Taehyung's POV
Nagising ako ng bigla ako naka rinig ng parang sumisigaw na ewan...
Napa tingin ako sa gilid ko kung nasaan si Jennie pero shit! Wala siya doon.
Napa bangon ako bigla at tinignan yung buong paligid.
Wala namang second flokr 'tong cabin na 'to at tabi tabi lang kaming natutulog pero asan na si Jennie?!
"TAEHYUNG!" Nagtaasan yung balahibo ko ng maka rinig uli ako ng sumisigaw.
Napa tingin ako sa pinto at pag kakaalam ko ay isinara namin yan pati yung mga bintana bago kami matulog pero bukas na bukas 'yon...
Lumapit ako kay Jin hyung sa hindi kalayuan na natutulog.
"Hyung, hyung." Gising ko sakanya.
"Taehyung, wag ngayon inaantok ako." Sagot niya.
Napa sabunot ako sa buhok ko.
Wala si Jennie sa tabi ko.
Wala siya sa loob ng cabin.
At naka bukas yung pinto.
Shit.
Kumuha ako ng flashlight at nag lakas loob na lumabas para hanapin si Jennie.
Pag kalabas ko ay parang nawalan ako ng pag asa dahil puro puno lang ang sumasalubong sa paningin ko.
Naka rinig uli ako ng sigaw, napapikit ako ng mariin bago ko sinundan iyon...
Sa loob ng mga puno...
"Jennie?" Tawag ko pero walang sumagot sakin.
Napa tingin ako sa taas at kitang kita ko dito yung liwanag at kabilugan ng buwan..
Napa tingin ako sa harap ko at doon tinapat yung flashlight ng may marinig akong kakaibang ingay...
Ngayon alam ko na..
Alam ko na, na hindi ako nag iisa..
May iba akong kasama.. Pakiramdam ko pinag mamasdan niya lang ako..
"Jennie." Tawag ko uli pero wala talagang sumasagot saakin.
Asan na ba siya?
Palayo na ko ng palayo sa cabin namin at paloob naman ako ng paloob sa mga nag tataasang puno..
Mga ilang minuto pa ay natigilan ako ng makita ko si Jennie.
Naka talikod lang siya at parang naka tulala siya na ewan.
"Jennie." Tawag ko sakanya pero hindi man lang siya umimik o lumingon.
Ilang segundo pa ay narinig ko siyang humagulhol.
Umiiyak siya.
Dahan dahan ko siyang nilapitan at bawat lapit ko ay naririnig ko siyang bumubulong..
"Wala kang alam..."
"Wala kang alam..."
"Wala kang alam..."
Triny kong hawakan yung balikat niya at iharap sakin kaso ay bigla siyang sumigaw.
"WALA KANG ALAM!" Sigaw niya at bigla nalang nahimatay.
"Jennie! Jennie!" Sabi ko ng masalo ko siyang ng bigla nalang siyang mawalang ng malay...
Triny ko siyang gisingin pero mukhang ayaw kaya napag isipan ko na buhatin nalang siya at bumalik na sa cabin namin.
Habang buhat buhat ko siya na pabalik ng cabin namin ay pakiramdam ko may naka sunod saamin.
May naririnig akong yapak ng mga paa mula sa likuran ko kaya bigla akong tumalikod.
Pero walang tao..
Pag ka harap ko ay muntik na kong mabuwal dahil sa gulat ng biglang sumulpot yung matandang lalake..
"Anong ginagawa niyo sa labas ng ganitong oras?!" Sigaw niya sakin.
"Ah.. Yung--" Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko ng bigla uli siyang mag salita.
"Bumalik na kayo! Dali! Hanggang sa maka balik kayo wag kang mag tangkang lumingon!" Madiin niyang sigaw saakin at itinaboy na ako kaya minadali ko nalang na maka punta sa cabin namin.
Kahit may naririnig pa akong ingay ay hindi ako lumilingon.
Napa tingin ako kay Jennie na buhat buhat ko.
Wala parin siyang malay..
***
Jennie's POV
Nagising ako at nakita kong lahat sila ay naka tingin lang sakin.
"Ba-bakit kayo naka tingin ng ganyan?" Tanong ko sakanila.
"Jennie, may natatandaan kaba sa nangyari kagabi?" Tanong sakin ni Namjoon.
Napa kunot yung noo ko...
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko pabalik sakanya.
"May sinabi samin si Taehyung... Nakita ka daw niya kagabi na nasa labas... Mag isa... Anong ginagawa mo doon?" Sabi ni Lisa.
Napa tingin ako bigla kay Taehyung na naka tingin din sakin.
Ilang segundo din kaming nag titigan at ramdam na ramdam ko yung pag aalala sa mga mata niya.
Napa buntong hininga ako saka ako yumuko.
"Ang pag kakatanda ko ay.. Nagising ako ng may marinig akong sumisigaw sa labas..." Paninimula ko.
"Sinundan ko yon at nang gagaling 'yon sa loob ng mga puno kaya sinundan ko 'yon..."
"Pagkatapos noon ay wala na kong maalala pa.." Sabi ko..
"Well that explains everything, uuwi na tayo." Sabi ni Jin.
Hindi na sila pumalag at kahit ako ay hindi rin..
Kitang kita ko sakanila yung pag aalala...
Hindi ko naman sila masisisi...
Wala talaga akong matatandaan sa mga nangyare kagabi..
BINABASA MO ANG
WHISTLE (BTS X BLACKPINK FF)
TerrorJennie Kim. Is not the type of girl that can easily get your attention. But when she does. You're gonna have to whistle for help. Highest rank achieved: #12 in Horror 6.2.17