Forty-One

30.9K 801 74
                                    

Chapter 41
Mall Show

**

After more than a year...

Napalingon ako sa TV na nasa loob ng pastry shop nang marinig kong binanggit ang pangalan ni Hero. Mga ilang sandali lang ay ipinakita na siyang nagpe-perform sa isang sikat na noon time show. Napangiti ako nang marinig ko siyang kumanta.

"You miss him?"

Napalingon ako sa babaeng tumabi sa akin. It was my friend, Zyrine. Nakatingin din siya ngayon sa TV pero nilingon niya rin ako. Bumaling ulit ako sa TV.

"Very much," I replied.

It's been more than a year since I left Hero. Mula nang iwan ko siya, sa TV at internet na lang ako nakakakuha ng balita tungkol sa kanya. I deactivated some of my SNS accounts at kahit kailan ay hindi ko na iyon binuksan. Tanging ang Twitter at Instagram ko lang ang hinayaan kong bukas pero hindi ako nagpo-post ng kahit ano.

Sa Cebu ko naisipang pumunta para manirahan. Dito ko naisipang pumunta dahil espesyal sa amin ni Hero ang lugar na ito. Pagdating ko sa Cebu ay nagpasya akong manatili muna sa isang inn habang naghahanap ng murang matitirhan. Pagkatapos ng dalawang araw, nakahanap naman ako ng malapit sa dagat. Kasama na sa renta ang tubig at kuryente kaya hindi ko na iyon pinoproblema. Hindi ganoon kalaki ang bahay pero sakto lang para sa akin. Maganda pa ang environment lalo na sa kalagayan ko noon. Wala pang kahit anong gamit noon kaya kinailangan ko pang bumili. Mabuti na lang, dala ko ang perang naipon ko at ang perang ipinahiram sa akin ni Daddy.

Kapitbahay ko roon si Zyrine kasama ang nakatatanda niyang kapatid na si Zeus. Ayon sa kanya, matagal na raw patay ang mga magulang nila kaya silang dalawa na lang ang magkasama. Ang mga kamag-anak naman daw nila ay sa Maynila naninirahan.

Noong una ay hindi alam ni Zyrine ang tungkol sa amin ni Hero. She knows Hero but she doesn't know that I'm his girlfriend. Nalaman niya lang iyon nang maikwento ko sa kanya kung bakit nga ba ako nasa Cebu. Hindi raw kasi siya mahilig mag-internet at hindi rin siya mahilig manood ng TV kaya hindi niya alam na may girlfriend pala si Hero. Isa pa, busy rin kasi siya sa pastry shop na pagmamay-ari nilang magkapatid.

Hindi siya agad naniwala na boyfriend ko si Hero. Pero nang ipakita ko sa kanya ang article noon tungkol sa amin pati na rin ang mga pictures namin, naniwala na siya. Sa ngayon, maliban sa mga kaibigan ko at pamilya ko na nasa Maynila, siya at ang kapatid niya lang ang nakakaalam kung anong tunay na nangyari kung bakit ko iniwan si Hero. Naniniwala naman akong hindi nila iyon ipagsasabi kahit kanino.

On the other hand, I've been hearing news from Hero on the internet and on TV. One week after I left him, nabalitaan kong na-reschedule ang dapat na pagre-release niya ng album at pansamantala siyang magbabakasyon. Iniisip siguro ng iba ay dahil gusto lang magpahinga ni Hero, pero alam kong ako ang dahilan kung bakit biglang ganoon ang nangyari.

Three weeks after I left him, he posted something on his Twitter. It just said, I miss you, baby. Please come back. Of course, dahil sikat siya, naghinala ang mga fans niya na baka break na kami. Naghinala sila na kaya hindi natuloy ang pagre-release niya ng album ay dahil sa akin.

His fans have been throwing hate comments on my Instagram. They keep on mentioning me on Twitter. Hindi ko na lang sila pinapansin dahil hindi naman nila alam ang totoong nangyari sa amin ni Hero. Pero sa isang bahagi ng isip ko, deserve ko iyon dahil alam kong nasaktan ko ang lalaking iniidolo nila. Mabuti nga at wala namang nakakakilala sa akin dito sa Cebu dahil medyo malayo kami sa siyudad. Isa pa, malapit lang naman ang palengke sa amin kaya hindi ko na kailangang lumayo. Hindi ko na rin sinusubukang pumunta sa lugar na maraming tao dahil natatakot akong baka may makakilala sa akin at sabihin kay Hero.

Dating an Idol (The Neighbors Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon