40💀

1.1K 49 7
                                    

Eto na bawi ko mga pips. Lol...

Jennie's POV

~FAST FORWARD~

(Tss, tinamad na si Otor😑)

Tatlong araw na simula ng maganap yung insindenteng 'yon..

Tatlong araw nadin pero hindi parin nagigising si Jisoo.

Oo hindi parin siya nagigising at naka confine siya sa ospital.

Nalaman namin na may asthma siya..

~FLASHBACK~

"Inatake siya ng asthma kaya nahihirapan siyang huminga kanina.." Paliwanag saamin ng doktor.

Nag katinginan kami ni Jin..

Asthma?

What the hell?

"Pero wala naman pong asthma si Jisoo." Sabi ni Jin.

"Well, kaka check lang namin kanina.." Sabi nung doktor.

"Wala ba siyang asthma noong bata siyang?" Tanong pa niya samin.

Nag ka tinginan uli kami bago kami sabay na umiling.

Pinsan ko si Jisoo at kapatid siya ni Jin.

Simula pag kabata ay walang asthma si Jisoo.

Oo sakitin siya minsan pero hindi yung ganito na nalalagay siya sa alanganin.

"I'm afraid na baka matagalan pa ang pag galing niya.." Sabi nung doktor.

"What?!" Napa sigaw si Jin.

"I'm sorry.." Sabi nung doktor saka umalis.

Ano bang klaseng doktor 'yon?!

Kanina sinabi niya na wala ng pag asa na mabuhay pa si Hoseok tapos ngayon si Jisoo?!

Sana lang talaga magising nako...

Kung hindi..

Baka tuluyan na kong mabaliw..

~END OF FLASHBACK~

Naka tulala lang ako sa may kisame ng kwarto ko.

Walang pasok. Parang ayaw ko na ngang pumasok uli eh..

Tatlong araw na din since naka usap ko si Taehyung..

Tatlong araw na since last na meet up namin nung iba...

Nasabi ko na kay mama ang lahat..

Anong bang nang yayari saamin?

Isang araw masaya at kompleto pa kami pero sa isang iglap ay may namatay na at parang gumugulo na yung mundo naming lahat...

Apat na..

Apat na sila...

Naramdaman ko na may tumulong luha sa mata ko pero marahas ko yong pinunasan.

Naiinis ako gusto kong mag wala...

Tumayo ako at pumunta sa may table at hinawi lahat ng bagay na nandoon

"Arghh!!" Sigaw ko at napa sabunot sa ulo ko.

Tapos ay humagulhol... Ilang minuto akong natulala habang umiiyak tapos ay mamaya maya ay sasabunutan ko uli yung sarili ko..

Ano bang nangyayare?!

Ano bang gusto niya?!

Putangina!

May narinig akong kumatok sa pinto.

"Anak! Jennie! Okay ka lang ba!" Tanong ni mama habang kumakatok.

Napapikit ako ng mariin at inayos yung gulo kong buhok bago sumagot kay mama.

"O-okay lang po ma.." Nauutal kong sagot at parang wasak pa yung boses ko.

Hindi na siya sumagot at narinig ko na umalis na siya.

Gulo gulo na yung buhok ko, yung damit ko, yung kwarto ko! YUNG BUHAY KO! Lahat nalang magulo!

Gusto ko nang mamatay.

Natigilan uli ako sa pag iyak at tumayo para sana kunin yung phone ko kahit na nanginginig yung mga tuhod ko.

Dinial ko yung number niya.

Habang mag riring 'yon ay hindi ko maiwasang mapakagat sa labi ko.

"Hello?" Sagot niya.

"P-pupunta a-ako diyan.." Nauutal kong sabi.

"Teka Jennie? Umii--" Hindi niya na natuloy yung sasabihin niya dahil inend ko na agad yung call.

Pumunta ako sa harap ng salamin ng kwarto ko at doon tumingin.

Mukha na kong tanga.

Tatlong araw na kong hindi natutulog..

Tatlong araw ko na silang iniisip..

Pupuntahan ko na siya ngayon..

Kailangan masagot niya yung mga tanong ko..

Kung hindi mapapatay ko na talaga siya.

***

Pag karating ko sa building nag pinag tatrabahuan niya ay pumasok na agad ako sa loob.

Hindi ko pinansin yung mga tao at dumiretsyo nalang sa may elevator kahit na alam kong nag tataka sila kung bakit ako nandito.

Ng maka rating ako sa third floor ay naka salubong ko pa yung babae sa counter pero hindi ko siya pinansin.

Hindi naman siya ang pinunta ko dito.

"Ms. Kim? Ms. Kim!" Tawag niya sakin pero hindi ko siya pinansin at dirediretsyo lang ako sa office niya at binuksan 'yon.

Nang maka pasok na ako doon ay malakas kong isinara yung pinto at nilock 'yon.

Mag papatayan kami.

"Jennie?" Tawag niya.

Lumapit ako sa desk niya at hinampas 'yon.

"Hindi ba ang sabi mo bumalik ako dito pag may namatay na? Well guess what?! Meron na nga!" Hindi ko na mapigilang hindi mapasigaw dahil sa sobrang galit ko ngayon..

Napa tayo na din siya at tinignan ako.

"Jennie, will you calm down?! Baka may makarinig sayo!" Inis niyang sabi sakin.

Huh! Siya pa ngayon ang may ganang mainis?

"Calm down?! How do you expect me to calm down when my friends are freaking suffering right now!" Sigaw ko.

"Hindi lang isa ang ang namatay! Dalawa na sila! Now, hindi ako pumunta dito para kumalma lang! Nandito ako para malaman yung mga nalalaman mo!" Sigaw ko.

Nakita kong nainis siya sa attitude ko.

Tsh. The hell he care.

"Alam kong may namatay na naman, that's why I expect you to come here.." Mahinahon niyang sabi.

"Ang nakakatawa lang sa dinami dami ng oras at panahon na hindi tayo nag kita ay wala ka paring alam? Seriously? Wala ka talaga alam?" Tanong niya.

Napa yukom yung kamao ko.

Pigilan niyong kong suntukin siya.. Mapapatay ko na talaga siya.

Natawa ako para pakalmahin yung sarili ko.

"Sa tingin mo mag aaksaya ako ng oras at pupunta dito ng may alam ako?" Tanong ko.

"Just tell me or I'll kill you!" Sigaw ko.

Nakita kong sumeryoso yung mukha niya at some point ay nakaramdam ako ng takot...

"Gusto mo ba talagang malaman?" Naka ngisi niyang tanong sakin.

"Aish!" Sigaw ko at akmang sasampalin ko na siya ang kaso ay nahawakan niya agad yung kamay ko.

"Ang mga pumapatay sa mga kaibigan mo..."

"Ay girlfriend ng kuya mo.."

WHISTLE (BTS X BLACKPINK FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon