62👻

976 42 2
                                    

Bea's POV

Ng matapos ang klase ay as usual agad akong pumupunta sa gate ng school at nakita ko siya doon.

"Tara na." Naka ngiti niyang sabi bago ako sumama sakanya papuntang parking lot dahil doon naka lagay ang kotse niya.

Pinag buksan niya ako ng pintuan bago siya umikot at umupo na din.

Nag simula na siyang mag drive kaso ay napa tigil siya kaya muntik na akong masubsob sa unahan.

"Bea, okay ka lang?" Tanong niya ng maka sandal na uli ako sa kinauupuan ko.

Tumango ako kahit na medyo nagulat ako sa bigla niyang pag preno, pero mas lalo akong nagulat ng bigla siyang lumapit saakin.

Hindi ako maka galaw literal akong natigilan sa kinauupuan ko na para bang matagal akong nasa freezer kaya nanigas ako.

"Seatbelt." Bulong niya sakin. Bago niya kalabitin yung nasa gilid ko at nilagyan ako ng seatbelt bago uli siya nag simulang mag drive.

Nakita ko na napatingin siya saakin at natawa ng makita niyang tulala padin ako sa ginawa niya. Kahit na hindi ako gumagalaw ay tumitibok ng sobrang bilis yung puso ko.

"Okay ka lang?" Tanong niya habang natatawa. Tumingin ako at binigyan siya ng pilit na smile kasi di ko parin expected yon. Ghad!

Habang nasa byahe kami ay naka tingin lang ako sa labas at pinag mamasdan yung araw na lumubog. Hapon na kasi ang uwian namin.

Kaya madalas medyo mga gabi na kami nakakauwi dahil hinahatid pa niya ako.

Ng malapit na kami sa bahay ay may nakita akong lalaking naka tayo sa labas kaya agad na nanlaki ang mata ko.

"Jin! Itigil mo yung sasakyan!" Napasigaw ako sa sobrang gulat.

"Ha?" Napa tingin pa siya saakin bago niya tigilin yung sasakyan. Binuksan ko yung pintuan at nilabas ang isa ko paa tapos ay kumapit sa may pinto bago ko sinuri yung buong paligid.

Wala akong nakitang bakas ni Jeb pero sure ako na nakita ko siyang naka tayo sa di kalayuan.

"Bea, pumasok kana sa loob." Sambit sakin ni Jin. Bahagya akong pumasok uli sa loob ng sasakyan at sinara yung pinto.

"Ano yun? Okay ka lang?" Tanong niya sakin.

Walang gana akong tumango kaya pinaandar nalang uli niya yung sasakyan.

Hindi ko na namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay dahil sa sobrang pag iisip ko na nakita ko si Jeb.

"Bea.. Nandito na tayo." Sabi ni Jin at tinapik pa ang balikat ko.

Nabalik ako sa realidad at napa tingin uli sa labas ng bintana at oo nga.

"Salamat sa pag hatid Jin.." Sabi ko.

"Ingat." Huling sambit niya bago uli ako halilan sa pisngi pag katapos ay bumaba na ako ng sasakyan.

Hinintay ko muna siya maka alis at kumaway pa bago ako pumasok ng bahay.

Naka ngiti akong pumasok sa bahay at naabutan ko na patay lahat ng ilaw except sa ilaw ng t.v. na naka bukas.

Nakita kong naka higa si kuya sa may Sofa habang nanunuod.

"Kuya naka uwi na ako." Sabi ko at lumapit sakanya.

Hindi man lang niya ako binalingan ng tingin at nanunuod lang ng tv kaya napakibit balikat nalang ako bago ako umakyat sa kwarto ko.

Pag ka dating ko sa loob ay nag palit na ako at naligo tapos ay nag suot ng pangbahay.

Pag labas ko sa banyo ay nakita kong umuulan sa labas at naka bukas yung bintana kaya lumapit ako doon at sinara iyon.

Pinag mamasdan ko yung bintana habang may mga tubig ulan na dumadaloy pababa doon.

Ang kaso ay lumagpas ang tingin ko sa labas ng bintana at lalo akong napa lapit doon ng may makita akong isang tao na naka tayo sa harap ng gate habang naka tingin siya dito sa may bintana ng kwarto ko.

Napahawak ako sa may bintana habang pinag mamasdan siyang basang basa dahil sa ulan.

"Jeb?" Hindi siguradong banggit ko sa pangalan niya dahil unting unting lumalabo yung labas ng bintana dahil sa ulan pero kahit papaano ay may nakikita padin ako sa labas.

Yumuko siya bago siya nag lakad papalayo.

Agad kong hinanap yung phone ko at nang mahanap ko yon ay tinawagan ko agad siya at lumapit uli sa bintana pero wala na akong nakitang tao sa labas.

"Bakit ayaw mong sumagot?" Nababaliw na tanong ko sa sarili ko dahil nakakailang ring na ay hindi parin siya sumagot.

Pinatay ko iyon at napakagat sa labi ko. Nag simula na uli akong mag isip ng kung ano-ano.

Katulad ng si Jeb ba talaga yon? Anong ginagawa niya doon? Papasok na ba siya bukas? Bakit di siya sumasagot? Busy parin ba siya?

Pero ng may maisip ako ay patuloy na yung umikot sa isipan ko at paniguradong hindi na naman ako makakatulog ng maayos.

Ayos lang ba siya?

WHISTLE (BTS X BLACKPINK FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon