Featured song: Beautiful - Crush
**
Chapter 27
Wish**
Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko. Kahit inaantok pa at masama ang pakiramdam ay pinilit kong idilat ang mga mata ko para tingnan kung anong oras na. It's already 8:05 PM.
Nanghihinang kinuha ko ang cellphone ko sa ibabaw ng bedside table. I immediately answered my phone without looking at the screen.
"Hello?"
"Baby, it's me."
Biglang nagising ang diwa ko nang marinig ko ang boses ni Hero mula sa kabilang linya. "Hero?"
"Yes, baby. How are you? Kevin told me you're sick. Wait. Did I wake you up?"
"It's okay. Kanina pa rin kasi ako tulog. Masama pa rin ang pakiramdam ko pero medyo na lang. Ikaw? 'Di ba nilalagnat ka rin?" tanong ko.
"Yeah. But I'm okay now. Masakit na lang ang ulo ko. Mabilis lang akong gumaling. Kumain ka na ba? Uminom ka na ng gamot?"
Hindi ko maiwasang mapangiti nang marinig ko ang mga tanong niya. Ganito pala iyon, 'no? Hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam na may ibang taong nag-aalala sa'yo maliban sa pamilya mo at mga kaibigan.
"Baby? Are you still there?"
Tumikhim ako. "Yes. I'm still here. Uh... kanina pa 'yong huling kain ko at inom ng gamot. Tatawagin ko na lang si Mommy mamaya."
Narinig ko ang paghinga niya ng malalim mula sa kabilang linya. Matagal siyang natahimik. I'm suddenly wondering what he's thinking. Pero mukhang hindi ko na kailangang itanong dahil bigla na siyang nagsalita makalipas ang ilang sandali.
"Do you want me to go there?"
Nagulat ako sa tanong niya. "No. Huwag na. Magpahinga ka na lang. Baka mabinat ka pa at bumalik ulit ang lagnat mo. Bukas mo na lang ako puntahan, okay?"
"I'm just worried, baby."
"You don't have to be worried. Nandito naman sina Mommy para alagaan ako, eh. Promise. Kakain na ako mamaya tapos iinom ng gamot," I assured him.
"I want to take care of you, too."
Napangiti ako. "Pwede naman, eh. Kaya lang, may sakit ka rin. Next time na lang?"
He sighed. "Okay. Pero kapag hindi ka pa rin magaling bukas, pupunta ako sa inyo para ako na ang mag-alaga sa'yo, okay?"
Napanguso ako. Parang ayoko na tuloy gumaling. Gusto kong alagaan niya ako. Gusto kong malaman kung paano ba mag-alaga si Hero. Kaya lang, kapag hindi pa ako gumaling, baka mas lalo lang siyang mag-alala.
"Okay po," sagot ko na lang. "Basta siguraduhin mo lang na maayos na talaga ang pakiramdam mo, ha? And please, drink your meds, too. Baka bumalik ang lagnat mo."
"Yes, baby. Don't worry," he replied. "Hindi tuloy natin nasabi sa kanila ngayon na tayo na. Excited pa naman akong sabihin sa kanila na sinagot mo na ako. And today is supposed to be our first day as a couple. Pero tingnan mo, pareho tayong nagkasakit."
Mahina akong tumawa.
"But it's okay. Ayos lang naman kung ma-delay ng isang araw ang pagsabi natin sa kanila ng tungkol sa relasyon natin. Bukas, sisiguraduhin kong malalaman na nila. I'll visit you tomorrow, okay?"
"Okay. Ingat ka, ha?"
"Of course. Sabi ko nga sa'yo, pakakasalan pa kita," aniya na ikinainit ng pisngi ko. "Sige na. Ibababa ko na ito. Kumain ka na, ha? And drink your meds. Magpahinga kang mabuti."
BINABASA MO ANG
Dating an Idol (The Neighbors Series #3)
RomanceThe Neighbors Series #3 Highest Rank: #28 in Romance Mula nang maging fangirl si Brianna Rosales, wala na siyang ibang hiniling kundi ang makilala ng personal ang mga idols niya. Ilang beses na nga siyang pinagsabihan ng mga kaibigan niya na kaya si...