Jennie's POV
Bago ako lumabas ng bus ay kinuha ko muna yung jacket ko.
Alam ko naman na malamig dito sa baguio at parang uulan pa kaya parang medyo madilim yung mga ulap.
Pinapila ko sila bago kami umenter ng Teacher's Camp.
Nag stop muna kami sa tapat ng pinto at isa isa kaming binigyan ng ticket para maka pasok doon.
Ako ang unang binigyan ng ticket dahil ako ang nasa unahang pila kaya ako ang unang naka pasok sa loob.
Pinag masdan ko ang buong paligid parang makakatakot syang tignan.
Matagal na kasi 'tong binuo at samahan mo pa ng madilim na paligid.
Sunod-sunod na sumunod ang mga ka klase ko ng maka kuha din sila ng ticket.
Hinanap ng mata ko si Taehyung para malaman ko kung naka kuha na sya ng ticket at nakita kong kasama nya sila Jungkook na kakapasok lang at pinag mamasdan nadin nila yung paligid.
Hinintay lang namin yung mag to-tour sa amin bago kami tumuloy at mag lakad lakad.
Malaki ang lugar na 'to at baka mag kawalaan pa kami.
Habang naka tayo ako at binabantayan sila ay hindi ko maiwasang marinig ang mga pinag uusapan ng mga classmates ko sa bandang likuran ko.
"Sabi nila may namatay daw sa lugar na 'to." Sabi ni Jane.
"Suicide daw eh." Sabi naman ni Kenna.
Hindi na ko mag tataka kung may matay na ba dito o ano.
Bago kasi kami mag field trip nalaman ko na isa ang Teacher's Camp sa pinaka nakakatakot na lugar sa Pilipinas.
Sa tingin ko rin naman gagabihin kaming umuwi dahil nasa Baguio kami at kailangan pa naming pumunta ng school bago umuwi.
Or... Kung makakauwi ba talaga kami...
Napansin ko rin na may mga rooms kaya naisip ko na baka may natutulog dito o ano... Or baka yung iba nag ca-camping.
Nang dumating na ang mag to-tour sa amin ay pinapila ko uli sila ng maayos at nakita ko na ganon din ang ginawa ni Jin.
Nag simula na kaming mag lakad at nakarating kami sa lugar kung saan may mga rooms.
Sabi ng guide na dito daw natutulog ang bumibisita sa teacher's camp.
Isa-isa kong tinignan ang loob ng kwarto dahil meron doong malaking bintana at biglang tumaas ang balahibo sa katawan ko ng makita akong babae na diretsyong naka tingin sa mata ko at nakangiti sya ng nakaka loko naka tayo sya sa tabi ng kurtinang puti habang yung malaki nyang mata ay naka titig sakin.
Triny kong umiwas ng tingin kasi nakaka takot syang tignan feeling ko unti-unting lumalapit yung mukha nya sakin.
Tumingin ako sa likod para makita kung may tao ba doon para malaman kung ako ba talaga ang tinitignan nung babae pero walang tao doon.
Dahan-dahan ako uling bumalik ng tingin sa may bintana ng kwarto pero wala na doon yung babae.
Tumingin-tingin ako sa paligid at nakita ko nag lalakad na yung mga ka classmates ko.
Sa huling pag kakataon ay tumingin uli ako sa bintana pero wala na talaga yung babae doon kaya nag tatatakbo akong sumunod sa mga kasamahan ko.
***
Pumunta kami sa isang open area kung saan may daanan sa gitna at puro mga puno ang nasa gilid.
Habang nag lalakad kami ay hindi ko maiwasang lamigin parin kaya ang jacket na naka tali sa bewang ko ay sinuot ko na.
Hindi ko alam kung gabi na ba talaga o sadyang madilim lang talaga ang mga ulap.
Habang nag lalakad ako ay may tubig na tumalsik sa pisngi ko.
Agad ko 'yong pinunasan at tumingin sa paligid hanggang sa may naramdaman din akong tumulo na tubig sa jacket ko hanggang sa namalayan ko na umaambon.
Lumakas 'yon kaya sinabihan kami ng guide na sumilong muna sa isang shed.
Habang nandoon kaming lahat ay hinihintay naming tumigil yung pag ulan para maka punta na kami sa bus at maka uwi na.
5 na kasi ng hapon...
"Jennie." Napatingin ako kay Lily ng tawagin nya ko.
"Wala dito sila Marco." Sabi nya kaya tinignan ko kung may nawawala ba sa mga ka klase ko.
Nakita kong may tatlong lalakeng nawawala kaya nilapitan ko agad si Jin.
"Jin! Asan sila Marco?" Kinakabahan kong tanong sakanya.
"Hindi ko din alam... Pero sigurado ako na hindi sila lalayo saatin..." Sabi ni Jin.
Nag hintay pa kami ng ilang minuto para tumigil ang ulan tapos ay hinanap ni Jin yung adviser namin habang ako ay kasama ko ang mga classmates ko na papuntang bus.
Pag kadating namin doon ay nakita namin yung adviser namin na kasama si Jin na mukhang hinihintay kami.
Nag head count muna ako para malaman kung kumpleto kami at kung nandito na yung iba naming classmates na kanina pa namin hinahanap pero wala padin sila.
"Jin, nahanap mo na ba sila Marco?" Tanong ko uli habang pumapasok yung iba naming classmate sa bus.
"Nasa loob na sila, kasama nila yung adviser natin kanina." Sabi ni Jin.
Naka hinga ako ng maluwag sa narinig ko.
Buti nalang...
Nang maka pasok na kami sa bus ay umandar na 'to at handa na kaming bumalik uli sa Manila...
Pagod kaming lahat sa buong araw naming nasa labas kaya for sure yung iba nag papahinga sa likod.
Nilagay ko yung headphones ko sa tenga ko at sumandal sa upuan.
Tumingin ako sa tabi ko at nakita ko si Liza na nakatingin lang sa labas ng bintana.
Triny kong pumikit para kahit papaano ay makapag pahinga naman ako.
Mga ilang minuto palang akong naka pikit pero biglang tumigil yung bus kaya napa dilat ako.
Napakunot yung noo tapos ay tumingin ako sa harapan kung nasaan yung driver.
Nakita kong tinatry pagalawin yung makina ng sasakyan.
"Ano pong nangyare?" Tanong ng adviser namin sa driver ng bus.
"Ma'am nasira ata yung makina ng bus." Lalong kumunot yung noo ko sa sinabi nung driver.
Tumingin ako sa labas ng bintana ng bus at nakita kong nasa isa kaming high way pero puro puno lang yung nasa paligid.
At wala gaanong sasakyan ang dumadaan.
Nag simula na kong kabahan dahil sa nga naiisip ko...
Ito yung napaginipan ko...
![](https://img.wattpad.com/cover/97816191-288-k369770.jpg)
BINABASA MO ANG
WHISTLE (BTS X BLACKPINK FF)
HorrorJennie Kim. Is not the type of girl that can easily get your attention. But when she does. You're gonna have to whistle for help. Highest rank achieved: #12 in Horror 6.2.17