Prologue

74.5K 1.4K 155
                                    

The Neighbors Series #3
Dating an Idol
Brianna Rosales
Written by: jglaiza

Prologue

**

Napatigil ako sa paninitig sa abs ni Siwon nang marinig ko ang sunod-sunod na katok sa pintuan ng kwarto ko pati na rin ang malakas na pagtawag sa akin ng kapatid ko. She sounds excited. Sigurado akong tungkol na naman iyan sa idol niya.

"Ate! Ate Bree!"

Napabuntong-hininga na lang ako at nagpasyang i-minimize ang browser ko. Mahirap na. Baka kapag nalaman niyang tinititigan ko na naman ang abs ng isa sa mga idols ko, baka asarin na naman niya ako.

"Pumasok ka na nga!" sigaw ko.

Pagpasok niya ay kitang-kita ko agad ang kasiyahan sa mga mata niya habang hawak ang laptop niya. Sumalampak siya sa kama ko at ipinakita sa akin kung anong mayroon sa laptop niya.

It's a message.

"Anong meron diyan?" tanong ko.

"Basahin mo kasi, Ate."

Napahalukipkip ako. "Ipaliwanag mo na lang kaya kung anong meron diyan kaysa basahin ko pa? Ang haba, eh. Tinatamad akong magbasa."

Inirapan niya ako bago iniharap sa kanya ang laptop niya.

"It's about having a date with Hero Valiente," she excitedly asked.

Napataas ang isang kilay ko. A date with Hero Valiente? Seryoso siya?

Hero Valiente is a known solo singer in the Philippines. Idol na idol iyon nitong kapatid kong si Andrea at matagal na niyang pangarap na mapanood siya ng live. I admit. Maganda naman talaga ang boses ni Hero at gwapo rin ito. Pero mas satisfied na kasi ako sa mga Korean idols ko kaya hindi ko na siya pinagtutuunan ng pansin.

Kahit kailan ay hindi pa iyon nakita at napanood ni Andrea ng live kaya ganoon na lang ang excitement niya sa tuwing nalalaman niyang may concert ito o mall shows. Kaya lang, kahit na may pera siya para doon, hindi naman siya pinapayagan ng mga magulang namin. Fifteen years old pa lang kasi siya.

Pinapayagan naman kami ng parents namin na bumili ng concert tickets or merchandise ng mga idols namin as long as pinag-iipunan namin. Iyong hindi na namin kailangang humingi sa kanila. Maswerte ako dahil nakakapunta ako sa mga concerts ng idols ko dahil nasa tamang edad na ako, pero hindi ang kapatid ko.

Pinapayagan naman ng mga magulang ko si Andrea basta ako ang kasama niya. Kaya lang, since hindi ko naman idol si Hero, kahit kailan ay hindi ako pumayag sa gusto ng kapatid ko na samahan siya. Magkaiba kasi kami ng idols. She's into Hero Valiente while I'm into K-pop kaya hindi ko siya masamahan. I'm a bad sister, I know. Pero kasi, ano namang gagawin ko roon?

At ngayon, hindi ko alam kung anong gusto ng kapatid ko kaya niya ipinapakita sa akin ito. A date with Hero Valiente? Huwag niyang sabihing gusto niyang samahan ko siyang makipag-date kay Hero? Masasapak ko talaga itong kapatid ko kapag ginawa niya akong third wheel ng date nila.

Besides, she's just fifteen. Papayagan ba siya ng parents namin na makipag-date?

"Oh, anong meron diyan?" tanong ko.

Dating an Idol (The Neighbors Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon