58👻

1K 38 6
                                    

Bea's POV

"Oh ano na naman? Nag mamaktol ka na naman." Medyo iritang sabi sakin ni Fiona ng makita niyang naka dukdok na naman ako sa lamesa at hindi mapakali.

"Alam mo kung ano sayo chill kalang! Malay mo kailangan lang talaga siya ng kapatid niya kaya siya wala ngayon! At isang pa kahapon at ngayon lang naman siya absent! As if naman parang isang linggo na siyang hindi pumapasok kung mag drama ka diyan." Inis na protesta pa niya saakin.

"Eh kasi nag aalala lang naman ako sakanya... Kung kumain na ba siya.. Kung naka tulog ba siya ng maayos.. Gusto ko na siyang makita.. Gusto ko na siya mayakap." Pag katapos kong sabihin iyon ay sumubsob uli ako sa table.

"Hay nako Beatrice! Ako nga tigil tigilan mo ko sa ka dramahan mo! Hindi porket wala akong lovelife bitter na ako! Hindi ah!" Napa irapa nalang ako sa bigla bigla niyang pagiging defensive.

Wala kaya akong sinasabing bitter siya!

"Hi Bea!" Napa angat ang tingin ko at napa tayo agad ng makita ko yung dalawang babae, at isa sakanila ang mabangga ko kahapon.

Nag bow ako sakanila pero itong katabi ko ay parang wala man lang pakealam.

"He-hello." Bati ko.

"Uhm, hi. Ako nga pala si Rose." Pag papakilala saakin nung babaeng naka bangga ko kahapon.

"Siya si Lisa." Pag papakilala naman niya sa babaeng kasama niya. Sa tingin ko kaibigan niya yon.

"Gusto mo bang sumabay saamin? Libre daw ni Jisoo." Sabi ni Rose. Napa isip ako bigla.

Jisoo? Ah! Siya yung pinsan ni Jeb! Pero nag taka ako bigla.

Bakit parang biglaan naman ata ang pag aaya nila saakin? Eh halos ngayon ko lang ata sila nakilala at nakita ko lang sila kahapon.

"Uhm, bakit?" Biglang pag singit ni Fiona, kumakain lang siya kanina ah!

"Uhm.. Ewan din namin eh. Pati kami nagulat ng biglang mag aya si Jisoo." Sabi nung kasama ni Rose. Lisa ata ang pangalan.

"Hi-hindi na.. Kasama ko naman si Fiona.. Saka okay lang. Baka next time nalang." Sabi ko bago ko sila binigyan ng ngiti.

"Ah, sure okay." Kibit balikat na saad ni Rose bago sila umalis ni Lisa sa harapan namin.

Ng makaalis na sila ay napa upo na kami ni Fiona.

"Tss, ang weird nila. Bigla bigla nalang mag aaya. Kilala mo ba yung mga yun?" Tanong sakin ni Fiona.

"Uhm. Sa totoo lang hindi pero ang alam ko ay kaibigan sila ng pinsan ni Jeb." Sagot ko sakanya habang pinag mamasadan parin yung likod nila Rose at Lisa na papalayo sa amin.

"Wag kang sasama sa mga yun ah? Bago ka palang dito at kaming dalawa palang ni Jeb at ng kuya mo ang kakilala mo kaya stay kalang sa tabi ko okie?" Parang bata na sabi niya.

Actually hindi lang naman silang dalawa ni Jeb at si kuya eh.. Hindi niya lang alam pero medyo nag kakasundo nadin kami ni Jin..

Kahit naiilang ako ay pumayag parin ako na ihatid niya ako sa bahay kahapon.. Kahit na pag dating ko doon ay impyerno agad ang bagsak ko dahil kay Kuya.

"Hmm! Late na ako sa practice namin sa auditorium!" Nabigla ako sa bigla din niyang pag sigaw habang naka tingin siya sa phone niya.

Late na siya dahil may practice sila?

"Ha? Bakit ka naman pupunta ng auditorium?" Inosenteng tanong ko.

"Choir? Sa school." Sabi niya.

Naalala ko bigla! Magaling nga pala siyang kumanta kaya isa siya sa mga choir dito sa school.

Muntik ko nang maka limutan hindi naman kasi ako sumasali doon o kahit saang clubs dito dahil baguhan palang ako sa isa pa gusto ko focus lang muna ako sa pag aaral..

Kahit na.. May boyfriend na ako..

"Sorry talaga Trice! Babawi ako bukas ng lunch time! Pero ngayon kailangan ko na talaga maka punta doon! Sige beshy babye!" Nag mamadaling niyang sabihin yon na halos maubusan na siya ng hininga.

"Ah sige." Sagot ko nalang at nakita kong iniwan na niya yung pag kain niya at kinuha yung bag tapos ay tumakbo na papalayo.

Napa ngiwi nalang ako ng mawala na siya sa paningin ko.

Napa tingin ako sa tray ng pag kain na nasa harap ko ngayon.

Pag kakamalan na naman akong loner niyan pero buti nalang ay walang nang bubully saakin.

Wala ngayon si Jeb.. Si Fiona naman ay umalis na.. Si kuya may klase pa.. Hays.


WHISTLE (BTS X BLACKPINK FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon