63💀

987 39 0
                                    


Bea's POV

Naka ramdam ako ng lamig at pag kadilat ng mata ko madilim pa sa paligid. Napatingin ako sa kumot ko pero nandoon lang iyon sa gilid ng kama kaya kinuha ko iyon at binalot sa katawan ko dahil sa sobrang lamig.

Kinuha ko yung phone ko at nakita kong ala sais na ng umaga, napatingin naman ako sa bintana ko saka napakunot ang noo ko dahil madilim pa naman.

Medyo nagulat din ako ng biglang may malakas na kulog akong narinig kaya napag tanto ko na malakas ang ulan sa labas dahilan kung bakit madilim pa din.

Nakarinig ako ng katok sa pinto kaya napa tingin ako doon, ilang segundo pa ay bumukas na iyon at binuksan ni kuya ang ilaw.

"Bea, mag ayos kana. Sumabay kana sakin papuntang school baka mahirapan kang pumasok mamaya." Sabi ni kuya habang naka silip sa may pinto.

"Pero malakas ang ulan, hindi ba sila mag sususpend ng klase?" Tanong ko at napa upo sa pag kakahiga.

Pumasok naman si kuya at sumandal sa may pinto.

"Wala namang inannounce na suspended eh." Sagot niya na para bang hindi malaking problema ang pag ulan.

"Sige na mag ayos kana." Bilin niya bago siya umalis ng kwarto ko ng tuluyan.

Napatingin ako sa bintana ko saka ako nakakita ng maliwanag na kidlat at ilang mga segundo pa ay isang malakas na kulog.

Ayoko pa sanang pumasok kasi siguro may bagyo pero hayaan mo na.

Tumayo na ako at dumiretsyo sa banyo. Hinawakan ko muna ang tubig pero sobrang lamig non kaya bumaba ako para mag painit ng panibagong tubig na isasalin ko doon.

Pag katapos kong mag painit ng tubig ay naligo na ako at nag palit na ng uniform.

Mamaya pa naman ang pasok ko pero sabi ni kuya na sabay na daw kami kaya paniguradong ako palang ang 4th year highschool doon.

Pag katapos kong mag ayos ay lumabas na ako ng kwarto pero natigilan ako ng may madatnan akong planggana sa tapat ng pinto ko.

Napa tingin ako doon at may laman iyong tubig, lalapitan ko na sana kaso ay may biglang tubig na tumulo mula sa taas.

Napa tingin ako sa kisame at oo nga, may tulo nga iyon.

"Tsk, sa sususunod ipapaayos ko na iyan. O siya kumain kana sa baba, samahan mo na ang kuya mo." Biglang salita ni mama.

Lumapit ako sakanya at humalik sa pisngi bago ako bumaba at sinamahan si kuya na kumain.

Pag katapos naming kumain ay malakas padin ang ulan sa labas kaya gagamitin nalang daw namin yung kotse ni kuya.

"Mag iingat kayong dalawa." Bilin samin ni mama bago kami tumungo papuntang school.

Habang papunta kami sa school ay panay ang litaw ng maliwanag na ilaw ng kidlat at pag katapos noon ay isang malakas na kulog.

Nag simula na akong matakot dahil sa naiisip kong bago makidlatan ako dahil tuwing kikidlat pakiramdam ko malapit lang saakin yon.

Napahawak ako sa braso ko ng makaramdam ako ng lamig mula dito sa loob ng sasakyan.

Nakita kong hininaan ni kuya yung aircon.

"Nilalamig kaba? Hindi ka ba nag dala ng jacket?" Tanong niya saakin at tumingin sa gawi ko.

Tumingin din ako sakanya bago umiling, nakalimutan kong mag dala.

Akmang tatanggalin na ni kuya yung jacket niya ng bigla akong makakita ng maliwanag sa bandang harap namin.

"Kuya may sasakyan!" Taranta kong sigaw kaya napa hawak uli si kuya sa manubela at mabilis itong ginilid para hindi namin mabangga yung sasakyan kanina.

Madilim sa daan at lumalabo ang labas ng bintana ng sasakyan dahil sa mga patak ng ulan kaya siguro naging ganon.

"Okay ka lang?" Tanong sakin ni kuya na binabagalan na ang patakbo ng sasakyan dahil nakita niyang lumalim ang pag hinga ko.

Nakahawak nadin ako sa dibdib ko sa sobrang gulat pero sinubukan kong kumalma at sumandal uli sa upuan.

"Sa susunod kuya mag focus ka sa daan." Sabi ko dahil kanina ay binitawan niya yung manubela para lang tanggalin yung jacket niya at ibigay sakin.

Tumango nalang siya bilang sagot at tahimik na kami hangga sa makarating kami sa school.

Tinanggal na niya ang jacket niya at binigay sakin, kinuha ko naman agad iyon bago ko isuot at saka niya ako inabutan ng payong mula sa likod na upuan.

Binuksan ko yung pinto at nilabas muna yung payong bago ako lumabas at malakas padin talaga ang ulan kasama ng kulog at kidlat.

Ng maka pasok na kami ay yung sapatos ko lang ang medyo nabasa dahil matubig yung dinaanan namin.

"Bea, pasok na ako sa klase. Wala ka bang ibang gagawin?" Tanong niya saakin.

Umiling ako.

"Mag iikot nalang ako sa mga corridor habang hinihintay yung mga ka schoolmates ko, kuya." Sagot ko dahil puro mga senior high palang ang nadito dahil sumabay ako sakanya.

"Sige, pasok na ako." Paalam niya uli at tumango nalang ako saka siya pumunta sa mga kaibigan niya at sabay-saby na silang umalis.

Pumunta nalang ako sa locker ko para tignan kung may spare pa ba akong sapatos para mapalitan ko yung isa na nabasa.

WHISTLE (BTS X BLACKPINK FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon