Jennie's POV
Maaga akong nagising kasi field trip na namin.
Tinignan ko yung orasan at 5 na ng madaling araw. Kailangan kasi 6 nandoon na ako sa school.
Pag katapos kong mag ready ay bumaba na ako dala yung mga bag ko.
Nag paalam ako kay mama tapos ay nag commute papuntang school.
Pag pasok ko sa assigned room namin ay halos kompleto na silang lahat at parang ako na lang ang hinihintay.
"Jennie, you're here." Sabi ni Jin at may binigay sakin na papel.
Tinigan ko 'yon at list 'yon ng mga places na pupupuntahan namin mamaya.
• Intramuros, the walled city of Manila
•Manila Ocean Park
•Teacher's Camp, Baguio.Hindi pa ako nakaka punta sa Intramuros... Sa Manila Ocean Park lagi ko 'yong napupuntahan bawat field trip lagi 'yong kasali... Sa teacher's camp hindi din kasi hindi pa ko nakaka explore sa Baguio although naka punta na ako doon noong bata ako.
Bumaba na kami sa may quadrangle at hinintay yung bus namin.
Ako ang nasa unahan na pila samantalang si Jin ay ang nag babantay sa likod.
Nang makarating na yung bus namin ay pinauna ko muna silang pumasok kasi kami ni Jin ang uupo sa unahan kasama ng adviser namin at isang nurse.
Habang pinapapasok ko ang iba naming classmates ay lumapit sakin si Jisoo at Lisa.
"Jennie, tabi tayooo." Parang bata na sabi ni Lisa sakin.
"Hindiii gusto kitang katabi Jen." Sabi naman ni Jisoo.
"Jisoo, ikaw nalang ang katabi ko." Napatingin ako kay Jin na biglang nag salita sa tabi.
"Yey! Okay!" Masayang sabi ni Jisoo at pumasok na silang dalawa ni Liza sa bus.
"Complete na ba ang lahat?" Tanong ng adviser namin ng maka pasok kaming lahat.
"Yes ma'am." Sagot ko at umupo sa tabi ni Lisa na nasa may bandang bintana naka upo.
Katapat namin yung adviser at yung nurse habang nasa kabilang side ko namam si Jin at Jisoo. Pinsan ko rin naman si Jin kasi mag kapatid sila ni Jisoo.
Nagsimula ng umandar yung bus namin. Medyo madilim dilim pa naman kaya tahimik pa kaming lahat.
Tinignan ko si Lisa at natutulog sya habang naka takip yung mata nya at naka bukas yung bibig.
Napa kibit balikat nalang ako tapos ay isinoot ang headphones ko tapos ay ipinikit yung mata ko.
***
Napadilat ako ng may naramdaman akong tumutusok sa pisngi ko.Nakita ko si Lisa na gising na at maliwanag na 'yung buong paligid.
Inalis ko yung headphones ko at tinignan sya.
"We're here!" Masaya nyang sabi at tumingin sa labas ng bintana kaya napatingin nadin ako doon.
"Jin, Jennie. Kayo ang mag aassist sa classmates nyo." Sabi nung teacher saamin kaya tumayo na ako at tumingin sa likod.
Nakita ko na hinahanda na nila yung mga gamit nila kasi alam din nila na bababa na pero nakita ko si Taehyung at Jungkook na mahimbing padin ang tulog.
Habang inaassist ni Jin yung iba naming kaklase pababa ay lumapit ako sa kanilang dalawa.
Lumapit ako kay Taehyung at tinusok yung pisngi nya. Gumalaw sya kaya gumalaw din si Jungkook pero hindi padin sila nagigising.
Lumapit ako kay Taehyung at binulungan sya.
"Taehyung ko... Gising na... Nandito na tayo..." Sabi ko at nakita ko na nangiti sya at dahan-dahan na dinilat yung mga mata nya.
Dahan-dahan nyang nilapit sakin yung mukha niya.
Kaso nakita ko na nagising na si Jungkook at tinignan kaming dalawa.
"Wag ngayon. Nandito pa ako." Sabi nya tapos ay humikab tapos kinuha yung mga gamit nya.
Pag kababa naming tatlo ay naka pila na sila. Pumunta ako sa harapan na pila at nag simula nang mag lakad tapos ay sinusundan lang nila ako.
"Ok class, you can take pictures. Pero wag kayong lalayo." Sabi nung adviser namin tapos ay nag simula nang mag lakad lakad at kumuha ng mga pictures yung kaklase namin.
"Jennie, picture!" Narinig ko na sabi ni Jisoo na kasama si Lisa.
Hinug ako ni Lisa tapos ay pinicturan kami ni Jisoo. Nakita ko na lumabas agad yung picture. Kinuha ko agad 'yon tapos tinignan.
Medyo malabo pa 'yon kasi kakalabas lang sa camera.
Pag katapos namin mag picture ay nag pa tour pa kami tungkol sa Intramuros pag katapos ay umalis na. Para daw mabilis kaming maka punta sa sunod naming pupuntahan.
***
Nag headcount muna kami ni Jin para malaman kung kompleto kami. Umupo na uli ako sa tabi ni Lisa tapos ay uminom ng tubig.
"Jennie, kumpleto ba tayo?" Tanong ni Liza sakin.
"Oo, bakit?" Tanong ko. Nakita kong nakatingin sya sa may bintana ng bus kaya napatingin nadin ako doon. May nakita akong lalake na diretsyong nakatingin sakin kaya tumaas yung mga balahibo sa katawan ko.
"H-hindi n-natin sya ka bus." Sabi ko tapos ay nagsimula ng umandar yung bus.
"Jennie...okay ka lang? Namumutla ka." Sabi nya.
"Okay lang ako." Sabi ko at inilayo yung tingin ko sa bintana at umayos ng upo.
Pusibli ba yun...
Hindi. Hindi pwede...
Pede bang mabuhay ang patay?
O baka may third eye ako...
Hindi... Nakita din naman ni Lisa eh...
Pero wala na sya....
Patay na sya matagal na...
Hindi pwedeng nakita ko si kuya...
BINABASA MO ANG
WHISTLE (BTS X BLACKPINK FF)
Kinh dịJennie Kim. Is not the type of girl that can easily get your attention. But when she does. You're gonna have to whistle for help. Highest rank achieved: #12 in Horror 6.2.17