Seven

40.1K 879 50
                                    

Featured song: Harana – Parokya ni Edgar

"Ibubuhos ko ang buong puso ko sa isang munting harana para sa'yo..."

**

Chapter 7
Love

**

Nakaupo kami ngayon ni Hero sa damuhan habang tahimik siyang nag-i-strum ng gitara. Nakatingin naman ako sa langit dahil nagagandahan ako sa bilog na buwan ngayon. Gabi na pero mukhang ayaw niya pang umuwi kaya dinala ko muna siya rito.

Pagkatapos ko siyang dalhin sa bahay kanina para ipakilala sa mga magulang ko at kay Andrea, nag-date naman kami sa dining room namin. Gustong-gusto niya ang sinigang na niluto ko kaya naparami ang kain niya. After our date, nakipagkwentuhan ulit siya sa mga magulang ko pagkatapos ay niyaya niya muna akong lumabas. Dahil hindi naman na kami pwedeng bumalik sa safe haven niya dahil malayo iyon, naisip kong siya naman ang dadalhin ko sa safe haven ko.

Actually, safe haven namin ito nina Eunice at Saff. Si Eunice ang nagdala sa amin ni Saff dito. Ang sabi niya, special place raw nila ito ni Niel. Dinala niya kami rito noon dahil gusto niyang maging special place na rin namin ito. Okay lang naman daw kay Niel kaya hinayaan na lang namin. Besides, hindi rin naman sila ang may-ari ng lugar na ito.

This place is by the lake. Malawak ang lugar pero puro damuhan at may mga puno rin sa di kalayuan. Ito ang lugar kung saan masarap mag-picnic. Mabuti nga at hindi pa ito ginagawang pasyalan. Sayang naman ang ganda ng paligid kung tatapunan lang ng mga tao ng kung ano-ano. Mas okay nang ganito na lang.

Ayaw pa ni Hero na umuwi dahil hindi pa naman daw siya hinahanap ni Sir Kevin. Besides, it's still early. 6:30 PM pa lang kaya pumayag akong sumama na muna sa kanya. Nangako naman siya na ihahatid niya ako mamaya pauwi.

Akala ko ay mananatili na lamang kaming tahimik pero mga ilang sandali lang ay nagsalita siya.

"Hey. I want to thank you for bringing me to your house. Your family is so warm. And thank you for your hospitality. Masaya ako dahil ikaw ang naka-date ko ngayon," aniya habang nakatingin sa akin. Ngumiti pa siya na naging dahilan para mapangiti na rin ako.

"Wala iyon. Ako nga ang dapat na mag-thank you dahil pumayag ka na sumama sa bahay. Thank you."

"No worries. I had a great time so it's okay," he said. "Salamat din dahil pumayag kang maging kaibigan ko. Pero wala ka man lang bang itatanong tungkol sa akin? Ang sabi mo, hindi naman kita fan kaya wala kang alam tungkol sa akin. Aren't you curious about me?"

Napanguso ako. "Well, mukha ka namang mabait. Sapat na siguro iyon sa ngayon. Since we're friends now, we still have a lot of time to get to know each other. Maliban na lang kung gusto mong magkwento na ngayon ng tungkol sa'yo."

Mahina siyang tumawa.

"Then, I guess I need to at least tell you something about me. Kahit kaunti lang," aniya pagkatapos ay tumikhim siya. "Well, you already know my name. I'm Hero Valiente, 26 years old, and a singer. It's been five years since I debuted as a singer. Nakuha ako dahil nag-viral ang mga song covers ko noon sa Youtube. GAE liked my covers so they talked to me and asked me to be their talent. Hanggang sa ito na nga. I'm a well-known singer now."

Nagulat ako sa sinabi niya.

"Nagco-cover ka ng songs dati?" I asked. Tumango naman siya.

"Yeah. Hanggang ngayon pa rin naman pero bihira na dahil madalas na akong busy sa trabaho. Simula bata ako, hilig ko na talaga ang pagkanta. My dream is to be a singer ever since I was a kid. Mabuti na lang at natupad ko na iyon ngayon. Ang hinihintay ko na lang ngayon ay ang makilala ako sa buong mundo. I already had concerts here. Gusto ko namang mag-concert sa iba't ibang bansa para makita nila ang talent ko."

Dating an Idol (The Neighbors Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon