Jennie's POV
May naramdaman akong kamay sa mukha ko kaya agad ko itinago yung mukha ko sa kumot.
"Jennie.." Malamig niyang sabi.
"HOY JENNIE GUMISING KANA!" Inis kong inalis yung kumot ko at tinignan silang dalawa na masama.
"Ano ba naman yan Lisa! Sabi ko wag kang sumigaw." Sabi ni Jisoo sakanya.
"Eh kesa naman bulungan mo siya ng paulit ulit dyan! Mas lalong hindi siya magigising." Depensa namam ni Lisa.
"Ano bang ginagawa niyo sa kwarto ko?!" Inis kong sabi.
"Sinusundo ka na namin." Sabi ni Jisoo
"Para sumalangit kana." Sabi ni Lisa.
Agad ko silang binatuhan ng mga unan. At tumingin sa wall clock ko dito sa kwarto.
"4 palang ng madaling araw ano ba!" Sigaw ko.
"Wag ka ngang sumigaw, baka natutulog pa si tita." Sabi ni Jisoo.
"Oo nga, dumaan lang kami diyan na may bintana mo eh." Sabi niya sabay turo sa bintana kong naka bukas.
"Ano bang ginagawa niyo dito?" Bulong ko sakanila.
"Sinusundo ka na nga namin, kasi aalis na tayo. Mahaba pa yung byahe natin at over night pa tayo doon." Pag papaliwanag ni Lisa.
"Inihanda na namin gamit mo." Sabi ni Jisoo sabay turo sa isang maleta na nasa tabi ng kama ko.
"Ginulo niyo yung gamit ko habang natutulog ako?!" Hindi maka paniwala kong sabi.
"Oi wag kang oa inayos pa namin yan ah." Sabi ni Lisa.
Tumayo na ako sa kama at dumiretsyo sa banyo para maligo kahit na malamig pa yung tubig.
Pag labas ko ay nakahiga silang dalawa sa kama ko at nag kwekwentuhan.
"Oh tara na." Sabi ni Lisa.
"Wait, pano ako mag papalaam kay mama?" Tanong ko sakanila.
"Mag iwan ka nalang ng letter sa kwarto niya at siguraduhin mong makikita niya yun. Para hindi mag alala si tita sayo." Sabi ni Jisoo.
Tumango ako at kumuha ng papel at ballpen tapos ay nag sulat ng note kay mama na umalis na ako.
Pag katapos noon ay lumabas ako ng kwarto at dumiretsyo sa kabila.
Dahan dahan lang ako dahil ayokong magising si mama.
Nakita kong natutulog pa siya kaya inilagay ko nalang yung note sa tabi ng salamin niya saka siya hinalikan sa pisngi at umalis na.
Tinulungan ako nila Lisa sa gamit ko.
"Oh asan yung gamit niyo?" Tanong ko.
"Nasa sasakyan na." Sagot ni Lisa.
Ha? Sasakyan? Anong sasakyan?
Pag labas namin ng bahay ay may malaking van ang bumungad agad saamin.
Nakita ko si Jin na lumabas ng sasakyan at nilagay yung gamit ko sa likod.
"Oh tara na." Sabi niya ng makita niya kaming hindi pa sumasakay.
Pag bukas ng van ay bumungad sila Yoongi,Hoseok,Jungkook at Taehyung saakin na natutulog pa.
Napag tanto ko na kasama pala ni Jin si Namjoon sa harapan ng sasakyan na natutulog din.
Tumabi ako kay Taehyung na natutulog at talagang naka nganga pa siya.
Ng mag simula na kaming bumyahe at umandar na ang sasakyan ay naisipan kong ipatong muna yung ulo ni Taehyung sa balikat ko para hindi siya mangawit.
Ng magawa ko yon ay nakaramdam na din ako ng antok dahil ang aga ng pag gising sakin nila Jisoo.
Tahimik lang ang lahat at sa tingin ko natutulog nadin sila.
Unti unti ko nang ipinikit yung mga mata ko...
***
"Drawing ka pa dun sa taas."
"Hahaha."
"Shh. Wag kang maingay baka magising siya."
"Lagot tayo neto."
Napa dilat ako at nakita ko sila na nag tatawanan. Maliwanag na din so meaning ay lumabas na yung araw.
"Hi Jennie, gising ka na pala." Bati sakin ni Hoseok. Katabi niya si Jisoo sa may harapang upuan at sa kabilang gilid naman niya si Yoongi.
Habang sa likod namin ni Taehyung si Lisa at Jungkook.
Napa tingin ako kay Taehyung na nasa tabi ko at nanlaki yung mata ko ng makita kong marami siyang drawing sa mukha.
Nakita ko na tumatawa si Lisa at Jungkook sa likod kaya napa tingin ako sakanila.
Binigyan ko sila ng anong- ginagawa-niyo-sa-boyfriend-ko look pero nag tawanan lang sila at sinenyasan ako na wag mag ingay.
Naramdaman ko na gumalaw si Taehyung sa tabi ko kaya napa tingin ako sakanya.
Nakita kong gising na siya at kinukusot niya yung mata niya.
Bahagya pa siyang nag unat at humikab bago siya mapa tingin sakin.
"Good morning Jennie ko.." Bati niya sakin.
Medyo magulo pa ang buhok niya at mabungisngis siyang tignan pero ang cute parin niya kahit bagong gising lang siya.
Pinipigilan kong tumawa at ganon din yung iba kasi ang daming drawing ni Taehyung sa mukha.
"Pfft!" Sabi ko at hindi na napigilan yung tawa ko kaya nag tawanan nadin sila.
Habang si Taehyung ay hindi maipinta ang mukha kasi wala siyang kaalam alam.
"Hay nako Taehyung ko... Kung alam mo lang.." Sabi ko sakanya.
Naramdaman kong tumigil ang sasakyan kaya napa tingin ako sa labas.
"Sinong nagugutom na?" Tanong ni Jin mula sa harapan.
"Ako!" Sabi ni Taehyung at nag taas pa ng kamay.
"Ako den." Sagot ko.
"Me too." Rinig ko na sabi ni Lisa.
"Me three." Sabi naman ni Jisoo.
Nakita ko na lumabas si Namjoon kaya nag silabasan nadin kami para maka kain.
Ng makababa kami ay agad na napa tingin si Jin kay Taehyung.
"Oh, kelan pa naging coloring book yang mukha mo?" Tanong niya at bahagyang natawa.
Napakunot yung noo ni Taehying at tumingin sa bintana ng sasakyan para makita yung repleksyon niya doon.
Nakita kong nagulat siya ng malaman niyang ang dami drawing at sulat sa mukha niya.
"Jeon Jungkook!" Sigaw niya.
"Si Lisa 'yon!" Depensa ni Jungkook sabay turo kay Lisa.
Hindi siya pinakinggan ni Taehyung at hinabol siya.
"Ang saya nilang panoorin." Sabi ni Lisa sa tabi ko habang pinapanood si Taehyung at Jungkook na nag tatakbuhan.
"Oo nga.." Sagot ko.
Mas masaya siguro kung nandito lang sana sila Rose at Jimin...
BINABASA MO ANG
WHISTLE (BTS X BLACKPINK FF)
TerrorJennie Kim. Is not the type of girl that can easily get your attention. But when she does. You're gonna have to whistle for help. Highest rank achieved: #12 in Horror 6.2.17