26💀

1.3K 46 26
                                    

Jennie's POV

"Sa tingin ko alam ko na..." Napa tingin ako kay Jin.

Sino?

Bigla siyang tumigil kaya napatingin ako sa labas.

Maraming ambulansya, mga sasakyan ng pulis at madami ding tao.

"Anong nangyayare?" Rinig ko na sabi ni Hoseok sa likod...

Maraming tao ang nag kukumpulan sa harap ng isang buliding...

Anong nangyayare?

May patay ba?

"Hyung..." Rinig ko na sabi ni Taehyung...

"Oh?" Tanong ni Jin at tumingin sa rear mirror para tignan niya si Taehyung...

"Alam ko yang building na yan.." Sabi niya.

"May nag tatanong ba?" Malamig na sabi ni Yoongi.

"Tara na, paandarin mo na uli yung sasakyan." Rinig ko na sabi ni Jisoo.

"Hindi, Wait!" Sigaw ni Taehyung.

"Ano ba yon?" Tanong ni Lisa.

"Yan building na yan.. Dyan yung condo ni Jimin.." Natigilan kaming lahat...

"You're kidding right?" Tanong sakanya ni Namjoon.

"Hindi seryoso ako." Sabi ni Taehyung..

"Teka sa tingin ko kilala ko na din kung sino yang PJM na yan.." Sabi ni Jungkook...

"Park JiMin.."

Shit.

Agad kong binuksan yung pinto ng sasakyan at lumapit doon.

Narinig ko naman na sumunod din sila sakin.

"Excuse me." Sabi ko at pilit na pumupunta sa harap.

Nang may madatnan akong police tape ay dadaan na sana ako sa ilalim noon kaso may pulis na pumigil sakin..

"Sorry Ms. Bawal pong tumuloy." Sabi niya.

"Hindi niyo naiintindihan, kailangan kong mapuntahan si Jimin." Sabi ko at pilit na pumasok.

"Sorry po ms. Bawal po--" Natigilan yung pulis nang biglang dumating yung iba..

"Kaibigan kami.." Sabi ni Taehyung... No choice siya kaya pinapasok niya na kami..

Bawat lakad ko papalapit sa mga pulis at sa ibang tao ay may nakikita akong mga talsik ng dugo sa sahig.

Hindi ako nag dududa..

Alam kong siya yon..

Jimin...

Nang tuluyan na kong makalapit doon ay napa takip ako sa bibig ko.

Nakita ko si Jimin na naka higa sa lapag at may baha ng dugo sa paligid niya.

Naramdaman kong may yumakap sakin..

"Taehyung.. Wala na siya.." Sabi ko at humagulhol.

Nakita kong nag silapitan sila Yoongi, Hoseok, Jin at yung iba pa..

Habang si Jisoo ay umiiyak na din..

Habang naka yakap ako kay Taehyung ay may nakita akong babae na kasama sa mga nag kukumpulang tao...

Bea...

Napa yukom yung kamao ko.. Hindi ko man siya lubos na kilala ay ngayon palang galit na galit na ko sakanya..

Alam ko...

Alam kong siya ang gumawa nito...

Hindi pa ba siya na kuntento na napatay niya na ang isa sa mga kaibigan namin tapos ngayon papatay na naman siya...

Bigla siyang nawala ng maagaw ng atensyon ko ang isang pulis..

May kausap siya at napagtanto ko na..

Siya yon.

Siya na naman?! Nakita ko siya kanina sa Debut ni Fiona, ano na namang ginagawa niya dito?

Nakita kong napatingin siya sakin pero umiwas din agad siya ng tingin...

Kumalas ako sa pag kakayapak ni Taehyung at hinarap uli yung iba...

"Anong cause ng pag kamatay niya?" Tanong ni Jin sa isang pulis habang pinapatahan niya si Jisoo.

"Sir, tumalon ho siya mula rooftop pababa.." Sabi nung pulis..

Shit.

But when you look at me you'll go down...

Ngayon unti unti ko nang naiintindihan yung message..

***

Nandito kami ni Taehyung sa presinto habang yung iba ay ewan ko...

Pero alam kong kasama nila si Jimin..

"Ito yung cctv na nakuha sa condo.." Sabi samin nung pulis at hinarap samin yung laptop.

"10 ng gabi, nakita siyang lumabas ng condo unit niya.." Sabi nung pulis sabay turo sa may gilid ng screen..

Nakita ko nga doon si Jimin lumabas siya at sumakay siya ng elevator at umalis mismo sa condominium.

Teka, akala ko ba lasing siya?

At sa mga oras na yan.. Nasa debut party parin kami ni Fiona..

Tumingin ako kay Taehyung.

"Akala ko ba lasing siya?" Tanong ko sakanya.

"Lasing nga siya pero hindi ko alam kung bakit ganyan." Sagot niya sakin. Tapos ay nag patuloy na yung pulis.

"Makalipas ang isang oras.. 11 ng gabi, ay may nakita na pumasok sa loob ng unit niya." Sabi nung pulis
Tumingin ako sa laptop at nakita ko ngang may babaeng naka puti at naka lugay ang pumasok sa loob ng room niya..

"Jennie, naiisip mo ba ang naiisip ko?" Tanong sakin ni Taehyung..

"Hindi ko sure..." Sagot ko.

Ang dami kasing pumapasok sa isip ko..

Pero alam kong iniisip niya si Bea.

Nakita ko naman na nag fast forward yung cctv footage..

1 na ng gabi... Alam kong nasa byahe na kami niyan..

Nakita ko si Jimin na bumalik na at pumasok na sa condo niya...

"Pero hindi po ba nandoon parin yung babae sa loob?" Tanong ko sa pulis.

Umiling siya.

"Ng maka pasok si Mr. Park sa mismong room niya ay nakita yung babae na nasa rooftop na." Sabi nung pulis dahilan parang mag taasan ang balahibo ko..

Nag fast forward uli yon at isang oras ang naka lipas.. 2 na ng madaling araw..

Kumalabog yung dibdib ko ng makita ko si Jimin na lumabas ng kwarto niya..

Lalo akong kinabahan ng makita ko siya sa cctv ng rooftop.

Umiwas ako ng tingin dahil alam kong maiiyak ako ng makita kong tumalon na si Jimin pababa..

"Hindi lang yan.." Sabi niya saamin..

Zinoom in niya yung cctv na galing sa rooftop at pinakita samin.

"Bago tumalon si Mr. Park pababa ay may nakita na itim na anino na kasama niya sa rooftop.." Sabi nung pulis..

Itim na anino?

Alam ko na agad kung sino yon.

Walang duda...

Alam kong siya lang naman ang nakikipag laro saamin..

Beatrice..

Tumingin uli ako sa screen ng laptop..

Naka pause doon yung cctv pag katapos tumalon ni Jimin...

2:24 a.m.

WHISTLE (BTS X BLACKPINK FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon