Chapter 19
Jealous**
Nagising ako nang maramdaman ko ang pagtapik ng kung sino sa pisngi ko. Naririnig ko rin ang mahinang boses nito na parang ginigising ako.
"Bree, wake up."
I slowly opened my eyes and saw someone's lips near my eyes. Nang iangat ko ang tingin ko pataas ay ang mga mata ni Hero ang bumungad sa akin. Nanlaki ang mata ko at agad akong napaayos ng upo.
"Sorry to wake you up but we're here," he said. "Are you okay? Hindi ba masakit ang leeg mo? Baka nangalay ka?"
I awkwardly smiled and shook my head. "No, I'm okay. Sorry nga pala kasi nakatulog pala ako sa balikat mo."
"No worries. Ilang beses ka kasing nauntog kanina habang nakasandal ang ulo mo sa bintana. I just want to make you feel comfortable," he said, smiling.
Parehas kaming natigilan nang marinig naming sumigaw si Niel mula sa labas, sa bandang likod ng sasakyan. "Hey, lovebirds! Wala ba kayong balak lumabas diyan? The weather is nice."
"Oo nga. Dito na kayo maglambingan. Mamaya na kayo magsolo," dinig kong sabi naman ni Saff. I sighed and apologetically smiled at Hero.
Ito ang mahirap kapag ikaw na lang ang nag-iisang walang boyfriend o asawa sa inyong magkakaibigan. You'll be the center of attention. Ikaw ang sentro ng kantyawan.
"I'm sorry. They're just too obsessed about the idea of you courting me. Matagal na kasi talaga nilang gustong magka-boyfriend ako," sabi ko sa kanya. Binuksan na niya ang pinto ng van at nauna na siyang bumaba. Tinulungan naman niya akong makababa paglabas niya.
"Sagutin mo na raw kasi ako," nakangising sabi niya. Inirapan ko siya.
"Tss! Manahimik ka nga diyan. Paghirapan mo raw muna ako," sagot ko. Natawa na lang siya sa sinabi ko. Dahil nakakahawa ang tawa niya ay natawa na rin ako.
Napatingin ako sa dagat na nasa harap namin. Nakaka-refresh makita ang dagat ng ganito kaaga. Hindi pa masyadong sumisikat ang araw kaya masarap tumambay ngayon dito sa labas. Nilingon ko rin ang bahay na pagmamay-ari nina Joseff. Gawa ang bahay sa kahoy pero halatang matibay ang pagkakagawa no'n. Mayroong porch iyon at mayroon ding tatlong sun lounger sa harap. Mayroon ding mahabang mesa at mahabang upuan sa tabi nito.
Nilingon ko sina Sapphire at Eunice na kasalukuyang nasa porch na ng bahay kasama ang mga bata pati na rin si Andrea. Imbes na lumapit sa kanila ay kina Hero ako lumapit na kasalukuyang kinukuha na ang mga gamit na dala namin.
Kukunin ko na sana ang isang gamit pero naunahan na ako ni Joseff. Napatingin ako sa kanya.
"Kami na ang bahala rito, Bree. Can you please look after the kids instead? Nandoon naman si Zoey pero kasi—"
Pinutol ko ang sinasabi niya. "Okay. You don't have to explain. Alam ko naman kung gaano kalikot si Jasper."
He smiled. "Thanks."
Tumalikod na ako para puntahan sina Sapphire sa porch. Pero bago ako makarating doon ay nakita ko si Jasper na kasalukuyang tumatakbo papunta sa dagat. Bago pa man siya makalapit doon ay tumakbo ako nang mabilis para kunin siya.
"Where are you going, baby boy?" nangingiti kong sabi. He giggled. "Ikaw, ha? Don't go there alone. It's dangerous."
He just giggled again. Ngumiti ako at hinalikan ko ang pisngi niya. Naglakad na ako papunta sa porch habang buhat ko si Jasper. Nasa porch pa rin sina Sapphire dahil mukhang hindi pa nabubuksan ang pinto ng bahay. Siguro na kay Joseff ang susi.
BINABASA MO ANG
Dating an Idol (The Neighbors Series #3)
RomanceThe Neighbors Series #3 Highest Rank: #28 in Romance Mula nang maging fangirl si Brianna Rosales, wala na siyang ibang hiniling kundi ang makilala ng personal ang mga idols niya. Ilang beses na nga siyang pinagsabihan ng mga kaibigan niya na kaya si...