galawa dahil sa sobrang gulat ko sa ginawa niya at nanginginig nadin ako.
Nung una sinabihan niya akong layuan ko ang kuya niya, tapos ngayon sisisihin niya ko at kasalanan ko daw kung bakit ko nilayuan si Jin?!
Ano ba talagang problema niya?
Tinignan ko siya ng masama na naka tayo padin sa harap ko sawang sawa na kong mag panggap na ok lang. Sawang sawa na kong maging mabait.
Kung ganito ang inaakto niya saakin dapat pa ba akong maging mabait sakanya?
Tumayo ako kahit nanginginig yung mga tuhod ko. Ngayon palang ako makipag away sa school dahil hindi ko iyon ginagawa sa mga nakaraan kong school year at sa tingin ko siya ang kauna unahan kong makakaaway.
BINABASA MO ANG
WHISTLE (BTS X BLACKPINK FF)
TerrorJennie Kim. Is not the type of girl that can easily get your attention. But when she does. You're gonna have to whistle for help. Highest rank achieved: #12 in Horror 6.2.17