Jennie's POV
Madilim na... Gabi na....
May kanya kanya kaming flashlight at nag lalakad kaming lahat habang hinahanap kung saan kami makakalabas.
"Nandyan na ba tayo?" Naiinip na tanong ni Jen.
Napairap lang ako kasi pang anim na beses na na may nag rereklamo.
Hindi ko paring maiwasang kabahan kasi baka mamaya may mangyare na naman baka may sumunod kay Jay.
May nakita akong ilaw... Parang ilaw ng sasakyan kaya nabuhayan ako at sinenyasan yung sasakyan.
Nakita din nila 'yon kaya nakisabay nadin sila saakin.
Ng maka lapit saamin yung sasakyan ay tinanong kami at sinabi naming kailangan namin ng tulong at kailangan na naming maka uwi.
Pumayag naman sya kaso lang hindi kami kakasya sa sasakyan.
Hindi ako sumakay at pinasakay nalang yung iba kong classmates kasama sila Rose, Jisoo, Jimin, Jungkook, Namjoon.
Habang kami nila Liza, Jin, Yoongi, Hoseok at Taehyung at ang lima pang natitira naming classmates ay nag paiwan.
11 nalang kaming natira... Nag pasya kami na mag hanap pa ng isang sasakyan kaso biglang na siraan yung flash light ko kaya napatingin sila sakin.
Inabot sakin ni Taehyung yung sakanya kaso umiling ako at hinanap ko nalang yung cellphone ko sa bag ko...
Habang tahimik kaming nag lalakad ay may narinig kaming sumisipol kaya napatingin kami sa paligid.
"Sino yan!" Sigaw ni Jin pero walang nag salita.
"Ahhhh!!!"
"Margo!" Napatingin kami sa likod kung nasaan yung iba naming classmate at nakita namin silang nag takbuhan papasok kung saan maraming puno.
Wala kaming ibang nagawa kundi sundan sila.
"Margo!" Sigaw ko.
"Kenna! Lily!" Sigaw naman ni Lisa.
Biglang may sumipol uli...
"Sino bayan?!" Naiirita kong sabi pero sa totoo lang nanginginig na yung boses ko.
"Kailangan nating mag iba ng daan para mahanap natin sila Margo." Sabi ni Jin.
Mag kakasama kaming tatlo nila Jin at Lisa habang yung apat na iba at si Taehyung,Yoongi at Hoseok ay nag iba ng daan.
Sigaw lang kami ng sigaw sa pangalan ni Margo.
"Shit!" Natapat ko kay Lisa yung flashlight ng phone ko ng mag mura sya.
"Bakit?" Tanong ko.
"May humawak sa paa ko." Sabi nya kaya tinapat ko yung flashlight sa may bandang baba...
Ginalaw ko 'yon papuntang kanan at napasigaw kami ni Lisa ng may makita kaming putol na kamay.
Nag tatatakbo kaming tatlo papalayo doon.
At tumigil kami sa pag takbo ng tumigil si Lisa. Hingal na hingal sya habang hinahawakan nya yung mga tuhod nya.
"Lisa, halika na." Sabi ko at hinawakan yung kamay nya pero inalis nya agad 'yon.
"Lisa..."
"Umalis na kayo." Nagulat ako sa sinabi nya at tinignan si Jin.
"Lisa hindi pwede..." Sabi ko at nilapitan sya.
"Jennie, wala nama--"
"AHHHH!!!" Hindi natuloy ni Lisa yung sasabihin nya ng narinig kaming sigaw.
May narinig kaming mga paa na tumatakbo papalapit samin kaya kinabahan ako.
Feeling ko may nanonood sakin... Na may naka tingin sakin kahit may iba akong kasama yung mga mata nya naka titig lang sakin.
Parang pinag mamasdan nya ko...
Nakita ko si Taehyung, Yoongi at Hoseok na tumatakbo papalapit samin.
Pero may dugo yung damit nila...
"Asan yung iba?!" Kinakabahan kong tanong.
"Patay na sila. Pati si Margo." Nanlaki yung mata ko sa sinabi ni Yoongi.
Hindi. Hindi pwede. Anim na... Anim na ang namamatay... Baka sumunod na kami.
"May nakita kaming sasakyan sa may bandang labas. Tara na." Sabi nila kaya inalalayan ko si Lisa na tumayo kahit na nanginginig yung mga tuhod ko.
***
Nakarating kami sa school at pag ka pasok namin doon ay maraming mga pulis at kung ano-ano pa.
Nakita ko din sila Jisoo at yung iba pa naming classmates pati nadin yung principal.
Nilapitan kami ng iba naming classmate at sila Jisoo at Rose ay nilapitan kaming dalawa ni Lisa.
Hanggang ngayon wala parin sa sarili si Liza pero ng makita nya sila Jisoo at Rose ay bigla syang naiyak.
Kwinento ko ang lahat kay Jisoo habang pinapatahan ni Rose si Lisa.
Nang sabihin ko din sakanya na patay na sila Margo ay nag simula na din syang umiyak.
Niyakap ko sya... Ewan ko kung bakit pero sinisisi ko yung sarili ko... Kung bakit sila namatay... Kasalanan ko..
Nalaman ng iba kong classmate at ng principal ang mga nangyare kaya pinatawag yung mga magulang namin para sunduin kami sa school.
Habang nakaupo lang ako dito at hinihintay si Mama ay nakita ko na isa-isa na silang nag uuwian.
Nakita ko yung Mama ni Margo. Lalapitan ko na sana at mag so-sorry kaso inunahan nako ng iba.
Pinagmamasdan ko lang sa malayo yung mama ni Margo na umiiyak... Kasi nawalan sya ng anak...
Biglang may liwanag na napunta sa mata ko kaya agad ko 'yong tinakpan.
Napatingin ako at galing 'yon sa third floor... Kitang kita ko mula dito sa quadrangle ang tatlong babae sa third floor.
Si Kenna, Lily at Margo...
Nakita ko silang tatlo na naka tingin ng diretsyo sa mata ko.
Ilang beses akong kumurap kurap para makita kung sila ba talga 'yon.
Nakita kong hindi masama ang tingin nila sakin kundi naka ngiti sila...
Nakangiti sila ng makakatakot.
May humawak sa balikat ko at nakita kong si mama 'yon.
Tumingin uli ako sa third floor pero wala na sila doon.
Tinignan ko si mama at niyakap sya.
"Uwi na tayo..." Sabi nya.

BINABASA MO ANG
WHISTLE (BTS X BLACKPINK FF)
HorrorJennie Kim. Is not the type of girl that can easily get your attention. But when she does. You're gonna have to whistle for help. Highest rank achieved: #12 in Horror 6.2.17