55💀

1K 39 9
                                    

Bea's POV

"Trice!" Mula sa pag kakatingin ko sa notebook ko ay natuon ang pansin ko sa isang pamilyar na boses na tumawag sa aking pangalan.

Bahagya akong napa ngiti dahil kumakaway kaway pa siya sa di kalayuan saakin.

Kumayaw na din ako at hinintay siya na maka lapit saakin.

Bago siya umupo sa tabi ko ay may nilabas siya sa kanyang likuran na isang piraso ng bulaklak.

"Uhm... Sorry kung iyan lang ang mabibigay ko sayo... Pero.. Happy monthsary!" Bati niya saakin at umupo na sa tabi ko.

Napangiti ako tapos ay napatingin sa isang pirasong bulaklak at inamoy ito..

Ng maamoy ko na ang mabangong bulaklak na ito ay humarap ako sakanya at nginitian siya.

"Kahit na wala ka pang ibigay sakin tuwing monthsary natin, ikaw at ikaw lang ay sasaya na ako... Happy monthsary." Sabi ko.

Dahan dahan siyang lumapit saakin at hinalikan yung noo ko.

Parang dati lang noong una ko siyang nakita tapos ngayon monthsary na namin..

Nag lalakad ako papunta sa kung saan.. Ewan ko kung saan ako pupunta dahil bago palang ako sa paaralan na ito at hindi ko pa alam ang bawat sulok dito..

Dito ako pinag aral ni mama at papa since dito rin nag aaral ang kuya ko..

Nag lakad pa ko ng kaunti bago ko marating ang lugar kung saan ko gustong pumunta..

Binuksan ko yung locker ko tapos ay nag simula ng ilagay ang nga gamit ko sa loob.

"Uhm.. Miss?" Napa tingin ako sa lalaking nag salita sa mag gawing gilid ko.

"Sayo ba 'to?" Tanong niya sabay abot saakin ng isang papel.

Napa tingin pa ako sa paligid para masigurado kong ako talaga ang kinakausap niya.

Wala akong ibang nakitang tao bukod saamin dalawa kaya napa harap na uli ako saakanya.

"Ah oo. Salamat." Sabi ko at kinuha yung papel na hawak niya ng makita ko ang pangalan ko doon.

"Beatrice, tama?" Tanong niya saakin kaya natuon uli ang pansin ko sakanya.

Nginitian ko siya ng kaunti bago ako tumayo.

"Jebrin nga pala, Jeb nalang.. Bago ka ba dito?" Tanong niya.

Hindi ko alam ang sasagutin ko. Sabi kasi sakin nila mama wag makipag usap sa kung sino-sino, pero nag kipag kilala naman na siya so siguro ay ayos lang naman na.

Tumango nalang uli ako.

"Ah gusto mo samahan kita--"

"Hindi." May biglang sumulpot sa likod ko at pinutol ang sasabihin ni Jeb.

Aish kuya.

"Ah sige.. Okay lang.. Kita nalang uli tayo Bea.." Sabi niya sakin at napa tingin sa kuya ko at umalis na.

Ng maka siguro ako na umalis na talaga siya ay sinamaan ko ng tingin si Kuya tapos ay pinag patuloy ang pag lagay ko ng gamit ko sa locker at hindi siya pinansin.

"Ke bago bago mo palang dito eh." Biglang sabi ni Kuya at sumandal sa isang locker sa tabi ko.

"Walang namang masama na makipag kilala sa ibang tao." Sabi ko ng hindi manlang siya binibigyan ng tingin.

"Ayun? For sure liligawan ka non." Sabi ni kuya. Bigla nalang ako nakaramdam ng pag iinit sa pisngi ko.

"Teka namumula ka ba?!" Singhal sakin ni kuya kaya napa yuko ako para itago yung pamumula ng pisngi ko.

"Tch, masyado iykng mahiyain, hindi ka kayang ipag laban nun pustahan tayo." Sabi sakin ni Kuya at ngumisi.

Sinamaan ko uli siya ng tingin. Tch. Akala naman niya kilala na niya ng lubusan yung tao para husgahan siya ng ganoon.

"Isusumbong kita kila nanay at tatay." Sabi ni kuya at ngumisi uli.

Napa tingin ako sakanya at nginisian siya.

"Edi isumbong mo. Pustahan tayo baka kiligin pa nga si nanay pag nalaman niya eh. Kasi ako hindi ako masungit kaya madali akong mahalin hindi katulad mo na hanggang ngayon wala pang girlfriend!" Sambit ko sakanya bagk ko nilabas yung dila ko para maasar siya lalo.

"Bleh!" Sabi ko pa.

"Aba't--"

"Bye kuya Robi!" Sabi ko at tumakbo na at hindi na siya pinatapos sa pag sasalita niya.

"Trice." Nabalik ako sa realidad ng tawagin ako ni Jeb.

"Hmm?" Tanong ko.

"Sabi ko pag katapos ng school libre kita sa labas." Sabi niya. Ngumiti nalang uli ako at tumango.

"Bakit parang natulala ka nga pala kanina?" Tanong niya saakin.

Mahina akong natawa ng maalala ko yung iniisip ko kanina.

"Naalala ko dati noong una tayong nag kita.. Hindi pa nga boto sayo yung kuya ko noon eh." Pag kukwento ko sakanya.

Natawa din siya.

"Oo nga, pero ngayon kaibigan ko na siya.." Sabi niya sakin.

Nag tawanan kami ng dahil sa mga naiisip namin.

Habang tumatawa siya ay natuon ang pansin ko sa isang kumpol ng bulaklak na tinali sa pula na laso na nasa sahig lang.

Napa kunot ang noo ko. Bakit nasa sahig yon?

Sinuri ko ang paningin ko sa buong paligid at may nakita akong lalakeng tumatakbo papalayo sa kinauupuan namin ni Jeb.

Hindi ko na siya nakita at namukaan dahil tumakbo na siya papalayo.

Sino yun?

WHISTLE (BTS X BLACKPINK FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon