70👻

1K 30 2
                                    

Bea's POV

"Sagutin mooo." Bored kong sabi habang patuloy na tinatawagan si Jeb. Pag sinasabing cannot be reach. Tinatawagan ko parin. May problema ba yun? May sakit na naman ba yung kapatid niya?

Napatingin ako sa gawi ni Fiona na kinakausap yung mga ka choir niya.

Alam niya kung gaano ko kamahal ang pag papatugtog sa piano pero dahil lang sa event na hindi siya makakapag perform magiging ganito kami?

Siya ang unang bestfriend ko dito since bago palang ako dito sa school pero since kaninang umaga parang hindi manlang niya ako kilala.  Triny ko siyang kausapin, triny kong mag sorry pero parang ayaw na niya talaga.

Ganoon naba siya kadaling sumuko sa pagkakaibigan namin? Hayst.

Napanguso ako ng hindi na naman siya sumagot.

"Ano bang problema mo?" Kausap ko uli sa sarili ko habang sinusubukan uli na tawagan siya kaso ay may tumawag sa pangalan ko.

Akala ko si Fiona pero hindi.. Si Jin.

"Oh Jin!" Masaya kong sabi, ayokong mahawa siya sa kalungkutan ko ngayong araw.

"Hi." Bati niya. Medyo awkward dahil matagal tagal nadin kaming hindi nag uusap kasi nga parang umiiwas siya tapos nangyari pa yung saaming dalawa ni Jisoo.

"Uhm.. Pwede mo ba akong sabayan mag lunch? Wala kasi akong kasabay eh." Nahihiya niyang sabi at pasimple pang napakamot sa batok niya.

Tumingin muna ako sa phone ko bago uli ako tumingin sa gawi ni Fiona bago ako uli tumingin sakanya.

"Sige." Masaya kong sabi. Tapos ay sumama na sakanya.

Habang kumakain kami ay madalas kaming nag kakatinginan kaya madalas kaming nag iiwas ng tingin. Ang awkward talaga.

"Bakit? May problema ba? May dumi ba ko--"

"Wala! Wala! Ok lang.." Pag puputol niya sa sinasabi ko ng mahuli ko siyang nakatingin na naman sakin.

Mahina akong natawa kasi ang cute niyang tignan.

"Try mo 'to oh." Sabi niya sabay lagay ng isang pag kain sa plato ko na galing sa baunan niya. Baon niya ata iyon.

Kinain ko iyon at biglang nanlaki ang mata ko.

"Hala! Ok kalang? Panget ba yung lasa? Hala sorry--"

"Ang sharap!" Bulol na sabi ko dahil may pagkain pa ko sa bibig. Bigla akong napatakip sa bibig dahil nakakahiya iyon.

Uminom ako ng tubig para makapag salita ng maayos.

"Sorry, ang sarap kasi. Ang galing sino nag luto?" Tanong ko.

"Ako." Sabi niya at naka ngiti.

"Weh?" Tanong ko pa dahil hindi ko naman alam na magaling pala siya mag luto.

"Oo." Tipid lang na sabi niya at kumain na uli. Namangha ako. Si kuya kasi di marunong mag luto, ni mag saing na nga lang nasusunog niya pa yung kanin. Tss.

Medyo nasiyahan ako ng lagyan niya uli ng baon niya yung plato ko.

"Thank you." Sabi ko at kumain na uli. Habang kumakain ako ay nilibot ko yung paningin ko at napako ang tingin ko sa isang table.

Nandoon sila Jisoo.. Nandoon din yung mga kaibigan ni Jin. Bakit hindi siya sumasabay sakanila?

Napatingin ako kay Jin ng tawagin niya uli ang pangalan ko.

"Hmm?" Sagot ko nalang at sumubo uli.

"Bea.. Gusto kita." Natigilan ako at pakiramdam ko bigla kong nalunok yung kinakain ko kaya nabilaukan ako.

Nakita kong nataranta din siya tapos ay inabutan ako ng tubig na agad ko namang kinuha at ininom.

"Sorry, nabigla ata kita." Sabi niya ng hindi manlang nakatingin sakin.

Pero teka.. Gusto niya ako? Pero.. May boyfriend na ko..

"Sorry, may boyfriend na ko--"

"Ok lang, hindi naman ako hahadlang sa relasyon niyo.." Mahina niyang sabi pero sapat na para marinig ko.

"Jin--"

"Jin, hindi kaba sasabay saamin?" Naputol ang sasabihin ko at napa tingin kaming dalawa ni Jin sa isang babae na sumulpot bigla. Si Rose.

Tinignan lang siya ni Jin.

"May kasabay na ako." Simple niyang sabi kaya napatingin saakin si Rose.

Napabuntong hininga siya bago niya ako irirapan dahilan para mapayuko ako. Nag sorry na ko ng isang araw pero.. Hayst.

"Hayaan mo na si Rose, ganyan talaga siya. Pag pasensyahan mo nalang." Sabi ni Jin at para bang sinusubukan niyang ibalik uli yung mood ko.

Nginitian ko nalang siya saka ko pinag patuloy ang pag kain ko.

***

Nag lalakad nalang ako mag isa papunta sa bahay, wala naman kasi si Jeb pati si Fiona.. Si Jin naman ay sinabing sumabay na ako sakanya pero nakita ko si Jisoo sa sasakyan niya kaya tumanggi nalang ako lalo na't alam parin namin yung nangyare sa auditorium at baka mas lumala pa iyon kaya hindi nalang ako sumabay.

Habang nag lalakad ako sa isang street ay natigilan ako sa pag lalakad ng may madapo sa paningin ko na isang babae...

Kahit na sa di kalayuan ay nakikilala ko parin siya, nakita ko niya siya isang beses pero kahit isang beses lang iyon ay natatandaan ko parin siya..

Pano ko ba naman makakalimutan ang kapatid ng boyfriend ko.. Uhm.. Ano nga uli pangalan nito? Jessica? Jenna? Je..Jennie!

Nakita ko si Jennie na pumasok sa isang bahay, pinapasok ata siya ng kasambahay..

Pero teka.. Hindi naman yan yung bahay nila.. Ang pag kakatanda ko ay hindi ko sila ka subdivision.. At alam ko din ang bahay nila dahil nga kapatid siya ng boyfriend ko...

Nag lakad ako patungo sa bahay at bahagyang napatingin sa loob dahil naiwang naka bukas yung gate nila...

Hindi ako nag pahalata na sumisilip ako kaya dahan dahan akong nag lakad.. May nakita akong batang nag lalaro kaya pinag masdan ko lang siya dito mula sa labas..

Biglang may lalakeng lumabas at pinuntahan siya.

"Tammy, tara na sa loob. Nandyam na si ate Jennie mo." Sabi nung lalake.

Napatingin ako sa lalake at... Siya yung isa sa mga kaibigan ni Jin! Teka! Taehyung?

"Sige kuya." Sagot nung batang babae saka siya tinulungan ni Taehyung na ligpitin yung mga laruan niya saka sila pumasok sa loob ng bahay.

Napatulala parin ako. Ano namang ginagawa ng kapatid ni Jeb sa bahay ng kaibigan ni Jin? Teka. Sila ba? Kung sila bakit hindi niya kasama ni Taehyung sa school?

Long distance relationship ba sila? Kaka start lang ba nila ng relasyon? Ay wait. Sila nga ba?

Eh? Bakit ko ba inaalam? Ano bang pake ko? Napa kamot nalang ako sa batok ko at nag simula ng maglakad uli..

WHISTLE (BTS X BLACKPINK FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon