Wait speech muna hahahaha..
So ayun na nga... Thank you at congrats dahil naka abot ka sa chapter na 'to kahit na nag skip ka o nag basa ka mula sa simula o ano basta!
Thank you narin sa lahat ng ng comment at nag vote dahil kung hindi dahil sa inyo hindi ako maiinspire na tapusin ang story na 'to.. (Kaway kaway mga peeps!)
Thank you kasi natiis niyo ang mga lame chapters up until dito sa dulo! Kahit na nadaanan mo lang itong story na 'to I love you at Thank you padin!
At.. Sa lahat ng nag babasa ng story na 'to I dedicate this to you! Alabyu!
I hope na sana nabigyan ko talaga kayo ng chills at mga goosebumps o kung ano pa man yan!
At for the last time Enjoy!🙌
Jennie's POV
Napabuntong hininga ako bago ako umupo sa damuhan sa tapat nilang dalawa.
Nilapag ko ang tig isang pirasong bulaklak sa tabi ng pangalan nila kuya at papa.
"Pa, graduate na po ako." Sabi ko.
Oo, graduation namin ngayon pero.. Hindi ako umattend.
Hindi ako umattend para kunin ang diploma ko.
Bakit ko pa kukunin ko wala din naman akong kasamang kumuha noon diba?
Wala na sila, dati pinag planuhan naming apat nila Jisoo na sabay sabay kaming aakyat sa stage para kunin yung diploma naming apat pero..
Iniwan nila ako..
Ang sakit..
"Proud na ba kayo saakin niyan?" Tanong ko at yumuko ng pakiramdam ko maiiyak na ako.
"Oo, Proud ako." Nagulat ako ng may biglang mag salita.
Napatingin ako sa kanilang dalawa pero imposible naman iyon.
"Jennie, anak." Napatingin ako sa gilid ko at nawala ang kaba ko ng makita kong si mama lang pala iyon.
Napangiti ako ng makita ko ang mama ko na naka toga habang hawak hawak niya ang diploma ko.
"Ano yan ma?" Tanong ko habang naka tingin sa toga na suot niya na dapat ako ang mag susuot.
Natawa si mama bago siya lumapit saakin, inabot niya saakin ang diploma ko at isinuot saakin yung sumbrero na tugma sa toga ko.
"Graduate na ang Jennie namin." Sabi ni mama ng maka upo siya sa tabi ko.
Inakbayan ako ni mama at inisandal ang ulo ko sa balikat niya.
"Proud ang kuya at papa mo sayo anak.. Alam ko.." Sabi ni mama na nag pangiti saakin.
Alam ni mama ang tungkol kay Jin at Jisoo at sa mga kaibigan ko pati narin yung pag kamatay ni kuya.
At.. Yung kay Taehyung..
Kahit na kahapon lang ang huli naming pag kikita ay ngayon palang gustong gusto ko na siyang yakapin..
Humiwalay sakin si mama at nginitian ako.
"Sununod ka nalang saakin pag natapos ka dito okay?"
Nginitian ko nalang siya at tumango na lamang bilang sagot bago siya tumayo at nag lakad na.
Nilapag ko yung diploma sa tabi ni kuya at papa.
"Para sainyong dalawa yan." Sabi ko bago ko sila nginitian.
Nakaramdam ako ng malamig na hangin na bumalot sakin na para bang niyayakap nila ako.
Ipinikit ko nalang ang mata ko para mas maramdaman ko na nandito talaga sila sa tabi ko at niyayakap talaga ako.
Ng mawala na yung malamig na hangin ay idinilat ko na ang mata ko.
Inilibot ko ang paningin ko at sa hindi inaasahan ay nakita ko siya.
Taehyung.
Nakita ko siya sa malayo. Pero kahit malayo ay nakita ko parin ang ngiti niya.
Kinawayan niya ako pero Hindi ko ba alam kung kakawayan ko siya pabalik.
Dahan dahan kong itinaas ang kamay ko at kumaway din sakanya...
Ng makakaway na ko ay tumalikod na siya at nag lakad papalayo.
Pinag mamasdan ko lang ang likod niya hanggang sa mawala na iyon sa paningin ko..
Mag pahinga ka na..
"Ate Jennie." Napa tingin ako sa gilid ko at nakita ko siya.
Tammy? Anong ginagawa niya dito?
Lumapit siya saakin at umupo sa tabi ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko at inakbayan siya.
Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin hindi ko alam pero nag karoon ako ng pakiramdam na gusto ko din siyang yakapin kaya ginawa ko iyon.
Pati sakanya ay naaamoy ko yung pabango ni Taehyung..
Ano kayang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang namatay na ang kuya niya..
Siguro parehas lang kami ni Tammy.. Dahil nawalan nadin ako ng kuya.
"Ate Jennie.. Napaginipan ko si Kuya kagabi.. Nag ba bye siya saakin.." Rinig kong sambit niya habang naka yakap saakin.
Natigilan ako at napa tingin sa buong paligid kung nasaan naka tayo kanina si Taehyung..
"Ate, bakit?" Tanong niya saakin.
"Wala yung Tammy.. Wag mo nang isipin 'yon.. Namiss ka lang ng Kuya Taehyung mo.." Sagot ko nalang.
Ayoko namang masaktan siya kaya mabuti nalang na ganito..
Natahimik kaming dalawa habang naka yakap parin kami sa isa't isa.
Ayaw niyang bumitaw at ayaw ko din. Walang bumibitaw saaming dalawa.
Pakiramdam ko kapag kayakap ko siya ay para ko naring niyayakap si Taehyung.
Mga ilang minuto pa ay nag pasya kaming kumalas na sa pag kakayakap.
"Ate?"
"Hm?"
"Napaginipan ko uli yung babae... Kasama niya si Kuya.."
Natigilan ako panandalian.
Si Bea ba?
"Ate Jennie.. Kasama niya si Kuya.. Hindi ko alam pero madami sila.." Aniya.
"Ate may sinabi siya saakin." Dahan dahan akong napatingin sakanya.
"Ano yon? Anong sinabi niya sayo Tammy?" Tanong ko.
"Ate Jennie, akala mo tapos na.. Pero nag sisimula palang daw ang lahat.."
Napakunot ang noo ko. Anong nag sisimula palang?
"Ate Jennie.. Hindi namatay si Ate Bea.. Ikaw.. Ikaw ang namatay.."
"Ikaw ang pumatay sakanila."
=THE END=
BINABASA MO ANG
WHISTLE (BTS X BLACKPINK FF)
TerrorJennie Kim. Is not the type of girl that can easily get your attention. But when she does. You're gonna have to whistle for help. Highest rank achieved: #12 in Horror 6.2.17