Twelve

34.4K 763 32
                                    

Chapter 12
Picture

**

Since the day Hero revealed that he's courting someone, everyone became curious about that someone's identity. My identity. Gusto nilang malaman kung sino ba ang nililigawan niya kuno. So far, everything is okay. Curious sila pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nila alam kung sino ako.

Ilang araw na ang lumipas mula nang lumabas ang issue tungkol kay Hero. Sa ngayon, kampante ako na hinding-hindi ilalabas ng media ang tungkol sa identity ko.

Hero added me on Facebook using his private account. Kapag bored siya at hindi siya busy, nagkakausap kami sa chat. Mas nakakapag-usap pa nga kami roon kaysa sa text. Wala naman kaming masyadong pinag-uusapan. Kadalasan kasi, ikinukwento niya lang sa akin ang ginawa niya buong araw. Minsan, tinatanong niya rin ako kung anong ginagawa ko.

Minsan naman, tinatanong niya ako ng mga bagay na tungkol sa akin. According to him, we should know each other better. Puro maliliit na bagay lang naman ang tinatanong niya like my favorite color, favorite food, favorite song, favorite movie, etc. Alam na rin niya kung ano ang mga hilig ko. Kahit papaano, masasabi kong naging close naman kami.

Ang huling pagkikita namin ni Hero ay noong nagpunta siya sa bahay pagkatapos ng meeting niya kasama ang GAE president kung saan sinabing hindi na siya makakasama sa concert tour ng Famoso. Puro usap lang kami ngayon at nabalitaan kong busy raw siya sa mga photoshoots niya.

Katatapos lang ng trabaho ko sa araw na ito. Pauwi na ako at kasalukuyang nagda-drive pauwi. Kasama ko ulit si Aries ngayon dahil tinamad siyang dalhin ang kotse niya.

Naka-connect sa radio ang cellphone ko nang bigla iyong tumunog hudyat na may tumatawag. Sinilip ko iyon at nakitang si Hero ang tumatawag. Bago ko iyon sinagot ay sumulyap muna ako kay Aries. Busy siya sa pagkalikot ng cellphone niya.

"Okay lang bang sagutin ko 'yong phone habang nakakabit sa radio?" tanong ko sa kanya.

"Yeah, sure," sagot niya habang nakatutok pa rin sa cellphone niya.

"Huwag kang maingay, ha?" sabi ko bago sinagot ang tawag. "Hello?"

"Hey, Bree. Are you busy?"

Sa peripheral vision ko ay napansin ko ang paghinto ni Aries sa pagkalikot sa cellphone niya at napatingin siya sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin.

"Not really. Actually, I'm on my way home. Katatapos lang ng work ko," sagot ko sa kanya.

"Great! Can I invite you for dinner?"

Bago pa ako makasagot ay naramdaman ko ang pagtapik ni Aries sa braso ko. Saglit ko siyang sinulyapan bago ko ibinalik ang tingin ko sa daan. He mouthed, 'Sama ako!' Pinanlakihan ko lang siya ng mata.

"Bree? Are you still there?" I heard Hero asked.

"Yeah. I'm still here. Um... ngayon na ba?" tanong ko.

"If it's okay with you. I don't want a typical dinner, though. May gusto sana akong kainin, eh. Do you know a place where we can eat isaw or some street food?"

Napakunot-noo ako. "Street food? Meron naman. Pero sigurado kang iyon ang gusto mong kainin?"

"Yes. Naisip ko kasing matagal na akong hindi nakakakain no'n. Is it okay with you? Kung ayaw mo, okay lang naman. We can find another restaurant."

"No. Okay lang. Iyon na lang ang kainin natin. Matagal na rin naman akong hindi nakakakain no'n. Pero paano iyan? Karamihan sa mga bilihan ng street food ay maraming tao. People might recognize you," I said.

Dating an Idol (The Neighbors Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon