Jennie's POV
Hindi na ko nagulat nang makita kong naka bukas na yung malaking pinto ng bahay na 'to.
Or... Kung bahay nga ba talaga.
Pag kapasok namin ay agad kong nilibot yung paningin ko sa paligid. Wala nang kahit ano... Tanging mga pader nalang ata ang naka tayo at yung mga bintana naka bukas. Maalikabok na rin dito.
"Jennie, asan ba talaga tayo?" Tanong ni Rose.
"Isa 'tong retirement house..." Sabi ko.
"Wait... So meaning dito dati nakatira yung matatatandang tao na wala ng pamilya?" Tanong ni Jisoo.
Tumango lang ako.
"Asan na sila?" Pabulong na sabi ni Lisa pero narinig parin namin dahil sobrang tahimik ng lugar.
"Patay na sila." Simple kong sagot at sa tingin ko natakot ko sila.
Although it's the truth...
Nag simula na kong mag lakad kaya sinundan lang nila ako. Naka rating kami sa second floor at mas malala pa pala dito.
May mga wheel chair sa paligid. At dito rin naka lagay ang mga kwarto. Isa isa kong tinignan yung mga kwarto. Yung iba walang laman yung iba magulo at yung iba may dugo sa mga pinto.
"This place is really creeping me out." Sabi ni Rose.
Habang pinag mamasdan lang namin yung second floor nakuha ni Lisa ang atensyon ko...
Naka tayo lang sya sa isang bintana... May katabi syang isang wheel chair. Napakunot yung noo ko ng makita kong para syang nag sasalita.
Dahan dahan akong lumapit sakanya pero buti nalang hindi nya napansin.
"Hindi na sya dumating?" Tanong ni Lisa. Tumingin ako sa paligid pero walang tao bugod saming apat.
Sinong kausap niya?
"Ang lungkot pala ng nangyari sa inyo..." Sabi pa nya.
"Lisa." Tawag ko sakanya at hinawakan yung balikat nya dahilan para magulat sya.
"Sinong kausap mo?" Tanong ko.
Hindi nya ko sinagot sa halip ay tumingin lang sya sa wheel chair na katabi nya at tumingin uli sa labas ng bintana.
Napatingin nadin ako doon at nakita kong meron isang fountain doon at may wheel chair din sa tabi noon.
Kakausapin ko na sana si Lisa kaso pag tingin ko sa tabi ko ay wala na sya.
"Jennie, tara." Sabi ni Jisoo at nakita kong kasama na sila ni Lisa. Napatingin nalang uli ako sa wheel chair na nasa tabi ko at saka sumunod sakanila.
Habang nag lalakad kami ay parang bawat hakbang namin ay may naaamoy kaming masangsang na amoy.
Parang amoy patay.
Tinakpan ko na yung ilong at bibig ko dahil hindi ko na talaga kaya yung amoy. Ganon din sila Jisoo.
"Jennie." Napatingin ako sa likod ko ng marinig kong tawagin ako ni Lisa.
Naka tayo lang sya sa isang pintong naka sara. Kakaiba yung pinto na katapat nya dahil yun lang ata ang pinto na gawa sa kahoy.
Tumabi ako sa kanya pero katulad nya tinitigan ko lang yung pinto. Walang kumibo saming dalawa. Kaya lumapit samin si Rose at dahan dahang binuksan yung pinto.
Lalo kaming napatakip sa ilong namin ng lalong lumakas yung masangsang na amoy.
Nakita kong isang 'yong magulong library. Pumasok ako sa loob para lalong makita yung nasa loob. Maraming libro ang naka kalat sa sahig. Yung mga table na taob at sobrang gulo.
***
Halos isang oras na din kami dito sa library. Marami kaming libro na tinitignan at kung ano ano pa
"Guys." Napatingin kaming lahat kay Jisoo at may hawak syang malaking libro nilapag nya 'to sa table. Lahat kami lumapit sakanya.
"Tignan nyo 'to." Sabi nya at may tinuro sa libro.
May nakita akong babae na naka tayo sa dulo at puro itim yung paligid nya.
"Liza. Patingin nga ng drawing mo." Sabi ko. Agad naman na kinuha ni Lisa yung papel at binigay sakin.
Itinabi ko yung drawing ni Lisa sa tabi ng libro at kumunot yung noo ko.
Parehong pareho sila.
Kinuha ni Jisoo yung isa pang papel.
"Sabi ito daw sya pag malapit." At linapit yung drawing ni Lisa na babaeng puro dugo.
"So... Ito sya pag malayo." Sabi ni Rose sabay turo sa babaeng malayo at puro itim yung paligid.
"Tapos ito sya pag malapit." Sabi pa nya sabay turo naman sa babaeng puro dugo.
"So..." Hindi matuloy tuloy ni Rose yung sasabihin nya kaya si Lisa na yung nag salita.
"Iisa lang sila." Sabi nya dahil para mag ka tinginan kaming tatlo.
"Sabi pa dito... Nakikita lang daw sya sa panaginip ng isang tao..." Sabi ni Jisoo.
"Pero pano yun and hindi naman kayo tulog nung makita nyo yang babaeng yan." Sabi samin ni Rose.
Tinignan ko yung libro at binasa din ito.
"Pusibli daw na pag napaginipan mo sya... Maaari ka nyang kunin. At hindi ka na magigising pa sa panaginip na 'yon." Sabi ko.
"Okay. Pwede na ba tayong umuwi?" Sabi ni Jisoo at may halong takot sa boses nya.
Sakto biglang humagin ng malakas kaya sumara ng malakas yung pinto ng library at may ibang libro na nahulog.
"Jennie umalis na tayo." Sabi ni Lisa at napatingin sa labas ng library. Dumidilim na at sa tingin ko uulan pa.
Lalong humangin ng malakas kaya lalo silang kinabahan.
"Jennie!" Sabi ni Rose at hinila na ako.
Wala akong ibang nagawa. Kaya pinunit ko yung dalawang litrato ng babae na nasa libro at nag pahila na kay Rose.
Habang tumatakbo kami ay sobrang hangin parin. Kaya nabitawan ko yung isang piraso ng papel. Bumitaw ako kay Rose.
"Jennie!" Sigaw nya.
"Mauna na kayo!" Sabi ko at kinuha yung papel.
Makukuha ko na sana kaso biglang humangin kaya lumayo iyon sakin.
Nang makuha ko yung papel ay tumayo agad ako at tumalikod para tumakbo na pero nakita ko sya.
Sino ba sya?
Naka upo sya sa wheel chair sa harap ko. Ewan ko pero nanigas ako ng makita ko sya.
Bigla nyang tinapat sakin yung kamay nya na para bang sinasabi nya sakin na sumama ako sakanya.
Pumikit ako ng mariin. Ayoko syang makita. Ayoko sa kanya.
Pag kadilat ko wala na sya. Kaso may biglang humawak sa mga balikat ko at bumulong.
"Tara na Jennie..." Malamig nyang sabi.
Tumakbo ako papalayo sakanya. Takbo lang ako ng takbo at lumingon ako pero wala na sya doon. Tumatakbo ako ng naka tingin sa likod ko kaya hindi ko namalayan na may nabangga na pala ako.
BINABASA MO ANG
WHISTLE (BTS X BLACKPINK FF)
HorrorJennie Kim. Is not the type of girl that can easily get your attention. But when she does. You're gonna have to whistle for help. Highest rank achieved: #12 in Horror 6.2.17