One

53.9K 1.1K 19
                                    

Chapter 1
Date

**

Brianna's Point of View

Inis na inis ako buong araw habang nasa trabaho. Hindi maalis sa isip ko ang nabasa kong text galing sa Grand Artists Entertainment na nagsasabing ako ang nanalo bilang date ni Hero Valiente.

Hindi naman ako nag-donate doon, eh. Isang tao lang talaga ang alam kong may kinalaman pagdating sa bagay na iyon. Iyon ay ang magaling kong kapatid. Naku! Humanda talaga siya sa akin mamaya pag-uwi ko!

Mabuti na lang at hindi naman napansin ng mga katrabaho ko na naiinis ako. At buti na lang, hindi rin naman napapansin ni Aries na badtrip ako dahil busy rin siya. Sigurado kasing hindi niya ako titigilan hanggang sa sabihin ko sa kanya kung anong problema ko. Ayoko namang sabihin sa kanya 'yong tungkol sa date dahil baka sabunutan niya ako dahil sa inggit.

Nang matapos ang shift ko ay nag-ayos na agad ako ng gamit sa locker room. Gusto ko na talagang umuwi. Maliban sa pagod na ako, gustong-gusto ko na ring kausapin ang kapatid ko.

Pagkatapos kong mag-ayos ng gamit, lumabas na ako sa locker room at nagpasyang sa labas ng coffee shop na lang maghintay kay Aries. Madalas kasi ay sabay kaming umuuwi dahil idinadaan niya ako sa amin. Nadadaanan niya kasi ang bahay namin kapag pauwi siya kaya hindi na ako nagdadala ng sarili kong sasakyan. Minsan din ay sinusundo niya ako sa bahay kapag papasok kami pero mas madalas na nagta-taxi na lang ako dahil mas maaga akong pumapasok kaysa sa kanya.

Habang naghihintay ako sa labas ay narinig kong tumunog ang wind chimes hudyat na may lumabas na. Akala ko ay si Aries na iyon pero bumagsak ang balikat ko nang makita si Cathy, isa sa mga katrabaho at ang babaeng talagang kinaiinisan ko.

Imbes na pansinin siya ay ibinaling ko na lang ang tingin ko sa ibang direksyon. Pero mukhang wala siyang balak umalis nang hindi ako naaasar kaya lumapit siya sa akin.

"Nandito ka pa pala, Bree. Sinong hinihintay mo? Boyfriend mo?" tanong niya. Napapalatak siya nang may ma-realize. "Ah, oo nga pala. Wala ka nga palang boyfriend. NBSB ka nga pala, 'no?"

Hindi ako sumagot. Nanatili lamang akong nakatingin sa kanya. Napansin niya sigurong seryoso ako kaya tumikhim siya.

"Ito naman. Joke lang. Inaasar lang kita," sabi niya saka tumawa nang mahina. "Sige. Alis na ako. Magkikita pa kasi kami ng boyfriend ko, eh."

Pagkasabi niya no'n ay kumaway pa siya bago umalis. Pag-alis niya ay napabuntong-hininga ako.

Nakakainis talaga! Nakakainis na talaga ang babaeng iyon! Kailan ba niya ako tatantanan sa pang-aasar niya? Hindi na talaga nakakatuwa, ah!

Kung tutuusin, totoo naman ang sinabi niyang NBSB ako. Yes, I'm already twenty-five years old but still single. Hindi naman sa walang nanliligaw at nagkakagusto sa akin. Sadyang hindi ko lang talaga nagugustuhan ang mga taong nanliligaw sa akin. Hindi ko talaga makita ang sarili ko na karelasyon sila.

Hindi ko rin naman ipinagmamalaki na single pa rin ako hanggang ngayon. Sadyang nalaman lang ni Cathy na single ako since birth dahil nang minsang nagkukwentuhan kami ni Aries ay narinig niya iyon. Mula noon, inasar-asar na niya ako.

Noong una, okay pa naman, eh. Okay lang sa akin na inaasar niya ako. Mabait naman si Cathy kung tutuusin. Hindi rin naman ako inis sa kanya noong una. May mga times pa nga na nakikipagkwentuhan ako sa kanya kapag may time. Pero mula noong nalaman niyang NBSB ako at mula nang simulan niya akong asarin, dumating na talaga sa puntong inis na inis na talaga ako sa kanya.

Para sa kanya siguro, biro lang iyon. Noong una naman, biro lang din ang tingin ko doon, eh. Pero habang tumatagal, naiinis na rin talaga ako. Mahilig kasi talagang mang-asar si Cathy. Kaya nga hindi ko na siya masyadong pinapansin ngayon dahil alam kong aasarin niya lang ako nang aasarin.

Dating an Idol (The Neighbors Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon