Third person's POV
Walang ganang nag lalakad ang dalaga sa maespasyong lugar ng kanilang paaralan.
"Tatlong araw na siyang hindi pumapasok.." Sambit nito sa kanyang sarili na para bang pinaparinggan niya ang hangin.
"Kamusta na kaya siya?" Tanong pa nito sa kaniyang sarili habang nakayuko lang habang nag lalakad.
At dahil nga naka yuko siya ay may nabangga siyang estudyante kaya naalarma agad siya at bigla nalang yumuko at panay ay hingi ng paumanhin sa taong naka bangga niya.
"Ok lang Bea.." Sabi ng kanyang naka banggang estudyante kaya napa tingin agad siya dito.
Agad nawala ang kaba sa kanyang nararamdaman ng makita niyang si Jin lang pala iyon..
"Jin! Alam mo ba kung asan na si Jeb? Bakit hindi parin siya pumapasok? Okay lang ba siya?" Sunod sunod na tanong nito sakaniya dahilan para mawala ang mga ngiti sa labi ng binata..
"O-okay naman siya.." Walang ganang sagot sakanya nito.
"Hay! Buti naman. At sorry uli ha! Sige aalis nako.." Tugon sakanya ni Bea bago ito bahagyang yumuko at umalis na.
Pero siya ay natigilan ng maramdaman niyang hinawakan siya ni Jin sa kanyang kamay na halos nag pataas sa lahat ng balahibo niya.
Sinulyapan niya si Jin bago napunta ang kanyang tingin sa kamy nilang mag kahawak
Napa bitaw naman agad doon ang binata ng malaman niyang nakaka halata na si Bea."Sorry.. Gusto ko lang sabihin na.."
Bahagyang natigilan si Jin at para bang nag iisip nang sasabihin niya rito.
"Gusto mo bang sumama saamin mamayang lunch?" Tanong nito.
Natigilan si Bea at para bang nag iisip kung tatanggi ba siya o ano.
Naisip niya bigla na may practice pa pala si Fiona sa auditorium so malamang ay wala na namang siyang kasama.
Napa tingin siya kay Jin bago ito binigyan ng maliit na ngiti at tumango.
"Sige." Sagot pa nito.
Agad na bumalik ang mga ngkti sa labi ng binata ng dahil sa pag sangayon nito.
"Sige.. Kita nalang tayo mamaya." Masayang tugon nito bago niya nginitian ang dalaga at nag lakad na papalayo.
Kahit na maka rating na siya sa kanyang klase ay hindi parin niyang maiwasang mapa ngiti ng patuloy na bumabalik sa isipan niya ang imahe ni Bea na naka ngiti.
Pero bigla niyang naalala na may nobyo na pala ito kaya bahagyang nawala uli ang kanyang mga ngiti..
***
Jisoo's POV
Patuloy lang sila sa pagkain katulad ko ng mapatingin ako sa kuya ko na naka ngiti sa kawalan.
Baliw na ba 'to?
Napa tingin ako sa iba niyang kaibigan na kasama namin ngayon nila Lisa at Rose na kumakain din.
Naiilang ako, bakit parang ang saya naman ng isang 'to.
"Anong nangyare sakanya?" Tanong ko kay Jungkook na katabi ni Lisa.
Napa tingin siya kay Kuya.
"Inlove yan." Sagot niya at kumain nalang uli.
Napa isip uli ako... Ngayon naba ang tamang oras para tanungin ko sakanya? Para malamin din naman ng mga kaibigan ko?
Uminom muna ako ng tubig bago bahagyang napa tingin uli kay kuya na hanggang ngayon ay naka tingin parin sa tray niya na may laman ng pagakin habang naka ngiti.
Ang weird niya! Aish.
"Kuya." Tawag ko pero masyado ata siyang nalibang.
"Kuya." Pag uulit ko pero halos yung iba ang mapa tingin sakin kasi narinig din nila yung pag tawag ko kay kuya pero ang kuya ko mismo ay hindi manlang narinig.
"Oy Seokjin!" Biglang sigaw sakanya ng katabi niya.
Nagulat si kuya at tinapunan ng masama tingin si Hoseok ng sigawan siya nito.
"Bastos ka ah!" Singhal sakanya ni Kuya.
"Tawag ka kasi ni Jisoo!" Singhal naman ng isa niyang katabi na si Namjoon.
Napa tingin sakin si kuya.
"Ano yon?" Tanong niya.
Kahit na gusto kong sabihin na 'alam mo kanina kapang nag mumukhang tanga kakangiti mo sa kawalan gusto mo bang ihatid na kita sa mga kasamahan mo sa mental?' Pero iba ang naisip kong sabihin sakanya.
"May tanong lang ako kuya.." Paninimula ko..
Hindi siya nag salita at nakatingin lang siya sakin na para bang hinihintay ako na mag salita uli.
Napa hinga ako ng malamin para mag karoon ako ng lakas na harap harapang itanong sakanya kasama ng mga kaibigan namin.
"May tao ka bang nagugustuhan?" Direktahang tanong ko.
Medyo naguluhan ako at nag tama yung mga kilay ko ng ng masamid ang ilan sa mga kaibigan niya at yung iba naman ay natigilan sa pag kain.
Luh? Nakaka halata 'tong mga to ah? So.. Alam na ba nila?
Habang samut sari ang mga reaksyon nila ay yun naman ang kabaliktaran ng mga babaeng kasama namin ngayon.
Tuloy tuloy lang silang dalawa sa pag kain na para bang 'we don't really give a shit' ang aura nila ngayon.
Kahit yun naman lagi ang reaksyon ni Yoongi pero isa siya sa mga nasamid. Hays.
Nabalik ang atensyon ko kay Kuya na para bang pinag iispan ang tanong ko.
"Sa totoo lang--"
"Uhm.. Hello?"
Sabay sabay kaming napatingin sa babaeng naka tayo malapit sa table namin.
Napaawang ang bibig ko at natigilan kaming lahat ng makita namin siya. Nakangiti siya samin habang may hawak pa siyang libro.
Anong gingawa niya dito?
BINABASA MO ANG
WHISTLE (BTS X BLACKPINK FF)
HorrorJennie Kim. Is not the type of girl that can easily get your attention. But when she does. You're gonna have to whistle for help. Highest rank achieved: #12 in Horror 6.2.17