47💀

1K 46 23
                                    

Jennie's POV

Pupuntahan ko sana si Taehyung pero nawalan na ako ng gana kaya nag pasya na lang ako na umuwi.

Pag kapasok ko ay tahimik lang yung bahay, naka sara nadin yung mga ilaw... Siguro natutulog na si mama..

Binuksan ko yung phone ko kaya kahit papaano ay iyon ang nag silbing ilaw sa dinadaanan ko.

Dahan dahan akong umakyat at dumiretsyo sa kwarto ko.

Pag kapasok ko doon ay agad kong binuksan yung ilaw at humiga sa kama.

Nakakapagod naman..

Tinatry ko na ngang iresulba yung mga buhay ng kaibigan natin pero bakit... Bakit ganyan ka?

Tinignan ko uli yung phone ko at wala pa din siyang text.

Nag pasya nalang ako na icharge yung phone ko tapos ay pumasok na ng banyo para maka pag palit at mapakapag ayos.

Pag katapos kong maligo ay nakaramdam ako ng gutom kaya bumaba ako at pumunta sa kusina.

Kinapa ko yung pader at hinananap yung switch ng ilaw ng maramdaman ko yon ay binuksan ko yung ilaw doon.

Pumasok ako doon at nag hanap ng pagkain sa ref.

"Naka uwi kana pala." Naka rinig ako ng boses kaya napatingin ako doon.

"Opo, ma." Sagot ko at may kinuha na pag kain doon.

Nilapag ko yun sa may counter, bubuksan ko na sana kaso may narinig akong ingay sa may bandang likod ko.

Napa tingin ako doon, lumingon ako at hinanap si mama pero umakyat na ata siya.

Napa balik ang atensyon ko sa pagkain na bubuksan ko na sana pero nagulat ako ng nakabukas na yon.

Napa kamot ako sa ulo kahit na kinakabahan ako. Ayoko mag isip ng kung ano-ano gabi na, pagod na ako.

Kumuha nalang ako ng kutsara sa may bandang lamesa at bumalik na sa pagkain ko.

Pagkatingin ko doon ay nabitawan ko agad yung kutsara at sa tingin ko nag hahabol na naman ako ng hininga.

Sinabi ko nang pagod na ko pero bakit parang gusto parin niyang makipag laro at nananakot pa siya.

May nakita akong kutsilyo sa tabi ng pagkain ko.

Anong ginagawa niyang doon?

Dahan dahan akong lumapit doon at kinuha 'yon. Tinignan ko yon at nakita ko yung repleksyon ko doon.

Kinikilabutan ako sa kutsilyo kaya nilagay ko nalang uli iyon sa dating niyang pwesto.

Kinuha ko yung kutsara na nahulog tapos ay kinuha ko na yung pagkain ko at lumabas na ng kusina.

Pinatay ko na din yung ilaw kaya madilim na uli pero buti nalang ay may onting ilaw na ng gagaling sa kwarto ko.

Umakyat na ako at napasilip sa kwarto ni mama pero naka sara yung pinto doon kaya nag kibit balikat nalang ako.

Nag lakad ako papunta sa kwarto ko pero natigilan ako sa harap ng kwarto ni kuya..

Tumingin ako doon kasi naka bukas yung pintuan noon. Napakunot yung noo ko.. Hindi naman namin binubuksan yung kwarto ni kuya at naka lock yan pero bakit naka bukas 'yon?

Napa tingin ako sa paligid ko at napa tingin din ako sa may hagdan na madilim sa baba.

Pumasok ako sa kwarto ko at nilapag yung pagkain sa maliit na table tapos ay bumalik sa kwarto ni kuya.

Sumilip ako sa loob pero madilim lang doon kaya nag pasya ako na isara nalang 'yon, tapos ay bumalik na uli ako ng kwarto.

Napa upo ako sa kama at kinuha yung pag kain ko tapos ay kumain nalang.

Nakakailang subo palang ako at narinig ko na tumunog yung phone ko na nag chacharge.

Kinuha ko 'yon dahil baka si Taehyung iyon pero nag kamali ako.

Nanlaki yung mata ko at natigilan ako at nababa ko bigla yung kutsara na isusubo ko na sana ng mabasa ko yung message.

'Bakit mo sinara yung pinto?'

Dadan dahan akong napa tingin sa labas.

Naka bukas yung pintuan ko at katapat ko lang din yung kwarto ni kuya kaya kahit dito ay kitang kita ko yung pinto.

Dahan dahan yung bumukas na para bang ginagalaw yon ng hangin..

Mula dito rinig na rinig ko yung tunog ng pag bukas ng pinto..

Ng mabuksan na 'yon ay saka ko nakita yung kama ni kuya sa loob ng kwarto kaya medyo kinabahan ako.

Anong nangyayare?

Kahit na ng hihina ako ay sinubukan ko padin tumayo...

Lumapit ako pintuan ko at dahan dahan na sinara 'yon..

Hindi ko pa man tuluyan nasasara ay sumilip ako sa naka bukas na pinto ng kwarto niya..

Pumasok ba siya?

Nagulat ako bigla at mabilis na naisara yung pinto ng kwarto ko ng bigla nalang din mag sara yung pinto ng kwarto ni kuya.

"No.." Bulong ko sa sarili ko at napasandal sa pintuan at napahawak sa dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Ng makakuha na ako ng sapat na hangin ay tumayon uli ako at naupo sa kama.

Tinignan ko yung pagkain ko bago ko ito nilagay nalang sa maliit na table.

Nawalan ako ng gana.

Kaso..

Tumunog uli yung phone ko..

Natuon ang pansin ko doon at umiilaw 'yon na para bang hinihintay ako na sagutin 'yon.

Ilang beses ko nang nasabi sa sarili ko na 'wag mong sasagutin.' Pero wala din lang yon..

Nanginginig yung kamay ko habang inaabot ko 'yon.

Napapikit ako ng makita ko kung sino 'yon.

Taehyung...

Dali dali kong kinuha 'yon para maka usap siya.

"Hello? Taehyung?" Sagod ko.

"Jennie." Tawag niya saakin.

"Oh? Okay ka lang ba?" Tanong ko dahil parang mas lalong lumalim yung boses niya.

Tahimik lang yung kabilang linya hanggang sa mag salita na uli siya pero kakaiba na talaga yung boses niya ng marinig ko 'yon.

"Bakit mo sinara yung pinto?"

WHISTLE (BTS X BLACKPINK FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon