38💀

1K 42 30
                                    

Jennie's POV

Ewan ko pero parang naiiyak ako habang tumatakbo.

Ni hindi ko nga alam kung asan yung classroom niya.

Ni hindi ko nga alam kung asan siya hahanapin.

Naka rating ako sa second floor pero walang tao.

Puta asan na sila?!

Habang tumatakbo ako ay may nabangga ako kaya parehas kaming napa upo sa sahig sa sobrang lakas ng impact ng pag kakabangga namin.

"Jennie?" Tanong niya.

"Hoseok? Anong ginagawa mo dito bakit ka--"

Natigilan ako sa pag sasalita ng makita ko si Yoongi.

May hawak siyang baril na naka tutok kay Hoseok.

Shit!

Akala ko si Taehyung lang yung may baril, sila rin pala?!

"Yoongi ano bang ginagawa mo?!" Sigaw ko.

Hindi niya ako pinansin imbes ay naka tuon lang ang pansin niya kay Hoseok.

"Yoongi ano ba?!" Sigaw ko.

Hindi parin niya ako pinapansin.

Napa tingin ako kay Hoseok na nakaupo sa hindi kalayuan sakin.

Nag tititigan lang sila ni Yoongi at pinag papawisan din siya habang nag hahabol ng hininga.

Kaya ba siya tumatakbo.

Kaya ba kami nag banggaan?

Dahil kay Yoongi?

Ano bang problema nito?!

"Yoo--" Hindi natuloy ni Hoseok yung sinasabi niya ng mag salita si Yoongi.

"Bakit mo finorward sakin?" Tanong niya.

Teka..

Ano?

Oo ayaw kong mamatay si Hoseok pero.. Bakit niya finorward kay Yoongi?

"Bro, hindi ko--"

"YOONGI!" Sigaw ko at umiwas ng tingin dahil sa ginawa niya..

Shit no..

Sana panaginip lang 'to..

Sana hindi ako nandito..

Alam kong kaibigan ni Yoongi si Hoseok..

Pero..

Argh!

"Yoongi ano ba!" Sigaw ko sakanya at naramdaman kong tumulo na yung mga luha sa mata ko lalo ng makita ko na wala ng malay si Hoseok.

"Nababaliw ka na--" Hindi ko natuloy yung sasabihin ko ng bigla din niyang itutok yung baril saakin.

"Hindi moko naiintindihan Jennie! Kasi wala kang alam!" Sigaw niya at lumapit sakin kaya napapalayo ako kahit na naka upo lang ako.

"Yoongi... Tama na please... Wag mo 'tong gawin.." Sabi ko habang umiiyak.

Taehyung... Asan kana?

"Hindi mo ba alam na pag finorward yung message na 'yon ay yung receiver ang mamamatay?" Tanong niya sakin.

Hindi ako umimik at naka tingin lang ako sakanya.

"Iisang bala na lang 'to Jennie.." Sabi niya sakin.

Lalo akong kinabahan hindi dahil naka tutok yung baril niya sakin kundi..

Nag iiba ang kulay ng mata niya..

Nagiging pure white na 'yon..

Shit, sinasapiaan ba siya..

"Bakit kasi kailangan mo pang alamin ang lahat?! Ng dahil sayo bumabalik lahat ng nangyare dati!" Sigaw niya sakin.

"Jennie... Wala kang alam.." Sabi niya pagkatapos ay kinalabit yung kung ano man na nasa baril.

Pero alam ko..

Alam ko na isang tulak nalang...

Mababaril niya na ako..

"Goodbye Jennie.." Sabi niya sakin.

"Yoongi wag!" Sigaw ko at napa layo ng tingin sakanya.

Nakita kong tinutok niya yung baril sa may bandang ulo niya at pinaputukan 'yon kaya nag talsikan lahat ng dugo.

"Hindi..." Sabi ko habang humahagulhol.

Ngayon may dalawa na kong kasama na duguan...

Sila..

Sila ang sumunod kila Rose at Jimin..

Ang mas malala pa ay..

Parehas silang namatay sa iisang araw lang..

"Shit!" Napa tingin ako sa sumigaw at nakita kong si Taehyung iyon..

Naka tingin lang siya kila Yoongi at Hoseok na wala nang malay na nasa lapag.

Nakita kong napa awang ng kaunti yung bibig niya at may mga luha na nangingilig sa mata niya.

Agad siyang napa tingin sakin.

"Jennie!" Sabi niya tapos ay lumapit sakin.

"A-anong nangyare? May nangyari bang masama sayo?" Nanginginig niyang tanong.

Umiling ako habang umiiyak padin ako.

"Taehyung... Wala na sila.." Sabi ko.

Naramdaman ko naman na niyakap niya ako..

"Jennie, hindi ko talaga alam ang gagawi ko pag pati ikaw nawala sakin..." Sabi niya kaya lalo akong naiyak..

Napa tingin ako bigla sa wallckock na nandito lang sa may hallway..

2:24 p.m.

Eksaktong oras...

Kung kelan namatay si Jimin at Rose..

Ngayon.. Sila naman...

***

Naka tulala ako habang tinitignan ko sila Jisoo at Lisa na umiiyak..

Bakit parang...

Pakiramdam ko kasalanan ko na naman?

Bakit sobrang na apekto ako sa sinabi ni Yoongi?

Ng dahil sakin.. Bumabalik lahat ang nangyare sa dati?

Ano ibig niyang sabihin?

Inaalam ko lang namam kung sino ang pumatay sa kuya ko...

Hindi ko naman intensyon na mapunta sa ganito..

Dahil sa naiisip ko ay naiyak uli ako.

Bakit ba ayaw maubos ng luha?

Bakit kailangan nalang lagi akong naiiyak?

Feeling ko tuloy mahina ako...

WHISTLE (BTS X BLACKPINK FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon