Jennie's POV
Binuksan ko na yung pinto pero ayaw mabuksan..
Naka lock ata..
"Jisoo." Sabi ko at sumilip sa maliit na bintana tapos ay kumalok ako.
Hindi niya ako pinansin.. Nakaupo lang siya sa may kama habang naka tulala.
"Jisoo." Sabi ko pa at kumalok uli para marinig niya ko.
Medyo nawala yung kaba ko ng mapatingin na siya sakin.
She smiled at me..
Ngumiti din ako pabalik at sinenyasan ko sakanya na buksan yung pinto dahil naka lock yon.
Parang wala siyang napansin dahil naka ngiti lang siya at binalik yung tingin niya sa harap.
"Jisoo." Tawag ko uli.
Ano bang problema nito?! Bakit ayaw akong pag buksan.
Triny ko uling buksan yon pero naka lock padin.
Nilock ba niya?
Napa tingin uli ako sa may maliit na bintana at nagulat ako ng inuumpog ni Jisoo yung likod ng ulo niya sa pader.
"Jisoo!" Sigaw ko at kinatok yung pinto kasi nilalakasan niya na yung pag umpog ng ulo niya.
"Jisoo wag! Itigil mo na yan!" Sigaw ko habang kinakatok ko ng paulit ulit yung pinto.
Baliw ba siya?!
Inuuntog niya yung likod ng ulo niya sa pader habang naka ngiti?!
"Jisoo!" Sigaw ko uli kasi lalo niya nilalakasan yung pag umpog yung tipong yuyuko siya tapos malakas na iuumpog yung ulo niya.
Lalo akong kinabahan.
"Jisoo ano ba?! Buksan mo 'tong pinto!" Sigaw ko.
Triny ko uli na pihitin yung door knob pero ayaw padin.
Napa tingin ako sa pinto at napag desisyunan ko na sipain iyon.
Medyo lumayo ako para maka kuha ng space tapos ay mabilis na lumapit uli at sinipa yung pinto.
Fck. Ayaw bumukas.
Napa tingin uli ako sa bintana at nanlaki yung mata ko ng..
Makita kong may dugo na yung pader kaka umpog ni Jisoo doon.
"Jisoo! Tama na!" Sigaw ko at hinampas hampas na yung pinto.
"Jisoo!" Sigaw ko at this time napa tingin na siya sakin..
Then she smiled... Again..
"What the heck?" Bulong ko sa sarili ko.
Pinag patuloy niya yung pag umpog sa pader! Shit! Dumudugo na yung ulo niya!
"Jisoo!" Sigaw ko.
May naramdaman ako humila saakin.
"Jennie?! What are you doing?!" Pasigaw na tanong sakin ni Jin.
"Si Jisoo!" Sigaw ko.
Napa kunot yung noo niya at tumingin sa maliit na bintana.
Nagulat ako ng bigla niyang nabuksan yung pinto.
Pero bakit...
Pumasok siya sa loob kaya sinundan ko lang siya.
Halos kumalabog uli yung dibdib ko ng makita ko si Jisoo..
Natutulog siya...
Walang dugo sa pader.
Shit.
"Ano bang sinisigaw mo doon sa labas?" Tanong niya saakin.
"Nakita ko kasi si Jisoo.. Gising na siya kanina.." Paliwanag ko.
Umupo si Jin sa tabi ng kama ni Jisoo at ganon din ako.
"Jennie, hindi pa siya nagigising..." Sabi ni Jin.
"Wait.. Ano?" Tanong ko.
"Oo hindi pa siya nagigising." Sabi niya.
"Pero kung..." Hindi ko matuloy tuloy yung sasabihin ko.. Parang may mali...
Kinuha ko agad yung phone ko at dinial yung number ni Lisa.
"Hello? Kamusta na si Jisoo?" Bungad agad niya saakin.
"Lisa may tanong ako.." Sabi ko at niloud speaker iyon para marinig din ni Jin.
"Ano yon?" Tanong niya.
"Diba ang sabi mo kausap mo si Jisoo kanina?" Tanong ko.
Nakita kong kumunot yung noo ni Jin. I don't blame him though sa tingin ko iisa lang ang nasa isip namin ngayon..
"Oo bakit?" Tanong niya.
Nag katinginan kami ni Jin tapos ay sabay na napa tingin kay Jisoo na mahimbing parin na natutulog.
"Lisa.. Hindi pa nagigising si Jisoo." Sagot ni Jin.
Wala akong narinig na sagot sa kabilang linya.
Ilang segundo pa ay sumagot na siya.
"Pero... Sino yung ka skype ko kanina?" Tanong samin ni Lisa.
"Ang tanong.. Si Jisoo nga ba 'yon?" Tanong ko.
Natahimik uli siya.. Natutulog si Jisoo dito pero may naka usap si Lisa na Jisoo kanina..
Nakita ko na gising si Jisoo sa labas pero pag pasok ko tulog siya..
Medyo kinakabahan ako kasi naaalala ko parin kung paano ako ngitian ni Jisoo..
Naalala ko tuloy yung sinabi sakin ni Robi nung isang araw sa sementeryo.
Hindi pa daw tapos ang laban..
Oo. Hindi pa nga..
Nag paparamdam na naman siya..
Medyo nailang ako dahil may biglang pumasok sa isipan ko..
Kaya ba siya nag paparamdam dahil gusto na naman niyang may mamatay?
Bakit?
Gusto na naman ba niyang makakita ng dugo?
Sa tingin ko kailangan ko nang malaman agad kung ano ang dahilan ng pag patay niya sa mga kabigan ko at kung sino ang pumatay sakanya..
Para matahimik na siya..
Nag sisimula na naman eh..
BINABASA MO ANG
WHISTLE (BTS X BLACKPINK FF)
HorrorJennie Kim. Is not the type of girl that can easily get your attention. But when she does. You're gonna have to whistle for help. Highest rank achieved: #12 in Horror 6.2.17