Featured Song: Right Here, Right Now – Zac Efron, Vanessa Hudgens
"Then I would thank that star that made our wish come true, 'coz he knows that where you are is where I should be, too..."
**
Chapter 22
Sing**
"By the way, how did you know my place? Parang hindi ko yata nabanggit sa'yo kung saan ako nakatira," sabi ni Hero sa akin habang nakapangalumbaba sa kitchen counter. Pinapanood niya akong naghahanda ng mga kakailanganin ko sa pagluluto ng carbonara.
"I asked Andrea about it. Buti na lang alam niya. Nagulat pa nga ako kasi pati unit number mo, alam niya. Did you announce it online?" tanong ko bago ko inilagay ang pasta sa kumukulong tubig para pakuluan.
"No, I didn't. Nagulat na nga lang ako kasi nalaman iyon ng mga fans. Maybe one of my fans lives in this building," he said. "Anyway, wala pa namang nangangahas na pumunta rito."
"I saw some of your fans outside the building. Mukhang ikaw yata ang hinihintay nila."
"Yeah. Tumatambay talaga sila sa labas tuwing birthday ko. They bring gifts for me. Nagpapakita naman ako sa kanila pero kadalasan, tuwing hapon na lang dahil lagi akong may schedule tuwing birthday ko. Ngayon lang naman wala. But I'll probably go down later. I don't want to waste their efforts in coming here just to see me."
Napatango-tango ako. At least, he appreciates all their efforts. Pero hindi ba niya gustong makasama ang mga fans niya na mag-celebrate ng birthday niya? Parang masaya rin naman iyon. Anyway, nasa sa kanya rin naman iyon. He probably wants to celebrate his birthday alone or with Sir Kevin and Ate Leona. Or maybe with his family.
Speaking of Hero's family, he never mentioned them to me. Hindi ko rin naman magawang mag-search ng tungkol sa kanya online dahil nawawala sa isip ko. Nilingon ko siya.
"Hero, can I ask you something?" I asked.
"Sure. What is it?"
Tumikhim ako. "Where's your family? I mean... you never mentioned them to me. Hindi ba sila pupunta rito para i-celebrate ang birthday mo?"
Napansin ko ang pagbabago ng reaksyon niya nang itanong ko iyon. I suddenly felt bad. Parang hindi ko yata dapat binanggit ang pamilya niya. Pero bakit kaya? Bakit naging iba ang reaksyon niya nang banggitin ko iyon? Is he not in good terms with his family?
Nevertheless, I shouldn't force him to tell me about them, right?
"Uh... okay lang kahit huwag mo nang sagutin. Mukhang hindi ko yata dapat tinanong iyon," sabi ko habang nakayuko. Nag-focus na lang ako sa paghihiwa ng mga kailangan ko.
"No, it's okay. Dapat mo rin naman talagang malaman kung nasaan sila since I'm courting you. I know you're just trying to know me better," he said. Ngumiti siya ng tipid. "My Mom died when I was ten, car accident. I don't have any siblings."
"Oh, sorry to hear that."
"It's okay. Matagal naman na kaya kahit papaano, tanggap ko na," aniya. "My Dad is a businessman. Nagkikita lang kami kapag umuuwi ako sa bahay. Minsan nga, hindi na kami nagkikita. Simula kasi nang mamatay si Mommy, nagpaka-busy na siya sa pagtatrabaho kaya madalas, ginagabi na siya ng uwi. I understand, though. Alam kong nasaktan siya sa pagkawala ni Mommy. At tingin ko, hanggang ngayon, hindi pa rin niya matanggap na wala na siya."
Napatango-tango ako. "Hindi ka ba niya pupuntahan ngayong birthday mo?"
Umiling siya. "Mula nang mamatay si Mommy, hindi na ako nag-celebrate ng birthday ko. Nakapag-celebrate na lang ulit ako mula nang maging singer ako. Laging ipinipilit nina Kevin at Leona na mag-celebrate ako kahit na ayoko. Magugulat na lang ako, nakapaghanda na pala sila. My Dad was never invited, though. Kaming tatlo lang ang laging nagce-celebrate. Tumatawag na lang siya para bumati."
BINABASA MO ANG
Dating an Idol (The Neighbors Series #3)
RomanceThe Neighbors Series #3 Highest Rank: #28 in Romance Mula nang maging fangirl si Brianna Rosales, wala na siyang ibang hiniling kundi ang makilala ng personal ang mga idols niya. Ilang beses na nga siyang pinagsabihan ng mga kaibigan niya na kaya si...