9👻

2.3K 57 14
                                    

Jennie's POV

1 buwan na ang nakalipas matapos ang mga nangyare noong field trip namin...

Dalawang linggo din na banned ang school namin kaya wala kaming pasok.

Pero ngayon meron na...

"Jennie..." Napatingin ako sa tumawag sakin at nakita ko si Taehyung.

Pilit ko syang binigyan ng ngiti pero sa tingin ko na pansin nya na pilit lang 'yon...

"Babe..." Tawag nya uli sakin at umupo sa tabi ko.

Ihiniga ko yung ulo ko sa balikat nya habang sya hinahaplos lang yung buhok ko...

"Hanggang ngayon... Hanggang ngayon patuloy parin na bumabalik sa isipan ko yung mga mangyare noong field trip natin..." Sabi ko.

"Tapos na 'yon... Wala na tayong magagawa..." Sabi niya.

Hindi ko sya pinansin at pumikit nalang.

Late akong umuwi ngayon dahil marami kaming ginawa sa school kasi marami kaming kailangang habulin na mga lessons kasi graduating kami.

Dahil nga sa late na at gabing gabi na ay nag pasya ako na dumiretsyo nalang muna sa condo ko na malapit lang sa school.

Pag kapasok ko sa building ay dumiretsyo ako sa elevator.

Mag isa lang ako doon kaya kinuha ko yung phone ko at tinawagan si mama.

Nag paalam ako kay mama na hindi ako makaka uwi at sinabing dito muna ako sa condo ko.

Pag kababa ko ng phone ko ay saktong bumukas yung pinto ng elevator.

Napatingin ako sa labas. May nakita akong madilim na hallway at tanging yung ilaw lang ay ang nasa pinaka dulo ng hallway na 'yon.

Tinignan ko kung anong floor 'yon at napakunot ako ng walang numero ang naka lagay doon.

Napatingin uli ako sa hallway at nakita ko na may babaeng naka tayo sa dulo.

Bigla akong kinabahan dahil parang dahan dahan na syang lumalapit sa elevator.

Lalo akong kinabahan ng bigla syang tumakbo kaya napaatras ako ng onti.

Bago pa sya makapasok sa elevator ay bigla nalang 'yong sumara.

Nag simula kong habulin yung hininga ko sa sobrang kaba na nararamdamam ko.

Napansin ko din na pinag papawisan ako.

Bigla akong nagulat ng biglang tumigil yung elevator at nag biblink na yung ilaw.

Narinig ko yung biglang pag bukas ng elevator kaya lalo akong napa atras sa dulo ng elevator.

***

Jisoo's POV

Gabi na kami nakauwi kaya pag kadating namin ni kuya Jin sa bahay ay dumiretsyo ako sa kwarto ko at humiga sa sobrang pagod.

Pinipigilan ko yung antok ko dahil kailangan ko pang mag shower.

Dumiretsyo na ko sa banyo at tinaggal na yung mga damit ko.

Binuksan ko yung shower at napa pikit nalang habang may mga tubig na patuloy na bumababa sa katawan ko.

Mga ilang minuto din akong nanatili doon pero natigilan ako ng may marinig akong ingay mula sa labas.

Sinara ko muna yung shower at hinawi ng kaunti yung shower curtain para sumilip sa labas.

Pag kasilip ko doon ay wala namang katao tao pero napako yung tingin ko sa foset ng makita kong naka bukas 'yon.

Agad kong inabot yung towel ko at itinakip 'yon sa katawan ko tapos ay pinuntahan yung foset.

Tinignan ko 'yon at agad ko 'yong sinara.

Napatingin din ako sa salamin na katapat ko ngayon...

Pinag masdan ko yung sarili ko...

Napakunot ako ng may makita ako sa bandang kanan ng balikat ko...

Parang may kamay na nakahawak...

Napatingin at napahawak ako sa balikat ko pero walang nakahawak doon...

Baka guni guni ko lang 'yon.

Napatingin ako sa kaliwa ko ng marinig ko na bumukas yung shower.

Tuluyan ko nang hinawi yung shower curtain at napatakip ako sa bibig ko habang patuloy na umaatras sa nakikita ko ngayon.

May nakita akong babae na naliligo sa sarili nyang dugo...

Sa dugo....

Lalo akong kinabahan ng bigla syang tumingin sakin.

Sa sobrang kaba ko ay feeling ko mabubutas na yung dibdib ko at lalabas na yung puso ko.

Sa patuloy ko na pag atras ay napasigaw ako ng bigla akong matumba dahil basa yung sahig.

Dahan dahan syang lumapit sakin habang puno parin ng dugo yung katawan at mukha nya.

Ng makalapit sya sakin ay umupo sya sa harap ko para mag kaharap kami.

Napatingin ako sa gilid ko habang nakapikit para hindi ko na sya makita at para mawala na sya.

"AHHHH!!" Napasigaw na ko ng maramdaman ko yung kamay nya na dumapo sa mga pisngi ko.

"Jisoo..." Narinig ko na tawag nya sakin.

"Tama na!" Sigaw ko

"Jisoo..." Rinig na rinig ko yung boses nya na lalong nag pakaba sakin.

"Ayoko na please! Tama na!" Sigaw ko at may mga luha na tumulo sa mata ko.

"Jisoo!" May narinig ako sumigaw.

"Jisoo! What happened?!" Napadilat ako ng marinig ko yung boses ni kuya.

Bigla ko syang niyakap habang umiiyak parin.

"Ayoko na..." Sabi ko.

"It's okay Jisoo I'm here." Sabi sakin ni kuya.

WHISTLE (BTS X BLACKPINK FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon