72👻

1.1K 34 8
                                    

Jennie's POV

Unti unti kong minulat yung mata ko pero sa hindi ko inaasahan ay nakita ko iyon..

Hindi ko inaasahan na isasama niya ako sa panaginip ko.. Ang pag kakaalam ko pag sinama niya ang isang tao sa panaginip nito ay hindi na siya magigising. So.. Patay na ba ako?

Nakatayo lang ako doon at pinapanood sila.. Siya..

Ewan ko pero mukhang hindi nila ako nakikita pero nakikita ko sila.. Nandito ako sa basement kung saan pinatay ang kuya ko.. Ng sarili kong pinsan...

Nandito ako sa may gilid at pinapanood ang kanya kanya nilang gawain.. Hindi katulad ng dating napaginipan ko ay si kuya ang nakaupo doon pero ngayon iba na...

Siya na..

Pero parang.. Parang nakita ko na ito.. Napanood nga pala..

Ito yon pinanood saakin ni Robi..

Nag lakad ako sa harapan ni Bea na nakaupo lang habang naka tali ang mga kamay sa upuan at mag tela na nakatakip sa bibig niya.

Tinitignan ko siya pero mukhang hindi niya ako nakikita dahil panay ang iyak niya.

"Aww, iyakin si baby girl.." Napa tingin ako sa lalaking naka upo sa may gilid, tapos ay itinapon niya sa kung saan ang sigarilyong kanina lang ay hinihithit niya..

Sabi ko na nga ba.. Nakita ko na 'to.

"Smile ka naman sa camera!" Nabalin ang atensyon ko sa babaeng nag salita sa likod

Nakita ko si Lisa na may hawak ng camera na para bang nag eenjoy siyang kuhanan ng video ang isang tao na nag hihirap sa harapan nila.

Tinapat ni Lisa kay Taehyung ang camera na naka sandal lang sa may pader.

"Smile naman diyan Taehyung!" Sabi ni Lisa bago sila nag tawanan lahat.

Nakita kong lumapit si Jimin sakanila bago niya akbayan si Taehyung.

"Hayaan mo na siya, Hindi niya kasama yung Jennie niya eh." Sabi pa neto bago patayin ni Lisa yung camera at lumapit kay Jungkook.

Napa tingin ako sa paligid ko.. Si Hoseok kausap si Namjoon si Jisoo na tinitiganan si Bea na para bang wala siyang pakealam. Si Taehyung na walang expresyon habang kinakausap ni Jimin at Rose.. Si Yoongi na naka upo lang sa isang tabi at si Lisa at Jungkook na parehas na pinapanood yung kinuhanan ni Lisa na video kanina.

Nagulat ako ng biglang lapitan ni Jisoo si Bea pag katapos ay tinanggal ang tela na naka takip sa bibig niya.

"Sabi kasi sayo layuan mo na ang kuya ko.." Sabi ni Jisoo habang pinapanood si Bea na masamang naka tingin sakanya.

"Asan si Jin?" Maniha pero mariin na tanong nito kay Jisoo.

"Aba malay ko. Bakit? Sa tingin mo pupunta siya dito at ililigtas ka? Hindi mangyayari yon.." Sabi pa ni Jisoo at nginisian siya.

Bahagyang napa layo siya kay Bea ng akmang hahawakan niya ito pero nakatali ang mga kamay niya.

"Behave ka nalang.. Baka mamaya mainis pa ko sayo at tuluyan kita." Sabi ni Jisoo bago uli nilagay ang tela sa bibig nito at umalis na sa harap niya.

Tinignan ko lang si Jisoo bago ako napatingin kay Bea na ngayon ay naka yuko na.

Hindi ko naman alam na sa sobrang pagkawili ko kay Jisoo eh may ganito pala siyang ginagawa..

Ano nalang kayang magiging reaksyon ni Robi pag nakita niya yung kapatid niya na ganito..

At ano nalang kaya ang magiging reaksyon ng kuya ko pag nalaman niyang ginaganito ang taong mahal niya?

Siguro hindi na siya mag tataka.. Dahil siya nga ang unang pinatay hindi ba?

Ngayon hindi na ko mag tataka kung bakit ako nag sisi at pinag tanggol ko sila.

Napa tingin ako kay Taehyung na naka sandal pa din sa pader at walang expresyon ang mukha.

Napapikit ako ng mariin at napahawak sa noo ko. Ayoko siyang makita. Gusto ko nang umalis dito. Gusto ko nang umalis sa panaginip ko.

Habang naka pikit ako ng mariin ay may narinig akong malakas na ingay.

Napadilat ako at nakitang nang galing iyon sa itaas bago ko nakita si Jin na bumababa ng hagdan at bakat sa mga expresyon ng iba na gulat na gulat sila sa biglang pag dating ni Jin.. Lalo na si Bea.

Ng maka baba na si Jin ay isa isa niyang tinignan ang lahat.. Hindi ko alam pero mukhang nag katinginan din kami.. Nakikita niya ba ako?

Ng dumapo ang paningin niya kay Bea ay lalo siyang nagulat bago niya ito nilapitan pero hinarangan siya ni Jisoo.

"Kuya! Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya ng may halong kaba sa boses.

Hindi siya pinansin ni Jin imbes ay dumaan ito sa gilid niya para mapuntahan niya si Bea pero hinarangan parin siya ni Jisoo.

"Pwede ba Jisoo?!" Banas na singhal niya dito bago niya tinabig kaya walang ibang nagawa si Jisoo.

Lumuhod siya sa harap ni Bea para mag kapantay sila at saka niya tinanggal ang tela nito sa bibig.

"Okay ka lang?" Tanong niya bago siya tinanguan nito pero patuloy parin ang pag agos ng luha niya.

Tinanggal ni Jin ang mga tali na naka tali sa kamay ni Bea sa pagitan ng upuan bago niya tinignan ang kamay nito na may bakat ng tali sa sobrang higpit ng pag kakatali sa kanya ng mga ito.

Naramdaman siya ng galit.. Nararamdaman ko kay Jin na ayaw niyang nasasaktan ang taong mahal niya pero.. Hindi naman siya mahal nito.. Dahil mahal ni Bea ang kuya ko..

Tinulungan ni Jin si Bea na tumayo habang pinapanood lang sila ng iba.

Hinawakan niya ang kamay ni Bea at akmang aalis na sila ng pigilan na naman sila ni Jisoo.

"Kuya! Hindi ka niya mahal!" Sigaw nito at biglang natahimik ang lahat sa biglang pag sigaw ni Jisoo na humampas sa apat na pader ng basement na ito.

"Jisoo, tama na." Mariin na sabi ni Jin at akmang aalis na uli kaso ay may nag salita uli.

"Hindi mo ba talaga alam Jin?! O sadyang iniiwasan mo lang para hindi ka masaktan?! Kita mo nga oh! Nag papakatanga ka na!" Sigaw naman ni Rose.

"Jin.. Anong sinasabi nila?" Tanong ni Bea kay Jin pero hindi siya pinansin nito at hinila nalang uli papalabas pero sa isa pang pag kakataon ay pinigilan uli sila ni Jisoo at inalis ang kamay nilang mag kahawak.

Kailangan ko pa bang makita ang magaganap dito?

"Sabihin mo nga saakin! Mahal mo ba ang kuya ko?"

Natahimik uli ang lahat sa tanong ni Jisoo at para bang hinihintay nalang nila ang sagot ni Bea.

Makalipas ang ilang segundo ay hindi parin siya nag sasalita kaya sumabat na si Jin.

"Ano ba Jisoo!" Sigaw nito.

"Hyung, itigil mo na 'to." Sabi sakanya ni Jungkook.

Bakit parang may pakiramdam ako na merong hindi magandang mangyayare?

"Jin.. I'm sorry pero mahal ko si Jeb at hindi ikaw.." Natigilan ang lahat sa sagot niya. Kahit ako na pinapanood lang ang sariling panaginip ko ay nabigla rin. Pano pa kaya si Jin?

"Sinasabi ko na nga ba.." Rinig ko na sagot ni Lisa.

Sa totoo lang naguguluhan na ko sa mga nangyayari ngayon. Ano bang nangyayare?

"Paano mo maipapaliwanag saakin yung mga oras na mag kasama tayo? Wala ka bang naramdan na kakaiba?" Tanong sakanya ni Jin. Nakita ko naman si Jisoo na napairap.

"I'm sorry.." Yun nalang ang nasabi ni Bea bago yumuko.

Linapitan siya ni Jin at hinawakan ang mga kamay niya.

"Hindi.. Wag kang mag sorry.. Mahal pa din kita."

WHISTLE (BTS X BLACKPINK FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon