Twenty-Five

33.2K 913 45
                                    

Chapter 25
Night

**

Pagkatapos kong kumain ng tanghalian ay mabilis na akong naligo at nag-ayos. Sobrang excited na ako sa mga mangyayari mamayang gabi kaya kahit na alas siyete pa ng gabi ang simula ng no'n ay naka-ready na ako ng mga alas dos ng hapon. Nag-file pa ako ng leave para sa araw na ito para lang maaga akong makarating.

It's concert day. Excited na talaga akong makita ang mga idols ko!

Bago ako umalis ay chineck ko munang mabuti kung wala na ba akong nakalimutang dalhin. Ticket, check! Lightstick, check! Extra shirt and towel, check! Cellphone and power bank, check! Umbrella, check! House keys, check! Personal hygiene needs, check!

Nang masiguro kong wala na akong nakalimutan ay nagpaalam na ako kina Mommy na aalis na ako. Ang sabi ni Hero ay sa venue na lang daw kami magkita dahil kailangan pa raw niyang pumunta sa GAE ngayong araw. Nag-commute na lang ako dahil ihahatid na lang daw niya ako mamaya pauwi.

Habang nasa biyahe ako papunta sa venue ay hindi ko maiwasang manibago at mailang. Naninibago ako dahil mula nang lumabas ang issue na ako ang nililigawan ni Hero ay lagi na akong nagdadala ng sariling sasakyan kapag umaalis at pumapasok sa trabaho pero ngayon lang ulit ako nag-commute. Naiilang ako dahil marami na ang nakakapansin sa akin. Hindi naman sila lumalapit sa akin pero kitang-kita ko kung paano nila ako tingnan at kung gaano nila kagustong lapitan ako.

Some of them are looking at me curiously. Ang iba naman ay nakatingin lang na para bang natutuwa silang makita ako. May iba pang nagbubulungan na siyempre, hindi ko naman marinig ang sinasabi. Hindi ko tuloy alam kung mabuti ba ang sinasabi nila tungkol sa akin o hindi. Mabuti na lang at wala pa naman akong nakikitang nakatingin sa akin na mukhang hater ko.

Inilabas ko na lang ang earphones ko at sinuot iyon. Mas mabuting huwag ko na lang silang pansinin. Kung may sinasabi man silang masama tungkol sa akin, mas mabuting huwag ko na lang marinig. Baka masira lang ang mood ko.

Maya-maya lang ay nakarating na nga ako sa venue. Namilog ang mga mata ko nang makita kung gaano na karami ang nasa venue. Nakapila na ang iba sa kanila samantalang ang iba ay palakad-lakad lang. Mayroong mga nakatambay lang na mukhang naghihintay na may magbigay sa kanila ng passes.

Nagpunta na ako sa linya ng mga may VIP passes. Medyo mahaba na ang pila pero okay lang. Nagpunta ako sa likod ng dalawang babaeng mukhang fans ng APink dahil sa suot nilang hairband. May hawak din silang lightstick ng APink na katulad ng sa akin. Nakasalampak sila sa sahig dahil siguro ay nangawit na sila. Ginaya ko sila para hindi naman ako mangawit. Matagal pa kaming maghihintay rito, eh.

Mabuti na lang at makulimlim ang panahon ngayon. Mukhang uulanin yata ang concert mamaya. Open grounds kasi ang lugar kaya siguradong mababasa kami kung sakaling umulan. Anyway, may payong naman akong dala kaya okay lang.

Tinext ko si Hero para sabihing nandito na ako sa venue at nakapila na ako para sa aming dalawa. Hindi siya nag-reply kaya naisip kong baka busy pa siya. May meeting yata sila ngayon sa GAE. Hindi ko naman alam kung tungkol saan.

Inabala ko na lang muna ang sarili ko sa pamamagitan ng paglalaro sa cellphone ko. May dala naman akong power bank kaya walang problema kung sakaling ma-lowbat man iyon.

Mga bandang alas kwatro ng hapon nang makatanggap ako ng text galing kay Hero. Papunta na raw siya ngayon dito. Kasama raw niya sina Kuya Kevin at Ate Leona pero hindi naman daw sila papasok sa loob. Sasamahan lang daw siya papunta sa akin dahil delikado kung maglalakad siyang mag-isa papunta sa kung nasaan ako.

Kasalukuyan akong nagkakalikot sa cellphone ko nang bigla akong makarinig ng mga tilian. Pag-angat ko ng tingin ay nakita kong may tinitingnan sila sa 'di kalayuan. Hindi ko iyon makita dahil sa mga taong nakikisilip din kung sino iyon. Tumayo ako para makiusyoso kung sino iyon dahil baka may isang artist na dumating.

Dating an Idol (The Neighbors Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon