Featured Song: They Don't Know About Us – One Direction
"I don't wanna wait any longer. I just wanna tell the world that you're mine, girl..."
**
Chapter 49
Interview**
Ngayon ang balik ni Hero sa Manila kasama si Kuya Kevin. Oo, sila lang. Ang usapan namin talaga ay sasama na kami sa kanya pagbalik sa Manila pero pagkatapos ng lumabas na issue kahapon, nagpasya siyang maiwan muna kami rito hanggang sa maiayos na niya ang lahat.
Si Ate Leona ang makakasama namin dito sa Cebu hanggang sa makasunod kami sa kanya sa Manila. Hindi kasi kampante si Hero na wala kaming ibang kasama rito kahit na kapitbahay ko lang naman sina Zyrine at Zeus. Speaking of the two, they offered help as soon as they saw the news on TV.
Ang sabi sa akin ni Hero, pagbalik daw niya sa Manila ay magkakaroon siya ng interview sa isang late night show para magsalita tungkol sa issue na lumabas. Pagkatapos no'n, saka niya ako sasabihan kung pwede na ba kaming sumunod sa kanya o hindi muna.
Hindi na kami sasama sa kanila papunta sa airport para makaiwas na rin sa mga tao kaya nandito kami ngayon sa harap ng bahay nina Kuya Kevin. Nakahanda na sila sa pag-alis kaya hindi ko maiwasang malungkot dahil ilang araw rin kaming hindi magkikita.
Habang chine-check pa ni Kuya Kevin kung may nakalimutan sila ay nilapitan ako ni Hero. Bago siya tuluyang lumapit sa akin ay lumuhod muna siya para matapatan ang kambal na ngayon ay nasa kanilang stroller. Kinausap niya ang dalawa.
"Hey, boys. Daddy will see you soon. Behave, okay? Don't give Mommy a hard time," he said to the both of them. "I love you. I'll miss you."
He kissed them both before looking up at me. Tumayo siya saka lumapit sa akin. He immediately pulled me in for a hug. I hugged him tight as well.
"I'll miss you," he said. Napangiti ako.
"Ikaw naman. Ilang araw lang naman, 'di ba?"
"Yes. But I'll still miss you."
"Me, too," I replied. "Ingat kayo pauwi, ha? Call me when you get there. Saka pagdating niyo roon, kumain ka bago magpahinga. Huwag kang magpapalipas ng gutom lagi, okay? And take care of yourself."
Hinalikan niya ang gilid ng ulo ko habang nakayakap pa rin sa akin.
"I will. You take care, too. If you need help, just tell Leona or your friend, Zyrine. At kahit labag sa loob ko, sige na. You can also ask Zeus for help. Basta huwag kang magpapaagaw, ha?"
Hindi ko mapigilang matawa sa sinabi niya.
"Opo. Hindi po ako papaagaw sa kahit na sino," sagot ko. "I love you, Hero. I'll miss you, too."
"I love you more, baby."
Matapos naming makapagpaalam sa isa't isa ay tumuloy na sila sa pag-alis. Bumalik naman kami sa bahay kasama si Ate Leona. She'll still sleep at their house but she'll be with us the whole day.
Hero called me as soon as he got home. Bukas pa ang taping ng interview sa kanya at bukas naman ng gabi ipapalabas iyon.
Kinabukasan, tinawagan niya rin ako para kumustahin kami. Papunta na raw siya sa studio kung saan gaganapin ang interview. I wished him good luck and told him not to worry about us. Maayos naman kami at mas mabuti kung magfo-focus na muna siya sa interview na mangyayari.
Pagdating ng gabi, kasama ko si Ate Leona sa bahay para sabay naming panoorin ang interview. Sa bahay na rin muna siya matutulog dahil masyado nang gabi. Kasalukuyang natutulog ang kambal sa kwarto kaya kaming dalawa na lang ang gising sa mga oras na ito.
BINABASA MO ANG
Dating an Idol (The Neighbors Series #3)
RomanceThe Neighbors Series #3 Highest Rank: #28 in Romance Mula nang maging fangirl si Brianna Rosales, wala na siyang ibang hiniling kundi ang makilala ng personal ang mga idols niya. Ilang beses na nga siyang pinagsabihan ng mga kaibigan niya na kaya si...